Chapter 10

9.3K 182 0
                                    

"Lauren bilisan mo dyan kanina pa naghihintay si Martin sa baba." Tawag ng Ante Cecilia niya sa kanya. Nagbibihis siya dahil lalabas sila ni Martin para mamili ng susuotin para sa darating na engagement party nila sa susunod na linggo. Ayaw nga sana niyang kasama si Martin ngunit ang ante Cecilia niya ang mapilit na magsabay nalang sila ni Martin total naghahanap din daw ang pamangkin ng damit na susuotin. Bonding na rin daw nila ito. Ayaw man niya ay wala siyang magawa kundi sumunod nalang rito para wala ng gulo.

Nalabasan niya si Martin na kampanteng nakaupo sa sala nila. Nakasuot ito ng itim na pantalon with  red and grey checkered long sleeve. Nakatuckin pa ito at may malaking brown na sinturon. Naka orange na rubbershoes din ito. Nakasuot ito ng salamin at ang buhok ay parang pinaJose Rizal. Hindi talaga niya type ang looks nito. Iwan ba niya at hindi man lang pinagsabihan ng ante niya ang binata na ibahin ang ayos para kahit papaano ay hindi ito mukhang nerd and weird. Sinabihan na niya ito minsan ngunit tinawanan lang siya nito. Sabi pa nito na he likes his looks daw. Napa oh nalang siya. Iba rin ito sobrang belib sa sarili.

Tahimik nilang nilakbay ang kahabaan ng daan papuntang SM mall.

Pagdating doon ay para itong tuta na sunod ng sunod sa kanya. Sinabihan naman niya itong maghanap na ito ng damit na isusuot at siya naman ay hahanap din ng kanya ngunit gusto nitong samahan siya munang mamili pagkatapos niya ay ito naman ang tutulungan niyang mamili ng susuotin. Parang biglang gusto nga niyang siya ang mamili ng susuotin nito para kahit papaano ay mag-iba naman ang looks nito sa engagement party nila ngunit nabubweset naman siya sa presensiya nitong sunod ng sunod sa kanya. Sa totoo lang ay nahihiya siyang kasama ito. Nakakaagaw pansin kasi ang kakaibang hitsura nito. Ngiti pa ng ngiti ang gago akala niya maraming nagagwapohan sa kanya dahil kapag marami talagang napapalingon sa kanyang mga tao na nadadaanan nito.

Napabuntong hininga nalang siya at kinuha ang damit na nagustuhan at dumiritso sa fitting room para isukat iyon. Naiwan naman ito sa labas.

Isang itim with spaghetti strap above the knee dress ang kanyang napili. Medyo nahirapan siyang suotin ito. Nang masuot na at tingnan ang repleksiyon sa salamin ay napangiwi siya sa nakita. Mukha siyang suman na binalot sa itim na damit. Ngayon lang niya napansin na medyo tumaba pala siya. Medyo lumaki ng kunti ang balakang niya at sa may bandang tiyan niya. Medyo lumaki ang tiyan niya dahil sa kabag. Ilang weeks na ba ang kabag niya. Naninigas ang tiyan niya sa kabag at lagi siyang nauutot. Nakakainis nga dahil ilang papaya na ang naubos niya at ilang baso na ng tubig ang ininom niya ay walang effect parin. Kaya pinabayaan nalang niya.

Huhubarin na niya ang damit at papalitan niya ng ibang size or maghahanap siya ng iba na hindi masyadong mahalata ang tiyan niya.

Ngunit halos mahilo na siya sa sobrang hirap pala hubarin ang damit na iyon dahil sa sobrang sikip. Pinilit kasi niya itong isuot kanina kahit halos 'di na magkasya kaya hayan tuloy nahihirapan siyang hubarin ito.

Napaupo naman si Lauren pagkatapos mahubad ang damit. Parang nahilo talaga siya sa ginawa. Buti nalang may maliit na upuan sa loob ng fitting room.

Kinuha niya ang kanyang damit at isinuot ito habang nakaupo parin. Nang matapos ay tumayo na siya para lumabas. Kalalabas lang niya ng pintuan ng fitting room ng bigla siyang nakaramdam ng hilo. Napakapit siya sa dingding. Mabilis naman siyang nadaluhan ni Martin.

"Okay ka lang?" Nag-alalang tanong nito.

"I'm fine, medyo nahilo lang ako." Sabi niya. "Uwi nalang tayo. I suddenly not feeling well." Yaya niya rito.

Tumango naman ito at inaalalayan siya patungo sa sasakyan nito.

Kakaupo lang ni Lauren sa sasakyan ng bigla na naman siyang nahilo. Nahihilo na parang naduduwal siya. Nag-umpisa namang sumakit ang ulo niya at mata. Siguro inatake na naman siya ng migraine. Kakaiba nga lang this time dahil nahihilo siya.

Halos mawalan na siya ng malay kaya dali-daling pinaandar ni Martin ang sasakyan.

Namalayan nalang niya ay  itinigil na pala nito ang sasakyan sa harap ng emergency room.

Wala na siyang nagawa kundi magpacheck up nalang.

Kinunan siya ng blood pressure, pulse rate habang tinatanong siya kung kailan ba ang huling menstration niya. Ngunit hindi na niya maalala dahil dalawang buwan na pala siyang hindi dinatnan. Tinanong naman siya kung kailan ang huling sex activity niya. Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Naalala niya ang nangyari sq Peru. Biglang daloy ng kaba sa dibdib niya.

"Wala pa pong nagyari sa amin doc. Saka na pagkatapos ng kasal." Medyo nahihiya pang amin ni Martin sa doctor. 

Hindi naman sumagot ang doctor at ngumiti lang.

Mayamaya ay binigyan siya ng plastic cup at pregnancy test ng nurse at sinabing magtest daw siya.

Kinuha niya ito at pumasok sa loob ng comfort room doon.

Nanginginig naman ang kamay niya habang binubuksan ang pakete ng pregnancy test. Pigil hininga ang ginawa ni Lauren habang hinihintay ang resulta ng test. Abot langit ang kaba niya.

Halos manlaki ang mata niya ng dahan-dahang magdalawang linya ang guhit na nakita niya sa pregnancy test. Ang ibig daw sabihin ng dalawang guhit ay buntis siya.

Natakpan niya ang bibig sa nalaman. Hindi niya alam kung sisigaw o iiyak. Hindi pa siya ready maging ina ngunit may bahagi ng puso niya na masaya sa nangyari.

Kinakabahan naman siya  at biglang nakaramdam ng takot sa maaring reaksiyon ni Martin, ng tiyuhin at tiyahin niya kapag nalaman na buntis siya.

Kinatok siya ni Martin.

Wala siyang nagawa kundi lumabas nalang at ibinigay sa doctor ang pt niya.

Umupo siya sa upuan na nanghihina. Ngumiti naman ang doctor at neresetahan siya ng mga vitamins. Hindi ito nagcongratulations dahil siguro sa presensiya ni Martin at sa sinabi nitong wala pang nangyari sa kanila. Nakasense siguro ito ng kakaiba.

Nagtaka naman si Martin at nagtanong sa doctor kung ano ang resulta.

Tumingin muna ang doctor sa akin bago sinagot ang tanong ni Martin at ngumiti.

"It's positive. She's pregnant."

"Ano ho buntis si Lauren?" Tanong uli nito para masiguro kung tama ang dinig nito.

Kinumpirma naman uli ng doctor.

"Paanong nangyari iyon?" Iyon ang lumabas sa bibig niya habang nakatingin kay Lauren.

Parang biglang hindi maipinta ang mukha nito.

Hinawakan nito ang kaliwang braso niya at halos pakaladkad siyang hinila nito palabas ng hospital patungo sa sinasakyan nila.

Halos ibinalya siya nito papasok sa sasakyan. Hindi na muna ito sumakay at sinipa-sipa pa nito ang gulong ng sasakyan.

Parang biglang nag-iba ang anyo nito. From nerd looking guy noon, ngayon ay nerd looking with a devil look na.

Galit na galit ang anyo nito.

Hindi niya naisip na may ganito pala itong personalidad.

Binuksan nito ang pintuan at umupo sa driver's seat.

"You are cheating on me, you're a whore. Sino ang lalaki mo?" Galit na tanong nito habang mahigpit na hinawakan ang isang braso niya. Napadaing naman siya sa sakit.

Pabalyang binitiwan nito ang braso niya ng makitang halos umiyak na siya sa sakit.

Mabilis namang pinasibad nito ang sasakyan pauwi sa kanila.

Kinakabahan siya sa kung ano ang magiging kapalaran nila ng anak niya.

Sa nakikita niya ay may kakayahan pala ang Martin na ito na manakit sa kanya.

Natatakot siya bigla para sa kanya at sa anak niya.

Help us God. Please protect us. Lihim niyang naidalangin.

Don't Mess A BillionaireWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu