Chapter 31

8.6K 183 0
                                    

Puting puti na paligid ang unang nakita ni Lauren ng idilat niya ang mga mata. Inaalala niya kung nasaan siya ng makiya niya ang mukha ni Sebastian na nakangiti sa kanya. Naalala na niya. Nasa hospital siya. Dinala siya nito dahil sa nangyari sa kanya. Muntik na siyang mamatay kung hindi ito dumating.

Bigla siyang napabangon at niyakap ito. Napahikbi siya.

"Iniligtas mo ako. Akala ko ay mamamatay na ako." Sabi niya habang mahinang humihikbi na nakayakap sa lalaki.

Mayamaya ay bumitiw siya at pinahid ang luha sa mga mata. Hinawakan ng dalawang palad nito ang mukha at tinulungan pahirin nito ang luha niyang ayaw yatang tumigil. Nagkatitigan sila. Mayamaya ay mabilis na sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya. This time is a passionate kiss. Hindi marahas. Halik na punong puno ng emosyon. Ibinuka niya ang bibig at gumaganti sa bawat halik nito. Nag-init ang buong katawan niya. Halos napaungol siya hinamplos ng kaliwang kamay nito ang kanang niyang dibdib.

"I'm sorry." Sabi ng nurse masaksihan ang ginawa nila. "Kumatok po ako" sabi nito. Hindi siguro nila narinig.

Nagkatinginan naman sila ni Sebastian at parehong napangiti.

Tseni-check ng nurse ang blood pressure at pulse rate ni Lauren.

"Stable na po ang lagay niya sir. Pwede na po siyang makalabas today." Anang nurse saka lumabas na.

Tumitig uli si Sebastian sa kanya.

"I'm sorry for everything. Kung hindi dahil sa pagtrato ko sa'yo ay hindi ka sana umalis." Seryosong paghingi nito ng tawad sa kanya.

Natouch naman siya sa sinabi nito. Ramdam niya ang sensiridad nito. Namasa ang gilid ng mata niya. Pinahid ng kamay ni Sebastian ang luha niya ng tuluyang naglaglag iyon. He cupped her face with his hands and kissed her again. This time it's more intense with emotion.

Inilayo nito ang mukha sa kanya habang hawak pa rin nito ang mukha niya. "I love you. I can't forgive myself if I lost you."

Nag-uunahang tumulo ang luha niya sa narinig. Hindi niya inaasahan na may katumbas ang naramdaman niya rito.

"Sobra akong nasaktan noong nalaman kung nagpakasal ka sa iba. Akala ko kahit kunti man lang ay may gusto ka sa akin pero nalaman ko nalang na nagpakasal ka. Sobrang akong nasaktan. Nagalit ako sa'yo pero hindi ko parin napigilan ang sarili ko na umibig. Actually, unang kita ko palang sa'yo ay nalove at first na yata ako."

Namilog ang mga mata niya sa narinig
Hindi siya makapaniwala.

"Hindi nga? Sinadya mong banggain ako?"

"Yes." Sagot nito na nakangiti. Napatawa naman siya sa reaksyon ng mukha nito.

"I love you kahit alam kung may mahal kang iba. Huwag kang mag-alala dahil hindi kita pipiliting mahalin ako. Sapat na sa akin na naipaalam ko sa'yo ang nararamdaman ko." May bahid ng sakit ang mukha nito.

Napangiti siya sa sinabi nito.

"Sigurado kang sapat na iyon?" She said in her playful smile.

Napapikit ito ng mata at naihilamos ang kamay sa mukha.

"Damn! Please be mine. Gawin mo nalang akong kabit. Ibibigay ko sa'yo ang lahat." Desperadong saad nito sa kanya.

Napatawa siya sa sinabi nito. Tama na siguro ang pagtoture niya sa lalaki. Dumukwang siya at sinakop ang mga labi nitong nagulat sa ginawa niya. Inilayo niya ang mukha at ngumiti.

"I love you too Mr. Sebastian Andersen."

"Mahal mo rin ako?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Tumango siya at ngumiti. Niyakap naman siya nito ng mahigpit at sinakop ang mga labi niya at niyakap uli.

"Teka paano na si Isabel?"

"Magkaibigan lang kami ni Isabel matagal na. Doon kasi siya nag-aaral sa England. Doon kami nagkakilala."

"Eh bakit punasok siya doon sa kwarto mo?" Pagalit na sabi niya ng maalala iyon.

"Ang lokaret na iyon ay gusto yatang pagselosin ka kasi alam niyang gusto kita at pakiramdam niya ay may gusto ka rin sa akin. Tinatago mo lang." Paliwanag nito na tumatawa.

Nakahinga naman siya ng maluwag sa nalaman.

"So ikaw bakit ka nagpakasal kung mahal mo ako?" Seryosong tanong nito na nakatitig sa kanya.

Ikinwento niya ang buong pangyayari at ang mga rebelasyon ng mga ito.

Naikuyom naman nito ang mga kamao sa galit.

"Prepare yourself. Lalabas ka na rito. May ipapakita ako sa'yo." Anito at tumayo para asikasuhin ang bills niya.

Pagbalik nito ay umalis na sila sa hospital.

Dinala siya nito sa isang bahay.

"This is my rest house. Let's go inside."

Sumunod naman siya. May nakita siyang ilang tao na parang nagbabantay doon. Dumiritso sila sa basement.

Nakita niya ang isang lalaking duguan sa isang sulok at ang isa naman ay nasa gitna na nakapiring ang mga mata. Kilala niya ito. Si Leon. Napatingin siya kay Sebastian.

"Go ahead. Do whatever you want." Sabi ni Sebastian.

Sa nanginginig na tuhod ay nilapitan niya ito at tinanggal ang piring ng mga mata nito.

"Lauren." Sabi nito.

Sinampal niya ito ng malakas na ikinangiwi nito.

"Walang hiya kang demonyo ka. Wala kang kaluluwa. Mapapatawad sana kita kung ako lang ang sinubukan mong patayin pero ng pati anak ko gusto mong idamay sa plano nyo. Demonyo ka." Galit na sabi niya at sinampal uli si Leon na hindi nakapalag dahil nakatali ang dalawang kamay nito. Isa pa may tauhan sa paligid kaya wala itong magawa.

"Kung sana hindi sakim ang lolo mo at mga magulang mo hindi na sana umabot ito ng ganito. Sila ang sisihin mo." Singhal ito sa kanya sa nanlilisik na mata.

"Ikaw ang sakim dahil ang hindi naging sa iyo ay gusto mong kunin. O kung gusto mo sana itong maangkin sinabi mo nalang sana sa akin baka ibinigay ko pa. Pero bakit nga ba hindi ka binigyan ng lolo ng mana? Ako wala akong ideya pero siguro isa kang masamang anak para pagkaitan niya ng mana."

Nagpumiglas si Leon sa galit.

"Sa lahat ng ginawa mo sa akin ay pwede kitang ipapatay ngayon Leon ngunit hindi ko gagawin iyon dahil hindi ako mamamatay tao pero itong mga taong nakapaligid sa akin ay kaya nilang pumatay pero hindi kita ipapatay. Gusto kong mabulok ka sa kulungan." Galit na sabi niya. Gusto niyang mapahagulhol ng iyak. Dali-dali siya lumabas ng basement at doon umiyak. Sumunod naman si Sebastian sa kanya at niyakap siya.

Napahagulhol siya sa balikat nito.

Don't Mess A BillionaireWhere stories live. Discover now