Chapter 13

8.6K 176 1
                                    

Excited ng umuwi si Lauren sa bahay nila dahil namimiss na niya ang kanyang anak na si Sieve kaya dali-dali siyang lumabas ng pinagtatrabahoang mall. Sabado ngayon at bukas ay wala siyang pasok dahil rest day niya.

Nawawala lagi ang pagod niya sa tuwing uwian na dahil alam niyang makikita na naman niya ang anak niya.

Magjejeep siya pauwi para naman makatipid siya tapos bababa siya sa may kanto para sasakay ng tricycle papasok sa bahay nila. Mahirap pero kailangan niyang pangatawanan ang desisyon niyang bubuhayin ang anak niyang mag-isa. Wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng mga tao sa paligid niya kung bakit nagpakahirap siya samantalang maykaya naman ang tiyuhin niya at nakatira siya sa malaking bahay ng mga ito.

Tatawid na sana siya ng kalsada para doon sa kabila siya mag-abang ng jeep ng may biglang huminto sa tapat niya na itim na sasakyan. Ibinaba nito ang bintanang salamin ng kotse.

"Hop in" utos nito sa kanya.

Napatda naman siya ng makilala kung sino ito. Si Sebastian na nakangiti.

Biglang tumahip ang dibdib niya ng masilayan uli ang ngiting iyon.

"Why?" Iyon lang ang namutawi sa labi niya.

"Ihahatid kita pauwi sa inyo. Get in"

Napaatras naman si Lauren sa narinig. Kinabahan siya bigla ng maalala ang anak na si Sieve.

Hindi pwede nitong makita ang anak niya. Hindi pwedeng malaman nito na may anak sila at baka kunin nito sa kanya ang anak niya. Hindi niya kakayanin iyon.

"No thanks, magjejeep nalang ako." Tanggi niya rito at nagmamadaling umalis palayo rito. Nakita naman niya si Martin na kakalabas lang ng sasakyan nito. Timing na sinundo siya nito. Minsan sinusundo siya nito sa trabaho. Mabait na ito sa kanya. Sobrang bait na minsan ay weird na weird na sa pakiramdam niya.

Dali-dali siyang sumakay sa sasakyan nito. Hindi na niya nilingon si Sebastian na nagtatagis ang bagang sa nakita.

Buti nalang hindi sila sinusundan nito. Ano naman kayang nasa utak nito at bigla itong nagpakita sa kanya. Limang araw na ang nakalipas simula ng aksidenteng magkita sila nito sa loob ng mall noong Lunes. Kahit ayaw niyang mapaugnay rito ay hindi naman niya mapigilang umasam na sanay babalik ito at makipag-usap sa kanya pero hindi ito bumalik siguro busy ito sa nobya nito. Iwan pero nabubweset siya sa lalaki. Tapos ngayon bigla itong susulpot at pasasakayin siya sa kotse nito. Ano siya sineswerte?

Tama lang siguro talaga ang desisyon niyang huwag ng makipaglapit rito. Ayaw niyang malaman nito ang sekreto niya. Sana ay hindi na talaga ito magpapakita sa kanya.

Tahimik nilang tinatahak ang daan pauwi.

Pagdating nila sa bahay ay agad na dumiritso si Lauren sa kwarto nila ng anak para makita at mayakap ang anak. Si Martin naman ay hinanap si Cecilia at umupo sa living room.

Naabutan niya ang anak na si Sieve na naglalaro habang ang yaya ay nakaupo at binabantayan ang anak. Masipag si yaya Selma, parang itinuring na nitong anak si Sieve. 40 years old na ito, dalaga at walang anak kaya siguro gustong gusto rin nito ang ginagawa. Isa pa ang cute ng anak niyang si Sieve at napakalambing pa kaya nahulog agad ang loob ni yaya Selma sa anak niya. Kaya kampante siya maiwan ang anak niya sa pangangalaga nito dahil alam niyang mahal nito ang anak niya.

"Baby Sieve, mommy's home." Tawag niya sa anak at nilapitan ito saka niyakap.

"Mommyyy" sabi naman nito at gumanti ng yakap at humalik sa kanya.
Halos malunod naman siya sa sobrang tuwa rito kaya pinupog niya ito ng halik na ikinakiliti naman nito dahil napahagikhik ito.

Binitiwan niya ang anak at nagbihis ng damit pambahay. Siya na ang mag-aasikaso sa anak niya. Gusto niya habang nasa bahay siya ay siya ang mag-aalaga sa anak niya. Magrelax naman si Selma ngunit alam niya ayaw nitong magmukmok sa kwarto nito sa tuwing nasa bahay si Lauren naglalaba ito tuwing hapon ng mga damit ng anak niya at sa kanya. Noong una ay sinaway niya ito dahil hindi na ito sakop ng trabaho nito. Isa pa hindi naman kalakihan ang sinasahod nito sa kanya kaya ayaw niyang abusuhin. Sapat na sa kanyang inaalagaan nitong mabuti ang anak niya. Ngunit ayaw paawat nito. Mas gusto raw nitong may ginagawa kaysa uupo lang kaya pinabayaan nalang niya.

Katatapis lang niyang magpalit ng damit ng tinawag siya ni Cecilia at pinapunta sa sala. Andoon din si Martin at Leon.

Bigla siyang kinabahan.

"Well, since malaki na ang anak mong si Sieve ay wala kana sigurong alalahanin. Isa pa hindi naman talaga hadlang ang bata sa pagpapakasal. Kaya ngayon planuhin n'yo na ang pagpapakasal. As soon as possible the better. Wala na kayong alalahanin sa gastusin dahil kami na ang bahala." Diritso at mahabang sabi ni Cecilia.

Hindi siya nakapagsalita sa narinig. Hindi din kasi alam niya kung ano ang sasabihin. Alam niyang nangako siya sa lalaki na pakakasal dito pagkapanganak ngunit hanggang ngayon ay hindi parin n'ya maatim na magpakasal dito.

"Silence means yes. Your wedding is in two months." Deklara ni Cecilia habang nakikinig lang si Martin at Leon. Mukhang napag-usapan na nito ang tungkol doon.

"Ho? Bakit ang bilis naman?" Biglang tanong ni Lauren.

"Ano na namang idadahilan mo ngayon Lauren? Two years ng naghihintay si Martin. It's the right time na magpapakasal na kayo."

"Ayoko, ayokong magpakasal sa kanya at hindi n'yo ako mapipilit." Matapang na sagot n'ya saka padarag na iniwan ang mga ito.

"Lauren, h'wag mo kaming talikuran." Sabi ni Leon sa matigas na tinig. Ngunit hindi n'ya pinakinggan ito at tuloy-tuloy lang sa paglakad papunta sa kwarto ng anak.

Niyakap niya ang anak ng mahigpit. Gusto lang n'yang kumuha ng lakas rito.  Nanghihina siya. Pakiramdam nya ay nawalan s'ya ng lakas. Pakiramdam n'ya ay kinokontrol ng mga ito ang buhay n'ya. Bakit ba pinagpipilitan ng mga itong ipakasal s'ya sa lalaking ni hindi n'ya gusto. Ano bang meron ang Martin na 'yon bakit ba ito ang gusto ng mga itong mapangasawa n'ya?

Kahit pa siguro ibahin nito ang anyo ay hindi pa rin n'ya ito magustuhan.

Sana kung nandito lang sana ang mga magulang n'ya ay hindi ay siguradong hindi s'ya maghihirap ng ganito.

"Mommy, can't breathe." Pautal-utal na sabi ni Sieve sa kanya. Nasobrahan pala n'ya ng higpit ang yakap sa anak.

Napangiti naman s'ya sa sinabi ng anak. Nakakatuwa talaga everytime na marinig n'yang nagsasalita ito. Napakadaldal nito kahit nahihirapan pang magsalita. At nag-eenglish pa.
Minsan sa isang araw ay pinapanuod ito ng yaya ng peppa pig para daw matrain si Sieve sa pag-english with accent. May mga binili din siyang children's song at mga alphabets & numbers songs na laging pini-play ni Selma sa TV. At nakakatuwang mabilis itong natuto. Alam n'ya matalinong bata ang anak n'ya.

Pinaalis na n'ya si Selma para makakain na ng hapunan. Siya na ang bahala na magpakain sa anak.

Si Sieve naman ay lumapit sa kanya at umupo sa kandungan n'ya habang hawak parin ang laruan nitong superman.

Don't Mess A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon