Chapter 2

11.3K 209 2
                                    

"Damn, what the...you again?" May himig na galit ang boses ng lalaki na nagsabi pagkatapos itong sadyang banggain ni Lauren. Tumilapon ang cellphone nito. Unfortunately, hindi ito nabasag ngunit sapat na ang reaksiyong nakita niya sa mukha ng lalaki para masabi niyang nakaganti rin siya sa wakas.

"Oh I'm sorry, It was an accident." Pinalamlam niya ang mga mata habang sinasabi 'yon na para bang sincere siya sa sinabi niya tapos ngumiti at sinabing "We're even." At mabilis na tinalikuran ang lalaki.

Halos nag-abot naman ang kilay ng lalaki sa narinig. Dali-dali siyang hinabol nito at pinigilan siya sa braso at hinila papalapit rito. Napansinghap siya ng halos gadangkal nalang ang layo nila sa isa't-isa. Naamoy pa niya ang pabangong ginamit nimo. Napakabango nito. Parang gusto niyang mas ilapit pa ang mukha dito para pagbigyan ang sariling masamyo ang bango nito. Napadako ang tingin niya sa labi nitong hindi nakangiti at napatingin siya sa magandang mga mata nito na ngayon ay titig na titig sa kanya.

Napahiya naman siya sa sarili dahil huling-huli siya sa aktong natulala sa kagwapohan nito.

"Done fantasizing me?" May pang-aarok na tanong nito sa kanya.

"Excuse? Me fanti.si.zing you?" Halos nabulol siya sa sinabi habang pilit na tumawa para pagtakpan ang pagkapahiya. Nakakahiya talaga naman talagang mahuli sa akto.

"Stop playing games with me. I won't buy that crap. Some women are so aggressive and liberated that they are not afraid to show the man that they like him while others like to play snob, uninterested, hard to get just to get the attention of the man to like. And whatever games you're playing please stop it because..." bitin nito sa sinabi at bahagya siyang inilayo at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Nothing fancy in you. You are not the type of woman that I like to bed with." Pagpapatuloy nito.

Kusang umigkas ang kanang kamay ni Lauren para sampalin ang napakayabang na lalaking kaharap ngunit napigilan ng kamay nito ang pagdapo ng palad niya sa mukha nito.

"Don't mess with me miss or you'll regret it for the rest of your life." Seryosong wika nito saka binitiwan ang kamay niyang hawak-hawak nito at iniwan siyang naggagalaiti sa galit.

"Hambog, yabang, antipatiko. Hindi ka naman gwapo. Pangittt..." Nanggalaiting sigaw niya rito. Tinagalog na niya para di siya maintindihan nito baka tutuhanin nito ang sinabi nitong she'll regret for the rest of her life. Medyo natakot din siya sa sinabi nito dahil what if isa pala itong membro o di kaya'y leader ng isang gang or iyong mga taong may illegal na business at hindi takot pumatay. Biglang kinilabutan siya sa naisip.

"What did you just say?" Biglang huminto sa paglakad ang lalaki at lumingon ito sa kanya at nagtanong.

"Ah nothing, nothing. I'm not talking to you." Sagot niya rito at binirahan ng talikod ang lalaki at mabilis na naglakad palayo rito. Hindi naman siguro siya naintindihan nito ngunit bakit parang naintindihan nito ang sinabi niya? Iwan, bahala siya sa buhay niya totoo naman napakayabang niya.

Nilisan na niya ang lugar at ni hindi na lumingon pa. Sayang di niya nakita ang ngiting namutawi sa mga labi ng lalaki. For the first time, napangiti siya ng loka-lokang babae.

Nilakad lang ni Lauren ang daan papunta sa tinutuluyan niyang hotel. Mag-aalas nuebe pa naman ng gabi. Like any other cities, ang Lima ay mas lalong nabubuhay kapag lumalalim na ang gabi. Bukas na ang mga bar at ang mga restaurant ay bukas pa rin sa mga oras na ito. Convenience stores are also open kaya hindi siya takot maglakad mag-isa. Para lang din itong Maynila.

Biglang napahinto sa paglakad si Lauren nang makita ang lalaki ang mayabang na lalaking bumaba sa sinasakyan nito sa harap ng mamahaling hotel. Sinalubong ito ng gwardiya at ibinigay nito ang susi ng sasakyan para ipark sa parking lot.

Hmm..mukhang mayaman ang antipatikong lalaki kaya siguro nuknukan ito ng yabang.

Dumiritso na siya sa kanyang tinutuluyang hotel na may di kalayuan sa hotel na tinutuluyan ng lalaki.

Agad siyang naghubad ng damit pagkarating sa kwarto. Binuksan ang TV at aircon bago naghilamos ng mukha at nagtoothbrush.

Nagsuot siya ng maliit na shorts na sadyang dinala niya para pantulog at manipis na spaghetti strap top. 'Di siya komportableng matulog na nakahubad. Ang lamig kasi ng aircon.

Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng mesa at pinatay ang lampshade saka humiga na. Pinabayaan niyang naka'on ang TV habang tinitingnan niya ang kanyang mga kuhang larawan sa cellphone kanina.

Ang gaganda ng mga kuha niya. Mas maganda siguro kung dslr ang gamit niyang camera kaso wala siyang ganon. Kailangan pa niyang mag-ipon para makabili ng ganon kamahal na camera which is hindi naman niya talaga kailangan iyon dahil may cellphone naman siya at maganda naman ang kuha. May napili siyang larawan at ipinost niya ito sa instagram. Tsaka na siya magpopost sa facebook kung makapagpapicture na siya sa Machu Picchu.

Pagkatapos tingnan ang kanyang social media account ay pinatay na niya ang TV, chinarge ang cellphone bago matulog.

Kailangan niyang gumising ng maaga bukas. She wants to explore Lima for a day before flying to Cuzco.

Although nag-umpisa ang araw niya sa Lima na nabadtrip dahil sa walang modo at mayabang na lalaking iyon ay hindi naman nabawasan ang excitement niyang maexplore ang syudad.

Tomorrow will be an exciting day for her.

Ipinikit niya ang mga mata at nakatulog na may ngiti sa labi.





Don't Mess A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon