Chapter 26

8.2K 189 1
                                    

Alas sais na ng hapon ng mag-umpisang bihisan ni Lauren ang anak na si Sieve. Pagkatapos ay dinala niya ang anak sa kwarto niya para makapagbihis siya. Isinara niya ang pinto at pinabayaan ang anak na maglaro sa loob. Kinuha ang damit na bagong bili kahapon sa tokador niya. It's a color cream dress na hanggang talampakan niya ang haba. It's perfectly fit on her slender body. May mahabang slit ito kaliwang legs niya that's shows her flawless and nice pair of legs. Hindi siya masyadong maputi. Kumbaga she has a nice filipina tan skin. Tamang tama lang ang pagka'tan ng balat niya na kinaiinggitan ng marami sa kanya. Flawless na flawless kasi talaga siya.

The dress shows a bit of her cleavage pero hindi naman malaswang tingnan. She still looks simple yet elegant. Iyon ang tingin niya sa sariling repleksiyon sa salamin. Dress could really change someone's look. Napangiti siya. Nagpahid siya ng manipis na make up sa mukha na bumagay sa suot niyang damit. Simple lang na hindi siya makaagaw ng eksena sa party dahil yaya lang naman siya ng anak ng bilyonaryo.

Nang masiyahan na sa nakita sa salamin ay tumayo na siya at niyakag ang anak na lumabas.

Naabutan niya si Sebastian sa may living room na naghihintay sa kanya. Napasinghap siya ng makita ito in his tux. He looks dignified ang powerful yet  every piece of him shouting his oozing sex appeal. Makalaglag panga naman talaga ang kagwapohan nito. Kung boyfriend siguro niya ito ay siguradong proud na proud siyang ipangalandakan iyon. Ngunit hindi niya ito boyfriend kaya sekreto nalang ang di mamatay matay na paghanga niya rito.

Napukaw ang pag-iisip niya tumikhim ito.

"Done exploring my body?" Tanong nito  sa nang-uuyam na ngiti.

Napahiya siya. Biglang bangon naman ng inis niya para sa lalaki. Wala talaga itong pinalampas na panahon para sirain ang mood niya.

Kinarga niya si Sieve at nauna ng naglakad papunta sa sasakyan.

Inihatid sila ng driver.

Nakarating sila sa bahay ni Isabel ng walang imikan.

Hindi man lang ba napansin nito na maganda ang suot niya? Nabagay ito sa kanya? A little compliment from him will lighten her mood pero wala. Parang nasayang lang ang pagpapaganda niya.

Pumasok sila sa loob at sinalubong sila ng host. Si Isabel ang babae nga kaharutan ng haliparot na si Sebastian kahapon sa bahay nito.

Humalik ito kay Sebastian at kay Sieve at nag 'hi' sa kanya. Buti nalang napansin siya. May kabaitan pala ito. Sa isip niya.

"Let's go to my parents. Namiss ka na nila." Hila nito sa kamay ng binata.

Naiwan naman sila ni Sieve. Hindi niya alam kung paano kikilos sa harap ng mayamang mga tao. All are wearing an elegant dress and tux. Isang bonggang birthday party ang magaganap na ang mga bisita ay puro nasa alta sosyedad. Siya lang yata ang hampas lupa doon.

Naghanap siya ng misang mauupuan at kinarga ang anak para umupo doon.

Nagdala siya ng maliit na laruan ng anak para mapaglibangan nito.

Hinanap ng mga mata niya si Sebastian at nakita niyang masaya itong nakipag-usap sa mga magulang ni Isabel habang ang isang kamay ng babae ay nakayapos sa baywang niya.

Haliparot. Sa isip niya. Gusto niyang hilahin ang kamay nito palayo kay Sebastian. Ngunit wala siyang karapatan dahil yaya lamang siya nito.

Ang kirot na naramdaman niya sa dibdib ay lumalala habang tumatagal ang pagtitig niya sa mga ito.

Pilit niyang ibinaling ang mga mata sa ibang tao na naroon.

Busy lahat sa kanya-kanyang socialization.

Don't Mess A BillionaireWhere stories live. Discover now