Chapter 21

8K 150 1
                                    

Tahimik na binabaybay nila ang daan papuntang mansion ni Sebastian. Nakatulog ang anak niya sa byahe habang siya ay nakatingin sa labas ng bintana at pinapanuod ang tanawin sa labas ngunit wala doon ang isip niya. Lumipad ang isip niya sa kung ano ang magiging buhay nila ng anak kasama ang ama nito. Siguradong mamahalin ito ng ama dahil nakikita naman niya kung gaano ito kasaya ng makita ang anak nito. Ngunit maging masaya kaya siya sa piling nito? Hanggang kailan siya mananatili sa lugar ni Sebastian? Ano ang magiging papel niya sa buhay nito? 'Yan ang hindi pa niya alam.

Naputol ang pagmuni-muni niya ng biglang napashit ang driver. Tiningnan niya ito at nakita niya ang takot sa mukha nito. "Manong anong nangyari?" "Nasira ang break, Lauren." Sagot nito habang patuloy sa pagmamaneho. Ang sasakyan ay paliko-liko na sa pagtakbo.

"At hindi ko maihinto ang sasakyan. Iwan ko kung ano ang nangyari."

Kinuha niya ang anak at niyakap. "Diyos ko huwag ninyo kaming ipapahamak." Niyakap niya ng mahigpit ang anak."

"Wala na tayong choice kundi ibangga itong sasakyan. Maghahanap ako ng kung saan pwede ko itong ibangga. Isuot mo ang seatbelt." Wika nito habang naghahanap kung saan pwede ibangga ang sasakyan.

Dali-dali siyang nagsuot ng seatbelt.

Napasigaw siya ng may nakasalubong silang sasakyan at biglang kinambyo ng driver ang sasakyan.

May naispatan siyang sagingan sa gilid ng kabilang lane. Doon niya ito ibabangga. Itinago niya ang anak sa ilalim ng braso niya at tinakpan ang ulo nito ng kamay niya.

Nang malakas na sumalpok ang sasakyan at huminto. Dahil sa lakas ng impak ay nabagok ang ulo niya sa likod ng upuan sa harap. Buti nalang naiharamg niya ang isang braso niya kaya hindi masyadong malakas ang pagkabagok niya.

Pumalahaw naman ng iyak ang anak. Dali-dali niyang ininspeksyon kung okay lang ito. Nakahinga siya ng maluwag ng wala itong pinsala sa katawan. Umiyak lang ito dahil sa malakas na pag-alog ng katawan nito ng bumangga ang sasakyan.

Kumilos ang driver at nakita niyang may dugo ito sa noo.

"Manong okay lang ho kayo?" Nag-alalang tanong niya.

"Okay lang ako Lauren. Medyo nabagok lang ng kunti kaya nagdurugo ang noo ko." Sagot nito habang dahan-dahang lumabas ng sasakyan at binuksan ang pintuan nila.

Lumabas naman siya kasama ang anak.

Tahimik lang sila habang dumistansya ng kaunti mula sa sasakyan.

Ano ang gagawin niya? Sasabihin ba niya kay Sebastian kung ano ang nangyari? Pero baka sasabihin nitong pabaya siyang ina kaya nangyari ang ganito? Na kundi sanay nanatili na muna siya sa bahay ng tiyuhin hanggang sa makabalik ito ay baka hindi mangyayari ang ganito. O sasabihin din kaya niya kung bakit kailangan niyang umalis sa bahay ng tiyuhin? Baka magalit naman ito sa kanya dahil sinabi niyang hindi siya mag-aasawa. Baka kukuha ito ng ibang tagapag-alaga sa anak niya.

Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung sasabihin ba ang totoo o itago nalang muna niya. Saka na niya sasabihin kung may pagkakataon at masiguro niyang hindi nito gagawin sa kanya ang iniisip niya.

"Manong, sasakay nalang ho kami ng taxi ni Sieve. Ikaw nalang ho ang bahala dito." Mayamaya ang sabi niya sa driver. Tumango naman ito. Inabutang niya ito ng pera para makabalik ito sa bahay ng tiyuhin baka wala itong dala.

May mga huminto na ring sasakyan na nakiusyoso sa nangyari. Hindi naman nagtagal ng may nakita siyang taxi. Pinara niya ito at sumakay na sila. Tinulungan naman siya ni manong Jener sa pagkarga ng bagahe nila.

Nagpasalamat siya at nagpaalam na kay Jener.

Matulin ang takbo ng sinasakyan nilang taxi. Hindi parin siya nakarecover sa nangyaring aksidente dahil kumakabog pa rin ang dibdib niya. Natatakot siyang mangyari uli ang nangyari kanina. Hindi siya mapakali sa upuan.

"Manong hinay-hinay lang ho." Mayamaya ay sabi niya sa driver ng 'di makatiis. Tumalima naman ang driver at hininaan ang takbo ng sasakyan.

Nakahinga siya ng maluwag ng matanaw ang malaking bahay ni Sebastian. Thanks God, nakarating silang safe na mag-ina.

Nagdoorbell siya at pinagbuksan sila ng isang unipormadong gwardya.

"Hello po. Ako nga pala si Lauren. Kami iyong nandito noong nakaraang araw. Inaasahan na po ni Sebastian ang pagdating namin." Nakangiting pagpapakilala niya sa gwardya.

Mukhang naalala naman siya nito kaya malapad itong nakangiti at niluwagan ang bukas ng gate. Kinuha nito ang dala-dala niyang bag at ito na ang nagdala papasok ng bahay.

May mga katulong naman na nagulat sa biglang pagpasok na may dala pang bag. Nginitian lang niya ang mga ito at dumiritso na sa kwarto na sinasabi ni Sebastian na kwarto niya. Sumunod naman ang guard at inilapag sa loob ang mga bagahe niya.

Huminga siya ng malalim. This is it. A new life for her. Sa isip niya.

May kumatok sa pintuan ng kwarto niya. Ang mayordoma ng bahay ang nabungaran niya. Naipakilala na siya rito noong huling punta niya rito.

"Manang Lourdes." Nakangiting sabi niya.

"Lauren, buti andito na kayo. Nagulat ako ng sinabi ni Mildred na dumating kayo. Hindi kami naabesohan ni Sebastian. Hello handsome!" Wika nito at binati ang anak niya ng lumapit ito sa kanila.

Nguniti naman ang anak at hinawakan ang kamay ng mayordoma. Napatawa naman ang matanda ng hilahin siya nito palabas. Tinanguan niya ito para sabihing okay lang.

Sumunod naman si manang Lourdes na hilahila ni Sieve.

Natuwa siyang sinundan ng tingin ang dalawa. Maging mas masaya ang buhay ng anak dito dahil alam niyang maraming magmamahal rito.

Isinara niya ang pinto ng kwarto at umupo sa upuan doon. Kailangan niyang tawagan si Sebastian at ipaalam rito na lumipat na sila ng anak sa bahay nito. Ngunit anong idadahilan niya ng biglang pagbabago ng desisyon niya?

Ah bahala na.

Nagdial siya sa numerong ibinigay nito. Nakadalawang ring na pero wala paring sumagot sa tawag niya.
Tinawag naman siya ni aling Lourdes para managhalian. Lumabas siya ng silid para mananghalian. Mamaya na uli niya ito tawagan.

Mga alas dos ng hapon ay tinawagan niya uli ito kaya lang wala paring sumagot kaya papatayin na sana niya ang tawag ng may biglang sumagot sa kabilang linya.

"Hello." Anang boses ng babae sa kabila. Halatang british accent ito. Hindi siya nakasagot agad parang biglang sumama ang pakiramdam niya na hindi niya maintindihan.

"Hello, who's this? Sebastian is in the shower. Call back later." Tanong nito.
Iwan pero biglang nanginig ang kamay niya. Parang bigla siyang natakot. Masama ang kutob niya. What if asawa iyon ni Sebastian? Or girlfriend? Anong sasabihin niya rito? Na ina siya ng anak nito? Biglang may kirot ng sakit sa dibdib niya. Sino at ano nga ba siya sa buhay ng binata? Hindi niya ito kilala at malamang ang babaeng iyon ay asawa o di kaya'y nobya nito dahil kung hindi ay bakit nasa babae ang cellphone nito?

Bigla siyang nakaramdam ng panibugho.

Panibugho? No way, hindi siya nanibugho. Hindi niya gusto ang lalaki at hindi niya ito magugustuhan. Tanggi sa isip niya pero alam niya sa puso niya na nagkapuwang doon ang lalaki. Hindi nga lang niya maamin iyon.


Don't Mess A BillionaireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora