Chapter 33

8.7K 169 0
                                    

Excited na sinalubong ni Lauren ang dumating na si Sebastian. Niyakap niya agad ito pagkapasok sa loob ng bahay. Mukha itong napagod sa byahe. Hindi ito gumanti ng yakap niya.

"What's wrong? May masama bang nangyari sa pinuntahan mo?" Kinabahang tanong niya. Baka namatay ang ina nito.

"Wala naman. Ligtas na si Norma." Maikling sagot nito. "I'm sorry medyo pagod lang ako." Nag-excuse ito at pumasok sa kwarto nila.

Duda siya sa sagot nito. Something's wrong. May problema ito. Mayamaya ay sinundan niya ito sa kwarto. Naabutan niya itong nakahiga at nakatitig sa nakabukas na telebisyon. Iwan niya kung doon ba talaga ang atensyon nito.

Tinabihan niya ito at yumakap sa lalaki. Hindi ito gumalaw.

"I love you. Andito lang ako kung may problema ka." Sabi niya ngunit hindi ito umimik. Mayamaya ay inalis nito ang kamay niyang nakayakap rito at bumangon.

"Sa bar lang ako." Wika nito at diritso ng lumabas. Nasaktan siya sa malamig na trato nito sa kanya. May nagawa ba siyang kasalanan rito? Wala siyang maalala na nakagawa siya ng mali rito. Masaya sila noong umalis ito. Hindi kaya may masamang nangyari sa pinuntahan nito kaya nagkaganoon si Sebastian? Pero bakit hindi nito sinishare sa kanya ang mga problema nito? Diba magpapakasal na rin naman sila at ang problema ng isa ay problema nilang dalawa? Napabuntong hininga siya. Lumabas nalang siya ng kwarto at pinuntahan ang anak sa kwarto nito.

Hihintayin nalang niyang kusang loob nitong sabihin sa kanya ang problema nito.

Ngunit umabot na ng dalawang araw ay ganon pa rin ang trato nito sa kanya. Sobrang lamig. Lagi itong umaalis at gabi na itong umuuwi na lasing.  Lalo siyang nasaktan ng doon na ito natutulog sa guest room.

Kinabukasan ay hindi na siya nakatiis ng aalis na naman sana ito ng maaga. Ang laging rason nito ay ang negosyo ngunit alam niyang iniiwasan lang siya nito. Naramdaman niya iyon.

"Talaga bang busy ka sa negosyo mo o iniiwasan mo lang talaga ako ha? Magsabi ka nga ng totoo sa akin Sebastian. Dahil nasasaktan ako sa ginagawa mong ito sa akin. May nagawa ba akong kasalanan sa'yo kaya napakalamig ng trato mo sa akin? Sabihin mo para hindi ako manghuhula kung ano ang nasa utak mo. Kung anong problema mo." Sabi niya sa pumipiyok na boses.

Napasabunot naman ito ng sariling buhok at naihilamos ang kamay nito sa mukha.

"I'm sorry Lauren. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal kita at hindi ko kayang mawala ka ngunit.." putol nito sa sasabihin niya dahil parang may nagbara sa lalamunan nito.

Pigil hininga naman ang ginawa ni Lauren habang hinintay ang iba pang sasabihin ng fiancee niya.

"Ngunit ano?" Matapang niyang tanong kahit may takot siyang anytime ay masasaktan siya sa sasabihin nito.

Humugot ito ng malalim na hininga bago nagsalita.

"Magkadugo tayo." Nanginig ang boses nito at gustong maiyak ngunit pinipigilan nitong tumulo ang luha.

"Anong ibig mong sabihin?" Gulat na gulat siya sa narinig. Para itong bomba na sumabog. Hindi niya kayang tanggapin iyon.

"Si Leon, ang kapatid ng ama mo ang tunay kung ama." Nagtagis bigla ang bagang nito pagkasabi noon.

"Nagkakilala ang si Norma at Leon sa casino isang beses at nagkapalagayang loob.  Ginahasa niya si Norma, isang gabi pagkatapos nilang mag-inuman. At dahil sa konsensya ay binigyan niya ng pera si Norma katumbas ng pananahimik nito. Nagbunga ang isang gabing panggagahasa na iyon ni Leon. Sa sobrang pagkamuhi ni Norma kay Leon ay ipinaalam niya rito na nagkaanak sila ngunit ibeninta niya iyon. Sobrang nagalit si Leon at isinumpa niya ang babae. Hindi na ito nagpakita kailanman kay norma.

Dahil sa nangyari ay nalulong si Norma sa sugal hanggang naubos na ang pera niya. Nagkandautang-utang na ito para pantustos sa bisyo niya. Isa pang problema niya ay kung paano buhayin ang anak niyang maliit. Nagkataon naman na nakilala niya ang mag-asawang briton na si Robert at Danielle, ang mga nakagisnan kung magulang sy sinubukan niyang ibenta ako at sa hindi inaasahan ay pumayag naman ang mga ito. Kaya inasikaso agad nila ang mga papeles at binigyan siya ng isang milyon. And the rest is history." Mahabang paliwanag nito.

Natahimik siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Parang may biglang humiwa sa puso niya.

Bakit? Bakit nangyari sa kanila ang ganito? Tumakbo siya sa loob ng kwarto at doon humagulhol ng iyak. Gusto niyang magbasag sa magkahalong galit at sakit na naramdaman. Galit dahil sa dinami-dami ng tao sa mundo ay bakit sa kanila pa nangyari ang ganito. At sakit, dahil alam niyang mali kung ipagpapatuloy pa nila ang kanilang relasyon.

Humagulhol siya ng iyak hanggang sa mapagod, hanggang sa maubos ang luha sa mga mata niya.

Narinig niya ang ingay ng sasakyan na paharurot na umalis ng bahay.

Nabasag ang puso niya. Sanay hindi nalang nito nalaman ang tunay na pagkatao nito. Disinsanay masaya pa sila ngayon. Sana. Sa loob-loob niya.

****
Mabilis nagmamaneho si Sebastian sa kanyang sasakyan. Gusto niyang paliparin iyon hanggang impyerno dahil gusto niyang harapin si satanas.

Pakiramdam niya ay mababaliw na sya sa nangyayari sa kanya ngayon. Hindi niya kayang tanggapin ang katotohanan. Sana'y ganon lang iyon kadaling tanggapin ngunit hindi dahil katumbas ng pagtanggap niya ay ang pagputol ng relasyon nila ni Lauren. At sa isiping iyon ay parang dinudurog ang puso niya sa sobrang sakit. Sakit na hindi na niya ito mayakap at mahagkan. Sakit na hindi na niya ito makapiling at sakit na sa paggising niya  sa umaga ay hindi na niya ito magisnan.

Napahagulhol siya. Pinabayaan niya ang sariling umiyak. Walang nakakita sa kanya kaya malaya siyang himagulhol at baka sakaling maibsan ang bigat ng dibdib.

Narating niya ang sadya. Ipinarada niya ang sasakyan at mabilis na umibis.

Malakas na kabog ang nadarama niya. Sinabi niya ang sadya niya aa gwardiya.

Tahimik siyang naghintay ng ilang minuto nang bumungad sa kanya ang mukha ni Leon.

Nagulat ito ng makita siya. Bago pa ito nakaupo ay nahandusay na ito sa sahig sa malakas na pagkasuntok niya at sa hindi nito inaasahan iyon. At dahil kilala siya ng mga police ay wala itong ginawa kundi nanuod lang.

"Anong bang problema mo?" Tanong nito na dahan-dahang tumayo.

"Ikaw ang problema ko. Titigan mo ang mukhang ito dahil kahit kailan ay hindi mo na ito makikita kahit kailan."

Mukhang naguluhan ito sa sinabi niya.

"Remember Norma Villanueva?"

Mukhang nagulat ito sa narinig na pangalan. Makikita ang rekognasyon sa mukha nito.

"Bakit anong tungkol sa kanya?" Tanong nito sa nagdurugong bibig.

"Ako ang anak niya. Ako ang naging bunga ng kababoyang ginawa mo sa kanya. At dahil doon, para niya akong hayop na ibenenta sa ibang tao." Halos pasigaw na niyang sabi ngunit pinigilan niya ang boses.

Mas lalo itong nagulat sa nalaman.

"Ikaw ang anak namin?" Napahagulhol ito. Matagal na nitong gustong magkaanak ngunit hindi sila biniyayaan ng anak sa asawang si Cecilia kaya lagi pinagsisihan niya ang pagpabaya sa anak nila ni Norma.

"Patawarin mo ako anak. Nagsisisi na ako noon pa kung bakit pinabayaan kita sa ina mo. At pinagsisihan ko na rin ang panggahasa sa kanya. Sanay mapatawad mo ako." Umiiyak ito.

Matiim na tinititigan niya ito bago nagsalita.

"Hindi kita kailanman mapapatawad sa ginawa mo dahil kung hindi mo sana ginahasa si Norma ay wala sana ako sa mundong ito at hindi ko sana makilala at mahalin si Lauren at hindi sana ako ngayon nasasaktan." May diin at puno ng galit ang dibdib niya ng sinabi iyon.

Tinalikuran niya ito at aalis na. Hindi na niya kaya pang makita ang ama.

"Sebastian,anak." Tawag nito sa kanya na ikinahinto ng paghakbang niya ngunit hindi siya lumingon at itinuloy ang paglakad.

"May sasabihin ako sa'yo tungkol kay Lauren." Dagdag pa nito na ikinalingon ni Sebastian. Mabilis siyang bumalik at kwenilyuhan ito.

"Ano ang tungkol kay Lauren?" Matigas na tanong niya rito.

Don't Mess A BillionaireWhere stories live. Discover now