Chapter 3

10.7K 165 0
                                    

Maagang gumising kinabukasan si Lauren. Nakaplano na ang pupuntahan niya sa Lima. May listahan na siya ng mga tourist spots sa nasabing lugar. All she need is to use the google map to find the place and also a little bit of research on how to go there. Thanks to google map, it always made her travel easier.

Alas sais pa lang ay ready to explore na siya. Walang libreng breakfast ang tinutuluyang hotel. Pwede namang mag-order at kakain sa restaurant mgunit mas gusto niyang lumabas at maghanap ng local restaurant or maliliit na kainan to experience the local delicacies of Peru. May nakita siya sa google na isang local food chain. Dinarayo ito ng mga turista dahil masasarap nitong pagkain at mura pa. Very local ang ambiance.

Gamit ang google map ay nahanap agad ang nasabing kainan na may hindi naman kalayuan sa tinutuluyan niya.
Nag-order agad siya pagkaupo. Pinili niya iyong pagkain na hindi niya kilala. May picture naman kaya hindi siya nahirapang magdisisyon kung ano ang kainin.

"Gracias" pasalamat niya sa waiter na nagdala ng pagkain niya.

Inumpisahan na niyang lantakan ang nakahaing pagkain syempre pagkatapos niya itong picture'an.

Totoo nga ang sabi nila, Peru has the best food. Since last night, lahat ng natikman niya ay masasarap talaga.

Napangiti siya. It's a sign of a very nice day.

Una niyang binisita ang monumental Callao. Medyo dilikado daw sa lugar na ito noon. Dinarayo na ito ng mga turista ngayon dahil sa history nito at mga security guard naman na nagbabantay sa naturang lugar. Picture lang siya sandali at nag-ikot. Hirap pagsolo traveler kasi kailangan niyang pakapalan ang mukha na makisuyo sa iba para lang magkaroon ng whole body picture. Minsan pangit pa ang pagkakuha. Kaya kadalasan kundi selfie ang picture niya ay magandang picture ng lugar ngunit wala siya.

Pagkatapos mag-ikot sa monumental callao ay dumiritso na siya sa Plaza de armas at sinunod na pinuntahan ang parliament palace. Napahanga naman siya mga old spanish style na mga building. Well, Lima is nice but it's still a city. Mas gusto pa rin  iyang bumisita sa mga kakaibang tourist spot. Gusto niyang pumunta sa Ica at makita ang Huachina Dunes kaso lang medyo malayo siya. She needs to travel 5 hours to go there and then rent a 4x4 type jeep to see the dunes. Ayaw naman niyang mag-isa. Next time, babalik siya at pupuntahan niya iyon.

Tonight at ten o'clock is her flight to cuzco. There are two ways to go there  by plane or by bus. But she chose plane because it only takes her one and half hour to reach Cuzco. Mahaba-habang byahe naman kung by bus and since maiksi lang naman ang bakasyon niya kaya wala siyang time magbus.

Alas dos na ng hapon. Dumiritso na siya sa supermarket ng Lima. Marami daw doon mga local made products. Isa din ito sa mga dinarayo ng mga turista.

Hindi na siya nananghalin, hindi pa naman siya gutom at kung sakaling magutom man siya ay bibili nalang siya ng street food.

Nag-ikot-ikot siya sa supermarket at namangha sa mga magagandang produktong binibenta doon. Gustong niyang bilhin lahat ng magustuhan niya kaya lang ay hindi pwede, ayaw niyang magbitbit ng kung anu-ano. Dagdag bigat lang iyan sa bagahe niya.

May nakita siyang magandang keychain ay bumili agad siya pero isa lang. Nakakita din siya ng local style shirt. Bumili rin siya ng isa. Susuotin niya ito papuntang Machu Picchu.

"Gracias" sabi niya sa tindero na nagbenbenta ng parang fishball sa may kanto. Natakam siyang pinagmasdan ito kaya bumili siya. Iba ang lasa nito  hindi fishball. Medyo matamis at may saffron ang sauce. Hirap idescribe dahil  hindi naman siya magaling na food critic. Basta masarap siya.

Kakagatin na sana niya ang panghuling pagkain ng mahagip ng tingin niya ang mayabang na lalaki. Aba't kung minamalas ka nga naman oo. Pati dito nagpang-abot pa talaga ang landas nila.

Don't Mess A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon