Chapter 23

8K 149 0
                                    

Nagpaalam na si Sebastian sa mga magulang para bumalik ng Pilipinas ng araw na iyon. May sarili silang eroplano at chopper kaya walang problema sa kanila na magparoot parito anytime na gustuhin nilang umalis papuntang ibang bansa. Inihatid siya ng driver nila papunta sa airport kung saan nandoon ang private plane nila.

Binabaybay nila ang daan ng tumunog ang cellphone niya. A call from Romero.

"O Romero,anong balita?" Tanong agad niya.

"Lauren Clemente ang buo niyang pangalan sa pagkadalaga na ngayon ay Saldana na. Ayon sa aking..."

"What do you mean sa pagkadalaga?" Putol niya sa sasabihin pa nito.

"She's married to Martin Saldana two days ago according to her NSO status. Pinacheck ko doon sa kaibigan kung nagtatrabaho doon. At may anak pala si Lauren. Hindi nakasulat doon ang ama nito pero baka si Martin ang ama nito dahil matagal na palang balak magpakasal ang dalawa."

Parang bombang sumabog sa kanyang tainga ang impormasyong narinig. Imposibleng niloloko siya ni Lauren. Imposibleng hindi niya anak si Sieve. Naramdaman niyang anak niya ito unang kita palang niya rito. Kamukhang-kamukha niya ito noong maliit palang siya.

At si Lauren? Pinaglalaruan ba siya nito? Sinabi nitong hindi ito mag-aasawa para lang makasama lagi ang anak nito.

Anong plinaplano nito sa kanya? Isa din ba si Lauren sa mga babaeng pera lang ang habol sa kanya kaya lumipat agad ito sa malaking bahay niya pagkatapos nitong malaman kung gaano siya ka yaman? Kaya ba ito tumutugon sa mga halik niya para malinlang siya ay mahulog ang loob niya rito? Is this plan all along?

Nanikip ang dibdib niya matatanggap ang naisip.

Biglang may poot na bumangon sa dibdib niya.

Kailangan niyang ipaDNA ang bata. Dapat hindi siya agad magpadala ng bugso ng damdamin para sa bata. Sa status niya sa buhay ay alam niyang maraming tao ang gustong mabingwit siya.

Hindi rin siya dapat padadala sa charisma ng babae baka isang panlilinlang lang pala ang lahat.

I told you to don't mess with the billionaire,Lauren or you will regret it. Sa isip niya.

Napopoot siya sa babae.

"Are you still there?" Putol ni Romero sa kabilang linya sa iniisip niya.

"Yes."

"Iyon pa lang ang nahagilap kong impormasyon. Tungkol naman sa mga magulang mo ay wala pa akong update. Mahirap hanapin iyon dahil wala tayo kahit isang clue tungkol sa mga ito."

Napabuntong hininga nalang siya.

"Siya sige. Update me right away kung may bago kang impormasyong makukuha." Sabi niya at nagpaalam na.

Naikuyom niya ang kamao.

Paglapag na paglapag ng eroplanong sinakyan niya ay bumaba na agad siya.

Hindi na siya makapaghintay na makita ang babae. Hindi niya alam kung anong gagawin niya rito.

Humugot siya ng malalim na hininga at tinawagan si Isabel. Kailangan niya ang tulong nito. Nagtatrabaho ito sa isang hospital at matutulungan siya nitong kunan ng swab test si Sieve at siya para malaman kung match ba sila ng DNA. Hindi siya makakapayag na titira sa bahay niya ang manlolokong iyon kung totoo mang hindi niya anak ang bata.

Sana ay mali ang iniisip niya. Sana siya talaga ang tunay na ama ni Sieve.

Unahin na muna niyang alamin kung anak ba talaga niya ang bata bago niya harapin si Lauren dahil sa panloloko nito sa kanyang hindi ito mag-aasawa. Sobrang nasaktan siya sa nalaman.

Don't Mess A BillionaireWhere stories live. Discover now