Chapter 27

8K 162 6
                                    

Nasapol ang mukha ni Sebastian sa sinabi ni Lauren. He is cruel to her. Sumobra ba siya? Kung oo ay hindi niya sinadya iyon kanina. Nadala lang siya sa bugso ng damdamin niya. Nagselos siyang makita itong nakipagtawanan sa ibang lalaki samantalang never itong tumawa kasama siya. Sobrang nanibugho siya na hindi na niya napigilan ang mga hindi magagandang salita na lumabas sa bibig niya.

Oo may asawa na ito ngunit hindi niya mapigil sa sariling umibig rito. Hindi niya alam kung anong meron ito at ganon nalang ang pagkahulog ng puso niya dito. Intensyon niyang pasakitan ito dati para lumayo na ito ngunit bakit nasasaktan siya sa tuwing nakikita itong umiiyak na pilit nitong tinatago.

Naihilamos niya ang kamay sa mukha sa gulo ng utak niya.

Bumalik siya sa loob para magpaalam kay Isabel na umuwi na. Pumayag naman ito.

Pinagbuksan siya ng sasakyan ng driver  kaya papasok na sana siya sa loob ngunit hindi natuloy dahil mahimbing na natutulog ang anak niya na nakahiga sa upuan. Hindi ito kumilos para alisin ang bata at ng maka-upo siya. Nakatingin lanh ito sa labas.

Napabuntong hininga siya at isinarado ang pintuan ng sasakyan at lumipat sa harapang upuan.

Walang kibuan sila hanggang makarating sa bahay.

Pagbuksan sana niya ng pintuan si Lauren ngunit nauna na itong magbukas. Karga na nito ang tulog na anak ng bumaba ng sasakyan.

Diri-diritso itong pumasok sa loob ng kwarto ng anak at dahan-dahan inihiga doon ang anak.

Napasunod lang siya rito. Hindi niya alam kung magso-sorry ba siya sa mga nasabi niya o ano. Nakatayo lang siya doon at pinanuod ang paghalik nito sa noo ng anak at umalis na.

Hindi siya pinansin nito ng madaanan siya at diritsong pumasok sa kwarto nito. Napasabot niya sa buhok niya. Ang gulo ng utak niya.

Nilapitan niya ang natutulog na anak at hinalikan din ito sa noo.

Anak niya ito alam niya sa puso niya iyon. Bukas kailangang malaman na niya ang resulta ng DNA test nila. Naswab ni Isabel kahapon si Sieve ng umalis si Lauren at pumasok sa kwarto.

Bukas ay malalaman na niya ang resulta.

Pumasok nalang siya sa sariling kwarto para magpahinga.

Nagising si Sebastian sa pagpalahaw na iyak ng anak. Tiningnan niya ang orasan sa dingding. It's 7:30 in the morning.

Bumangon siya dahil hindi tumigil sa kakaiyak ang bata. Hindi naman ito dating iyakin. Pinuntahan niya ito at nakita niyang nagwala ito at hindi kinain ang pinakain ng katulong. Teka nasaan si Lauren?

"What's up baby, bakit ka umiiyak, huh?" Malumanay na sabi niya sa anak at kinarga ito para patahanin. Ngunit hindi ito tumahan. Iyak lang ito ng iyak. Hindi niya alam kung anong dinaramdam nito.

"Nasaan ba si Lauren aling Meldred? Pakitawag nga sa kanya." Utos niya sa mayordoma. First time niyang maging ama kaya hindi niya alam kung paano ito patahanin.

"Wala ho sa kwarto niya si Lauren. Hinanap na ho namin kanina pa." Saad nito.

"Wala? Eh saan siya nagpunta?" Kinabahan siya.

"Tawagin mo ang security guaed Mildred. At aling Lourdes tulungan mo ako rito ayaw parin tumigil sa kakaiyak. Baka may masakit sa bata." Nag-alalang sabi niya.

"Mommy." Sabi ng bata habang umiiyak.

"Nasaan ba kasi si Lauren?"

"Sir, umalis po si mam Lauren kaninang madaling araw dala ang bag niya." Sabi ng guard.

"Saan daw siya pupunta?" Kinakabahang tanong niya.

"Wala hong sinabi sir eh."

Hindi na siya nagtanong pa. So naggive up na ito sa kanila ng anak niya. Kaya pala nitong iwan ang anak nito.

Napatawa siya ng pagak. Anong kaibahan nito sa ina niyang kaya din itong wala siya sa tabi nito. Biglang may poot na nadarama siya sa dibdib.

Ngunit iyon naman ang gusto niya diba? Ang iwan sila nito. Umuwi na siguro ito sa asawa nito.

Naikuyom niya ang kamao ng maramdaman amg sakit sa dibdib.

"Tahan na baby, okay? Daddy is here." Sabi niya habang hinihimas ang likod ng bata. Mayamaya ay tumigil naman ito sa pag-iyak. Binigyan naman ito ni Lourdes ng tubig para mapainom. Uminom ito ng kunti at malungkot na isinandal nito ang ulo sa balikat ng ama habang ang dalawang kamay ay nakapulupot sa kanya.

Dinala niya ito sa kwarto niya.
Ibababa na sana niya ito sa kama ng kumapit ito sa batok niya. Gusto pa niting magpakarga.

Nagring ang cellphone niya kaya kinuha iyon sa ibabaw ng mesa niya karga parin ang anak.

"Hello, Isabel."

"It's positive dear. Magkamatch ang DNA ninyo ng bata. Ikaw ang ama niya."

Parang nabunutan naman ng tinik si Sebastian sa narinig. Nayakap niya ng mahigpit ang anak at hinalikan.

"Thank you Isabel. Malaki na ang utang ko sa'yo."

"Basta ikaw. Oh siya sige na. May gagawin pa ako. Ihalik mo nalang ako kay baby Sieve." Paalam na nito at pinatay ang tawag.

Dinayal niya ang numero ni Lauren ngunit unattended ito. Saan kaya ito nagpunta. Nag-alala siya sa babae.

Biglang nagring ang cellphone na hawak. It's Romero.

"Oh Romero, anong balita?"

"May lead na kami kung nasaan ang ina mo. Nasa Davao siya ngayon at may asawa na. Ititext ko sa'yo ang address niya doon."

Hindi niya alam kung masaya ba siya na ngayon ay alam na niya kung nasaan ang ina niya.

"At isa pa. Nalaman na namin kung sino may-ari ng sasakyang gustong bumangga kay Lauren. Anong gagawin namin sa lalaki?" Tanong ni Romero.

"Bring him to me. Dalhin mo siya sa rest house ko." Utos niya at pagkatapos ay pinatay ang tawag.

Nakatulog na pala ang anak sa balikat niya. Lumabas siya ng kwarto at inihiga ang anak sa kwarto nito saka tinawag si Lourdes para tingnan ang anak habang wala siya.

Bumalik siya sa kwarto at naligo pagkatapos ay umalis na. Hindi na siya nag-almusal.

Don't Mess A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon