Chapter 17

8.9K 186 1
                                    

Karga ni Lauren si Sieve ng lumabas ng kwarto ng madaanan niya sina Leon at Cecilia sa may sala.

"Lauren, sino iyang nasa labas?" Tanong ni Cecilia na curious kung sino ang sumundo sa kanila na may magarang sasakyan.

"Ah may lakad kami ni Sieve at pinapasundo ako ng kaibigan ko. Sige ho aalis na kami." Sagot at paalam niya rito.

Hindi naman nagtanong pa si Cecilia at sinundan lang ng tanaw ang pag-alis nila.

"Good morning ho, manong." Bati niya sa driver.

"Good morning din, mam Lauren. " Ganting bati nito.

"Lauren nalang ho manong, huwag na mam." Nakangiting saad niya rito.

Ngiti lang ang isinagot nito sa kanya at pinaandar na sasakyan.

Halos trenta minutos rin ang nilakbay nila bago nila narating ang pakay.

May nagbukas ng malaking gate na nakaunipormadong katulong.

Isang napakalaking bahay ang nabungaran niya. Tantiya niya ay hindi lang ito simpleng bahay kundi mansion na ito. Kung ang bahay ng tiyuhin niya ay tinawag nilang mansion dahil sa laki, eh anong tawag sa bahay na ito? Halos apat na beses ang laki nito kumpara sa bahay nila. May malaking swimming pool sa harap ng bahay. May flower garden na ang ganda ang pagkalandscape. Sino naman kaya ang mga nakatira dito? Si Sebastian? Ganito ba siya kayaman?

"Like your new home?" Tanong ni Sebastian na nagpapitlag sa kanya at nagpaputol sa iniisip niya.

"Ho-home?" Naguguluhang tanong niya. Pero iwan ba niya kung bakit may kunting na saya siyang nadarama ng maisip ang sinabi nitong "home". Him, her and Sieve. It's like a family.

"Yep, ito ang magiging bahay ng anak ko at dahil kasama ka ay bahay mo rin ito. Welcome home." Sagot nitong malapad na nakangiti at kinuha sa kanya ang anak at kinarga.

Ah oo nga pala titira lang pala siya sa bahay nito dahil nakiusap siya rito na siya ang mag-aalaga sa anak niya. May kirot siyang nadarama. Iwan pero bakit biglang umasa ang puso niya.

Puso? Bakit naman umasa ang puso niya? Nakakaloka. Imposibleng mangyari na magustuhan siya nito.

Sumunod siya rito papasok ng bahay.

Sobrang lawak ng loob. May mga mamahaling kagamitan na sa magazine lang niya nakikita. Ang malalaking painting na nakadisplay sa dingding ay alam niyang napakamahal n'yon.

May napansin rin siyang painting ni Sebastian at nang dalawa pang mukhang banyaga. Marami siyang gustong itanong sa lalaki ngunit nahihiya naman siyang magtanong.

"They are my parents." Wika nito na parang nabasa ang iniisip niya.

Tumingin siya kay Sebastian sa matang nagtatanong. He looks asian while his parents are westerner.

"They are my foster parents. It's a long story. We can talk about it some other time." Nakangiting saad nito saka binalingan ang anak na halos hilahin na siya. Gusto yatang mag-ikot ito sa buong bahay.

Natuwa naman si Sebastian at inaalalayan itong maglakad.

Sumunod naman si Lauren sa mga ito.

Marami siyang hindi alam tungkol sa ama ng anak niya. Actually halos lahat except sa pangalan nito. Ni hindi nga niya ang apilyedo nito. Nakakatawang isipin na nagkaroon sila ng anak na hindi man lang nila kilala ang isa't-isa. Hindi rin niya naisip na ganito pala kayaman ang ama ng anak niya. Kaya totoo ang sinabi nitong kaya nitong ilayo ang anak niya sa kanya. Wala siyang laban rito. Money is power. Lahat kayang gawin ng may pera.

Don't Mess A BillionaireWhere stories live. Discover now