Chapter 4

10K 170 1
                                    

Hating gabi ng lumapag ang sinasakyang eroplano ni Lauren sa Cuzco International Airport sa bansang Peru, almost two hours flight from Lima.

Excited siyang lumabas ng eroplano. Pagkatapos makuha ang bagahe ay tinungo na niya ang sakayan ng taxi. Habol hininga naman siya habang naglalakad. Hingal na hingal siya kahit naglalakad lang naman siya sa may katamtamang bilis. Ito iyong tinatawag nilang altitude sickness. Tatamaan talaga ang sinuman nito lalo na't mga dayuhan na hindi pa sanay o nakapag-adjust doon. May gamot naman daw na pwedeng inumin para mawala ang altitude sickness. Bukas ng umaga ay iyon ang una niyang hahanapin.

Sumakay siya ng taxi at dumiritso na sa kanyang hotel na tutuluyan. She booked that hotel in airbnb. Hindi kalakihang hotel ngunit malinis naman. Medyo may kalakihan ang kwarto. May maliit na table at dalawang upuan at ang queen size bed na ang sarap higaan dahil inaantok na siya.

Naghubad agad siya ng sapatos at damit at mabilis na naghilamos at nagtoothbrush. Pinahinaan muna niya ang aircon bago humiga sa kama para matulog. Inaantok na talaga siya.

Alas-sais na ng umaga nagising si Lauren. Dali-dali siyang bumangon at naligo. Pagkatapos maligo ay lumabas siya ng hotel para maghanap ng makainan. Hindi naman siya nahirapan dahil marami naman siyang nakitang local restaurant na maagang nagbukas..parang karinderya lang sa Pilipinas except mas presentable dito.

Dali-dali siyang kumain at bumalik sa hotel para magcheck out. Although twelve o'clock pa ang checkout time ay kailangan na niyang magcheckout dahil magtravel pa siya papuntang Machu Pichu. Gusto pa sana niyang puntahan ang Maraz salt mine at Urubamba ng Cuzco kaso wala na siyang time para puntahan ito. The rainbow mountain is another reason that she must go back in Peru.

Pagkatapos magcheckout sa hotel ay dumiritso na siya sa terminal ng bus papuntang Ollantaytambo Rail Station.
Pagdating doon sasakay siya ng train papuntang Aguas Callientes kung saan matatagpuan ang Machu Picchu.

Enjoy na enjoy siya sa biyahe papuntang rail station ngunit mas naenjoy niya ang pagsakay ng train. Ang linis at ganda kasi ng loob ng train,idagdag pa ang malaking bintanang salamin at salamin na kisame ng tren na nagbibigay liwanag sa loob nito. Mula sa loob kay kitang-kita niya ang magagandang tanawin na nadadaanan nila. The beautiful landscape of the mountain, the rivers, the trees and everything that she saw ay napapahanga talaga siya sa sobrang ganda. Kakaiba ito sa Pilipinas.

Binigyan siya ng packlunch ng waiter, kasali na ito sa binayaran niyang ticket.
Pagdating niya sa Aguas Callientes ay dumiritso na agad siya sa tutuluyang hotel. It's a backpacker hostel na kung saan kadalasang nagchecheck-in doon ay mga travelers talaga with their backpack. They travel from one place to another and just carrying their backpack and they choose to stay in a backpacking hostel because it's much cheaper place to stay compare to a hotel and they like it also because they can meet different travelers around the world there.

Pagpasok pa lang niya sa hostel ay nakita na niya ang mga travelers sa may entrance ng hostel na nagkakatuwaan. May nag-iinom ng beer, meron namang naglalaro ng cards, meron din nagcecellphone lang at meron ding nagkukwentuhan. Pagpasok na pagpasok pa lang niya ay binati na siya ng mga ito. Ito ang gusto niya sa mga ganitong lugar. Parang nasa bahay lang ang feeling. The hostel is like a house lang talaga. May common kitchen, common restroom, common shower room.

Nagcheck-in na siya sa counter at pagkatapos ay dumiritso kwarto. It's a room with four bank bed. Bawat isa ay may sariling locker at ang bawat bed ay may kurtina for privacy purposes. Wala ng bakante sa ibabang bed kaya ang itaas ang uukupahin niya. Inilagay niya ang kanyang bag sa locker at inilock ito. Sa ganitong klaseng lugar ay kailangang maingat talaga ang sinuman kasi hindi nila kilala ang mga kasama nila sa loob ng silid. She always carry her passport with her anywhere she goes.

Umakyat muna siya sa kanyang higaan at nagrelaks habang tinitingnan ang mga larawang kuha niya kanina sa loob ng tren. Magpahinga muna siya ng mga tatlumpong minuto saka lalabas at mamasyal. Bukas pa siya ng umaga pupunta sa Machu Picchu. Dalawang gabi siyang mananatili sa Aguas Callienties.

May nakita siyang signage ng Machu Picchu sa internet, iyon ang hahanapin niya mamaya.

Nang mapagod na sa kakabrowse ng cellphone si Lauren ay napagpasyahan niyang lumabas na at mamasyal. Medyo may kalamigan ang paligid kaya nagsuot siya ng makapal na jacket at nakalong pants.

Nothing so fancy in that place parang typical na lugar except makikita mo ang magandang tanawin ng bukirin. The beautiful Andes mountain that almost take her breath away. Wala kasing ganito sa Pilipinas kaya ang isang katulad niya na sa Pilipinas nakatira ay sobrang hahanga talaga.

Naglakad-lakad siya sa central plaza at nagpapicture sa mga statue doon. The buildings shout the rich history of the place.

Even though she still catching her breath ay hindi iyon hadlang para mawala ang excitement ni Lauren para suyudin ang naturang lugar para mapasyalan.

Ngunit ng mapagod ay naghanap siya ng magandang lugar na pwede niyang maupuan. May nakita siyang coffee shop sa may 'di kalayuan.

Umupo agad siya pagkarating sa coffee shop. Nag-order agad siya ng Cappuchino and sandwich. Snacks and dinner na niya iyon. Pag-uwi niya ay matulog na siya. It's already six o'clock na rin naman ng gabi ngunit maliwanag pa sa labas. Mahaba daw ang daytime sa bansang ito pagganitong season.

Nilantakan agad ni Lauren ang sandwich at kape ng dumating. Medyo gutom na pala siya, hindi lang niya naramdaman kanina. Sa kalagitnaan ng pagkain ay nahagip ng tingin niya ang papalabas na lalaki sa coffee shop. Nasa labas kasi siya umupo kaya hindi niya masyadong napansin ang mga customer sa loob. Siguradong makikita siya nito dahil malapit sa daanan siya nakaupo.

Shit, anong ginagawa ng mayabang na lalaking ito dito?

Nagtama ang mga mata nila at nakita niyang nagulat din ang lalaki ng mamukhaan siya.

Gusto sana niyang tumakbo at baka gagawin nito ang sinabi nitong ipakulong siya pero hindi naman siguro iyon gagawin kasi wala na sila sa Lima.

Nakakabadtrip talaga. Kung kailan ang ganda na ng araw niya ay biglang susulpot na naman ang walang hiyang lalaking iyon.

Dali-dali siyang nag-iwas ng tingin at halos itago na ang mukha na iniba ang posisyon patalikod rito.

Halos tumigil naman ang paghinga niya ng huminto ang lalaki sa tabi niya. Hindi ito nagsalita at mukhang nakiramdam lang. Maya-maya ay bumalik ito sa loob at may kinuha sa table. May naiwan yata at bumalik palabas, this time diri-diritso na itong lumabas. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

Ang yabang talaga. Grabe. Nag-uumapaw ang hangin sa yabang.

Iwan niya, nabwebwesit talaga siya rito. Akala mo kung sinong gwapo. Ang yabang. Sa isip-isip ni Lauren.









Don't Mess A BillionaireWhere stories live. Discover now