Chapter 25

8K 162 0
                                    

Palihim na sinusundan ni Sebastian si Lauren ng malaman niyang hindi ito nagpahatid sa driver niya. Iwan pero may kakaiba siyang kabang naramdaman na hindi niya matukoy.

Sumakay ito ng taxi at ang direksyon ay papuntang SG mall. Ngunit huminto ang taxi nito sa harap ng Sabross cafe may 'di kalayuan sa mall. Diritso ito sa loob at nag-order ng kape. Pinanood lang niya ito sa may kalayuan. Kitang kita niya ito dahil sa salaming dingding ng cafe.

Ano bang meron sa babaeng ito na kahit niloloko na siya nito ay gusto pa rin niya itong makita sa araw-araw? Gusto niya itong parusahan. Gusto niyang gamitin ang ang dahas maging kanya lang ang babae ngunit liligaya ba siya kung pipilitin niya ang babaeng ibigin siya? May nagmamay-ari na nitong iba kaya nagpakasal ito kamakailan lamang. Ano man ang dahilan nito ng pagsama sa anak at tumira sa bahay niya kahit bagong kasal lamang ito ay hindi niya alam at malalaman din niya iyon.

Nakatingin lang siya rito. Sinpleng babae lang itong nagkakape. Ni hindi mo mapagkakamalang ina ito ng anak ng isang bilyonaryo. Kung iba siguro ang binigyan niya ng credit ay siguradong dumiritso na ito sa mall at nagshopping. Ngunit ito ay parang inosenteng babaeng walang pakialam sa mundo.

Gusto niyang lapitan ito at samahang magkape ngunit hindi pwede. Kailangan niyang ilayo ang sarili rito. Hindi pwedeng patuloy siyang mahuhulog rito dahil may asawa na ito.  Kahit silawin man niya ito ng pera para maging kanya ay imposibleng mangyari iyon dahil alam na nito kung gaano siya kayaman ngunit itinuloy pa rin nito ang kasal sa iba. Kaya imposibleng kaya niyang bilhin ito. Kaya pilitin niyang lumayo ito sa kanya. Kahit nasasaktan siya sa tuwing makita itong pinipigilan ang paghikbi sa tuwing sinasadya niýang tratuhin ito ng pangit.

Napansin niyang may lalaking lumapit kay Lauren at umupo ito sa kaharap na upuan ng dalaga na nakangiti.

Halos umuusok ang ilong niya sa panibugho ng hawakan nito ang kamay ni Lauren na nasa mesa.

Sino ang lalaking ito? Ito ba ang asawa nito o ibang lalaki ng babae? Ito ba ang dahilan ng pagsusuot nito ng pulang lipstick na hindi naman nitong ginagawa ang paglalagay ng lipstick?

Pinapanood niya ang dalawa na nagngingitngit ang kalooban.

Mayamaya ay lumabas siya ng sasakyan. Iwan ba niya pero gusto niyang hilahin ang babae palayo sa lugar na iyon. Ngunit tumayo na ang lalaki at nauna ng umalis sa babae. Hindi naman nagtagal ay tumayo na rin ito at lumabas ng cafe. Wala itong pakialam ng diritso ito nakatingin sa tatawiring daan papunta sa mall. Hindi nga siya napansin nito.

Nakita ni Sebastian ang matulin na sasakyan papunta sa diriksyon ni Lauren. Biglang nilukod ng takot ang puso niya ng matukoy na ang diriksyon ni Lauren ang sadya nito. Inilang hakbang niya ang layo nila at eksaktong halos isang metro nalang ang layo ng nahintakotang babae na hindi nakagalaw ng mahila niya ito mula sa kinatatayuan nito.

Halos gumulong silang dalawa sa lupa ng ma-out balance sa biglang paghila niya.

Tumayo siya at tinulungang makatayo si Lauren.

"Are you, okay?" Tanong niya habang ininspeksyon ang katawan nito kung may gasgas ba o bali at buti nalang ay okay lang ito. Sobrang takot niya kanina. Akala niya ay mahagip na ang babae ng sasakyan kung mabagal ang pagkilos niya. Paano nalang kung hindi niya ito sinundan?

Damn, gusto niya itong parusahan ngunit nanlamig ang kamay nito sa takot kanina.

"Sa susunod huwag kang tatanga-tanga. Dapat marunong kang tumingin sa kaliwa't kanan para makita mo ang mga sasakyan. Paano kung hindi ako dumating? Siguro bangkay ka na ngayon. At anong ginagawa mo rito? Ang sabi ko sa'yo magshopping ka ng damit pero heto ka at nakipagharutan ng lalaki." Singhal niya rito. Hindi na niya napigilan ang damdamin.

Matalim itong tumingin sa kanya at ikinuyom ang palad nito. May maliliit ma butil ng luha ang nag-aambang tumulo ngunit kinagat ang ibabang labi nito. Siguro para pigilin ang pagtulo ng luha. Inaasahan niyang sagutin siya nito at magalit ngunit hindi ito nagsalita. Na mas lalong ikinagalit niya. Hindi niya alam kung ano ang nasa utak nito.

Hinila niya ito palapit sa sasakyan niya at isinakay doon. Sumakay naman ito.

Pinaandar niya ang sasakyan at dumiritso sa parking lot ng mall.

Pagbuksan sana niya ito ng pintuan ngunit nakalabas na ito. Hinawakan niya ang isang kamay nito ay hinila papasok sa loob ng mall. Pinabayaan siyang hawakan ang kamay nito na ikinasiya ng puso niya. May kuryenteng dumaloy sa kamay niya na nagbibigay saya sa pakiramdam sa nagngitngit niyang kalooban.

"Tessa, assess Miss Lauren. Give her clothes and shoes and bags" Utos niya sa manager ng mall.

"Yes,sir." Sagot nito.

Para namang robot na sumunod lang si Lauren habang si Sebastian ay nagpaiwan sa may bench. Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa at may tinawagan.

"Hello Romero. Paki-imbestigahan ang sasakyang ito kung sino ang may-ari nito. Duda akong hindi aksidente ang muktik nang pagkasagasa ni Lauren kanina."

"Anong ibig mong sabihin na may gustong pumatay kay Lauren?"

"Iyon ang kailangan nating malaman. Do your homework. Add more people para mapadali ang trabaho."

"Yes Mr. Andersen." Anito at nagpaalam na.

Napabuntong hininga siya. Sino ba talaga si Lauren? Kung totoo ang hinala niya, sino ang gustong pumatay sa dalaga? At anong dahilan nito kung bakit gustong patayin si Lauren? Isa lamang itong simpleng babae na nagtatrabaho sa mall.

Kailangan niyang malaman ang totoo sa lalong madaling panahon.

Napatingin siya sa fitting room. Lumabas doon si Lauren na suot na nito ang suot kanina. Ini-expect pa naman niya na lalabas ito para ipakita kung magugustuhan ba niya ito o hindi.

"Ito lang po ang kinuha ni Miss Lauren,sir." Pakita nito sa damit na kulay krema.

"Get more." Utos niya sa mga saleslady na nandoon. Nagtataka man ito kung bakit magkasama ang boss nila at si Lauren ay wala ni isa man ang nagtanong. Nagdala ito ng iba't ibang klase ng sandal, sapatos at damit. Napilitang suotin iyon ni Lauren. Isang pares ng sandal, damit at sapatos lang ang napili nito.

Tumayo si Sebastian at pumili ng mga damit at sandal. Inilagay niya iyon sa basket at inutusan si Tessa na ipunch iyon. Pagkatapos mabalot at mailagay sa paper bag ay inutusan niya ang salesboy na dalhin iyon sa sasakyan niya.

"Let's go." Sabi niya sa tahimik pa ring si Lauren na sumunod naman sa kanya.

Wala silang imikan habang binabaybay ang daan pauwi.

Don't Mess A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon