Chapter 32

8.8K 169 2
                                    

Nahatulan ng mahabang taong pagkakulong si Leon. Ang lalaking inutusan nitong banggain siya ang naging witness laban rito. Nakulong rin ang lalaki ngunit hindi kasing bigat ng parusa ni Leon. Si Martin, Cecilia at ang isa pang lalaki na nabaril ay hanapan ng paraan ng mga tauhan ni Sebastian. Ipinalabas nila itong nanlaban kaya nabaril. Dahil sa pera at kapangyarian ni Sebastian ay smooth lang ang lahat.  Walang ni isa mang kumwestyon sa nangyari. Iba talaga ang nagagawa ng pera.

Kinasuhan din ni Lauren ang judge na nagkasal sa kanya pati na ang attorney na tumanggap ng suol mula sa mag-asawang Leon at Cecilia para hindi muna ipaalam sa kanya ang tungkol sa kayamanang iniwan ng ama. Natanggalan ito ng lisensya at nahatulan ng pagkakulong.

At dahil sa nangyari ay napawalang bisa ang kasal nila ni Martin.

"Mommy, come" tawag ng anak sa kanya na kinaway-kaway pa ang kamay. Natawa siya sa ekspresyon nh mukha nito parang matanda na pero sobrang cute. Nilapitan niya agad ito.

"Ano iyon baby?"

"Look." Ipinapakita nito sa kanya ang drawing nito.

"Wow! Ang ganda naman." Sabi niya sa anak na ikinangiti nito. Hindi naman talaga niya maintindihan ang drawing nito.

"It's dinner time." Sigaw ni Sebastian mula sa kusina. Ito ang nagboluntaryong magluto para sa kanilang mag-ina. Kinarga niya ang anak at dinala sa kusina.

"Hmm...ang bango." Wika niya na inamoy amoy pa ang kusina. "Wow!" Nasurprisa siya sa table arrangement. It's a candle light dinner. Natouch siya sa ginawa nito.

Umupo sila sa bakanteng upuan at nilagyan ni Sebastian ng pagkain ang plato niya.

"Tikman mo itong beefsteak na niluto ko." Sabi nitong nakangiti at excited na marinig ang sasabihin niya.

Tinikman niya iyon.

"Wow, ang sarap. Paano mo ito niluto? Hmm..ang sarap talaga." Napasubo siya ng marami. Paborito kasi niya ang beefsteak at nabanggit niya iyon kay Sebastian.

"Talaga? Pasado na ba akong maging asawa mo?" Nakangiting wika na nakatitig sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama sa narinig. Napakaswerte niya dahil nakilala niya ito. Kung may maipagpasalamat siguro siya sa ginawa ni Leon ay iyong pagsponsor sa kanya papuntang Peru as an advance wedding gift sa kanya.

"Pasadong-pasado."sagot niya at niyakap siya nito sa likuran at hinagkan ang ulo niya.

"Ops!" Sabay silanh napa-ops ng mapansin si Sieve na dinaklot ang isang slice ng cake at isinubo iyon.

Napatawa nalang siya ngunit hindi si Sebastian dahil napakamot ito ng ulo.

"Anak subuan mo nga si mommy. Tikman natin kung masarap bang magluto ng cake si daddy." Nakangiting utos niya sa anak at tumingin kay Sebastian na matamang tinitigan siya. Weird pero hindi ito mapakali sa kinatatayuan.

Dinaklot naman ng anak ang natirang cake sa platito. Ibinuka niya ang bibig para kainin ang cake.

"Hmm..sara.." naputol ang sasabihin niya ng may napansin siyang matigas na bagay sa bibig niya. Iniluwa niya iyon sa palad niya at laking gulat niya ng makita kung ano iyon. It's a ring. Halos manlaki ang mga mata niya at natakpan ang bibig ng matukoy kung para saan iyon. Tumingin siya kay Sebastian na ngayon ay lumuhod sa harap niya.

"You and Sieve are the best thing that happened in my life. I want to protect you and love you for the rest of our lives. Will you be my wife?" Seryosong nakatitig sa kanya ito.

Napaluha siya sa narinig.

"Yes." Sagot niya na hilam ang mga mata sa luha. Tumaya si Sebastian ay mahigpit siyang niyakap at hinagkan ang mga labi niya. Gumanti naman siya.

"I love you." Sabi nito at hinagkan uli siya.

"I love you,too." Sagot niya. Hindi parin siya makapaniwala na magpopropose ito sa kanya.

"Let's celebrate." Nilagyan nito ng wine ang wine glass sa harap niya at sa kanya.

Masaya silang kumain dahil mas lalong sumasarap ang paborito niyang beedsteak.

****

Katatapos lang nilang kumain ng tumawag si Romero.

"Yes Romero?"

"Si Norma ay biglang isinugod sa ospital. Ayon sa aking impormante ay na hit and run ito ng sasakyan habang tumatawid sa daan dala-dala nito ang basket na may lamang pinamiling gulay sa palingke.

Nagulat siya sa narinig. May poot siyang nadarama para sa tunay na ina ngunit may parte ng puso niya na gusto pa rin niya itong makilala. Gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit ginaya niya iyon sa kanya.

"I'll be there tonight." Sabi niya at tinapos na ang tawag.

"Sino iyon?" Curious na tanong sa kanya ni Lauren.

"Si Romero. Na hit and run daw si Norma....ang tunay kung ina." Sagot niya.

Natutop nito ang bibig saka siya niyakap.

"I need to see her. Baka hindi ko na siya maabutang buhay." Bumuntong hininga ito.

Tinapik siya nito sa balikat.
"Go love. Puntahan mo na."

"Babalik din ako agad." Sabi niya at pumasok sa kwarto para magbihis.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdam sa napipinto nilang pagkikita ng babaeng nagbenta sa kanya.

Gusto niyang mabuo ang pagkatao niya kahit man lang sa pamamagitan ng pagkakaalam niya kung sino ang tunay niyang mga magulang at ang dahilan ng mga ito kung bakit nakaya nitong wala siya sa buhay ng mga ito.

May tinawagan siya at ipinahanda ang chopper na sasakyan papuntang Davao kung saan naroon ang tunay niyang ina.

Nagpaalam siya sa anak at kay Lauren bago umalis.

"Ingat ka doon at tawag ka kaagad pagdating mo doon. I love you." Sabi nito.

"I love you too. Balik ako agad." Humalik siya sa labi at umalis na.

Inihatid siya ng driver sa paliparan.

Don't Mess A Billionaireजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें