Chapter 28

8.1K 162 0
                                    

Naunang dumating si Sebastian sa rest house niya. Pinahanda niya ng almusal ang caretaker doon. Minsan lang siya pumupunta sa rest house niya. Makikita sa labas ng beranda ang malawak na karagatan.

Dalawang oras din siyang naghihintay kina Romero bago ito dumating.

Inilabas nito sa sasakyan ang isang lalaking nakapiring ang mga mata. Pinasok nila ito sa loob at dinala sa basement ng bahay.

Pinaupo nila ito sa upuan sa gitna habang nakatali ang dalawang kamay nito sa likod ng upuan.

Tatlong lalaki ang mga kasama ni Romero at mukha itong malalakas ngunit mahusay naman manamit. Hindi ito mapagkamalang marunong itong mangidnap o pumatay ng tao. Hindi niya alam kung saan ito nakuha ang mga kasama pero may tiwala siya kay Romero. Ilang taon na itong nagtatrabaho sa kanya kung may gusto siyang paimbestigan na mga karibal sa negosyo o kaya'y taong gustong mapalapit sa kanya na hindi niya kakilala. Ito ang nagtsecheck background para sa kanya. Ito rin ang inatasan niyang hanapin ang tunay niyang mga magulang.

Inutusan niya ang tauhan na tanggalin ang piring ng lalaki.

Nilapitan niya ang lalaking nakaupo na may katigasan ang mukha. Nasa kwarenta ang edad nito sa tantiya niya.

Nang makalapit ay inundayan niya agad ito ng suntok sa sikmura na ikiigik nito. Hindi pa siya nagkasya at sinuntok na naman niya ng malakas ang mukha nito. Napaigik ito habang nag-umpisa ng magduruga ang bibig. Isinabunot niya ang kamay niya sa buhok nito at pilit na ihinarap sa kanya ang mukha. Galit na galit siya rito dahil muntik na nitong mapatay si Lauren.

"Bakit gusto mong patayin si Lauren?" Tiim bagang na tanong niya rito.

"Anong sinasabi mo? Wala akong kilalang Lauren." Matigas na tanggi nito.

Napatayo si Sebastian at tumalikod ngunit biglang humarap at sinipa sa mukha ang lalaki. Napaigik ito at natumba sa sahig kasama ang upuan.

Gago, siya pa ang lolokohin nito? Gawin pa siyang tanga.

Pinagtulungang patayuan ng mga tauhan ang nalugmok na lalaki.

Nilapitan niya ito.

"Nicanor Villarga from Cavite. May dalawang anak, isang asawa at isang kabit at nagtatrabaho bilang isang trabahador sa palengke. Hmm..sound interesting." Nagulat ang lalaki sa sinabi. Dahil alam niya kung sino ito.

"Sino kayo? Pakawalan niyo ako. Hindi ko alam ang mga binibentang nyo sa akin." Sigaw nito sa kanya.

Gusto na naman niyang suntukin ito ngunit pinigilan niya ang sarili.

"Well, Nicanor, isang pagsisinungaling pa ay puputulan na kita ng hininga o baka gusto mong unahin ko ang mga anak mo? Si Cheska ba o si Jezel? O baka gusto mo si misis o di kaya'y si kabit? Mamili ka. I have no mercy Nicanor." Tinitigan niya habang sinasabi iyon bago hiningi ang baril na nakatago sa baywang ng isang tauhan. Ikinasa niya iyon. Nakita naman niya ang takot sa mukha ng lalaki.

Nilagyan iyon ng silencer bago ikinasa.

"Maawa kayo sa akin wala po talaga akong alam." Pagmamakaawa nito na umiiyak na at nagdurugo ang mukha.

"Lima."
"Apat."

"Wala po talaga akong alam. Huwag niyo po akong patayin parang awa niyo na."

"Tatlo." Patuloy sa pagbilang niya at itinutong ang baril sa ulo nito.

"Dalawa."

"Si Cecilia. Siya ang nag-utos sa akin." Mabilis na pag-amin nito at ipinikit niya ang mga mata.

Tinanggal ni Sebastian ang nakatutok na baril sa ulo nito.

"Cecilia? Sino si Cecilia at bakit gusto niyang ipapatay si Lauren? Sagutin mo ako ng diritso dahil hindi na ako magbibilang bago barilin ka." Banta niya rito.

Don't Mess A BillionaireМесто, где живут истории. Откройте их для себя