Chapter 29

8.3K 174 1
                                    

Tahimik si Lauren na nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Tinitingnan niya ang mga nadaanan ngunit wala doon ang isip niya. Iniisip niya ang anak niya. Kumusta na kaya ito? Inaalagaan kaya ito ni Sebastian? Napakain kaya ito ng maayos? Masaya ba sila ngayon na wala siya? Maraming katanungan sa isip niya na hindi niya masagot. Sobrang namimiss na niya ang anak niya. Pakiramdam niya ay para siyang mababaliw. Nagmukmok lang siya sa kwarto buong araw kahapon pagdating niya sa bahay ng tiyuhin. Hindi siya kumain magdamag. Nagulat man ang mga ito sa pagbalik niya ay nakita naman niyang sumaya ang mga ito dahil nagbalik siya. Akala pa naman niya ay wala na talaga siyang halaga sa mga ito. Hinanap nito ang anak niya ngunit hindi niya sinabi sa mga ito ang kumpletong impormasyon kung nasaan ang anak. Sinabi lang niyang nasa mabuti itong kalagayan kapiling ang ama nito. Hindi naman namilit ang mga itong sabihin niya na lihim niyang ipinagpasalamat.

Naalala niya si Sebastian. Siguro masaya na ito ngayon na wala na siya. Nagdiwang na ito ngayon na sa wakas masolo na nito ang anak niya at mawala na siya sa buhay nila.

Hindi niya napigilang tumulo ang luha sa mga mata. Dali-dali niyang pinahid iyon. Hindi niya alam kung tama ang naging desisyon niya na ipaubaya nalang sa ama ang anak niya. Alam niya pagsisisihan niya iyon pero sa ngayon ay gulong-gulo lang talaga ang utak niya. Hindi siya makapag-isip ng maayos dahil hindi lang ang utak niya ang gulong-gulo kundi pati ang puso niya.

Gusto niyang itakas ang anak pero alam niyang wala siyang kalaban-laban kay Sebastian. Money makes impossible things possible. Kaya hindi niya ito matatakasan.

"Tiya daanan muna natin ang kamalig. May kukunin lang akong naiwan doon total madaanan naman natin iyon." Saad ni Martin habang nagmamaneho. Niyaya siya ng dalawa na pumunta sa beach para atleast maaliw daw siya at ng maibsan ang bigat sa dibdib niya sa magandang tanawing makikita. Una ay tumanggi siyang sumama ngunit kinulit siya ng kinulit ni Cecilia kaya napilitan siyang sumama baka tama ang mga ito na kailangan niyang aliwin ang sarili.

"Sure go ahead." Pagpayag ni Cecilia.

May makipot na daan papunta sa kamalig. Binaybay nila iyon papasok. Ang lupang ito ay pag-aari ng tiyuhin. May mga nakatanim na puno ng palcata. Sa pagkakaalam niya ay kailangan din itong alagaan ang in five to 10 years ay pwede na itong iharvest at ibenta. Malaki ang lupain pero hindi niya alam kung ilang hektarya ito.

Nakita nila ang isang maliit na barong barong. Ito yata ang pahingahan ng mga trabahante at sa tabi nito ay ang kamalig.

"Bumaba ka muna Lauren. Halika ka samahan mo ako sa loob." Malumanay na sabi nito sa kanya.

"Dito lang ako ante sa sasakyan. Kayo nalang ho." Tanggi niya. Wala siya sa mood na bumaba at ano naman ang tingnan niya sa loob? Marami na siyang nakikitang kubo kaya wala na siyang interest rito.

Nauna ng pumasok si Martin sa loob.

"Come on hiya, Lauren. May ipapakita ako sa'yo sa lòob." Pamimilit nito kaya bumaba nalang siya para tumigil na ito.

Pinauna siya nitong pumasok. Pagkapasok na pagkapasok niya ay may biglang sumuntok sa sikmura niya. Sinundan pa ito ng tatlong suntok na halos nagpawala sa ulirat niya. Gusto niyang sumigaw ngunit wala ng boses na lumabas sa bibig niya. Nawalan siya nanglakas at halos mawalan na siya ng malay.

Sa halos papikit na mga mata ay nakita pa niya ang paghila nito sa kanya at pagtali ng kamay at paa sa isang haligi.

Si Martin ang gumawa noon habang si Cecilia ay tiim na nakatingin lang sa kanya.

"Ba-kit ninyo ito ginawa sa akin? Anong kasalanan ko sa inyo?" Sa gitna ng sakit na naramdaman sa pagsuntok nito ay tanong niya.

Humagalpak si Cecilia ng tawa. Na parang demonyo.

"Poor Lauren, kung sana namatay ka nalang agad noong bumangga ang sasakyang sinakyan ninyo pag-alis ninyo at kung sana nasagasaan ka ng tuluyan ay di sana umabot tayo ng ganito."

Namilog ang mata niya sa sinabi nito. Ito ang may pakana ng muntik na niyang pagkapahamak kasama ang anak niya.

"Walang hiya ka Cecilia. Walang hiya kayo. Idinamay pa ninyo ang anak ko. Hayop kayo. Ano bang nagawa kung kasalanan sa inyo at gusto n'yo akong patayin ha?" Galit na tanong niya. Naghysterical na siya.

"Poor Lauren. The innocent but stupid little girl who happened to be the only one who inherits the wealth of her late parents when she got married before the age of 25." Nakangiting sabi nito pero hindi niya maintindihan. Anong ibig sabihin nito? Siya ba ang tinutukoy nitong little girl?

"Ano ang ibig ninyong sabihin?"

"Well, okay since mamamatay ka rin naman mayamaya lang ay masaya naman siguro na malaman mo ang totoo." Luminga ito at hinanap ang upuan. Kumuha ito ng upuan at umupo sa harapan niya.

"Ang lolo mo talaga ang puno't dulo ng lahat ng ito. Dapat siya ang sisisihin mo sa sinapit mo ngayon. Oh yes, alam ko naguluhan ka. Ganito kasi iyon. Dalawa ang anak niya ang ama mo at si Leon ngunit ng mamatay ito sa sakit sa puso ay sa iyong ama lahat ipinamana ang lahat ng kayamanan nito. Ang malaking lupain na ito. Ang malaking bahay, ang negosyo nitong conveniece store. Isipin mo kung gaano kawalang hiya ang matandang iyon. Syempre nasasaktan si Leon. Isinumpa niya ang ama mo. Aagawin niya ang lahat mula rito ngunit hindi pa man siya nakagawa ng paraan ay naaksidente ang mga magulang mo. Sobrang saya namin ni Leon ng tinawagan kami ng dswd dahil kami nalang daw ang kamag-anak mong natitira. Sa isip namin ito na ang pagkakataong hinintay ni Leon. Pinaniwala ka namin ng ibang kwento. Na mahirap ang mga magulang mo. Na kami ang may-ari ng bahay, lupa at negosyo."

"Mga walang hiya kayo." Sigaw niya rito.

"Tsk tsk huwag ganon. Hindi naman namin siguro kasalanan kung tanga ka dahil hindi ka man lang nagtanong-tanong sa ibang tao tungkol sa mga magulang mo. Anyway, ipagpapatuloy ko na ang masayang kwento." Sabi nito na tumatawa pa.

"Iyon na iyon sobrang saya na namin ngunit nalaman namin na sa iyo na pala napamana ng magulang mo ang lahat pero syempre may kundisyones iyon. Tuso talaga ang mga magulang mo Lauren dahil parang alam na nilang mamamatay sila dahil naihanda pa nila ang last will and testament. Alam mo ba kung ano ang nakasaad doon?"

Hindi siya sumagot.

"Hindi mo makukuha ng buo ang kayamanang iyon kung hindi ka mag-aasawa before the age of twenty five."

"Kaya pala pinilit ninyo akong ipakasal kay Martin. Mga walang hiya kayo " sigaw niyang nagpupumiglas.

"Oh atlast narealize mo din. Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit papatayin ka namin ngayon?" Nakangiting sabi nito. Parang nag-iba ang mukha ni Cecilia sa paningin niya. Mukha itong sinapian ng demonyo at si Martin ang assistant nito na tamatawa rin.

Hindi siya sumagot. Bakit nga ba?

"Okay kahit hindi ka magtanong sasabihin ko pa rin. Kung hindi ka makapag-asawa before 25th birthday mo ay mapupunta sa charity ang seventy percent ng lahat ng kayamanan mo at syempre hindi kami papayag doon. Kaya ka namin inaalagaan para pagdating ng panahon ay ipinakasal ka kay Martin at pagkatapos ay patayin para sa amin na ang lahat ng kayamanan mo dahil syempre automatic na si Martin ang taga pagmana mo dahil asawa mo na siya. Oh baka magtaka ka kung paano namin masiguro na makuha namin ang pera? Simple lang dahil anak ko siya sa pagkadalaga."

Halos sumabog na ang utak ni Lauren sa daming rebelasyong narinig.

"Mga walang hiya. Demonyo. Pakawalan ninyo ako rito." Nagpupumiglas na sigaw niya.

"Oh ang tiyuhin pinakamastermind dito ha baka sabihin mo napakademonyo namin. Huwag ganon Lauren, assistant lang kami." Sabi nitong humalakhak pa.

Don't Mess A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon