Chapter 20

8.2K 144 4
                                    

Napahawak si Lauren sa kanyang ulo ng pagbangon niya masakit iyon. Bumalik siya sa pagkakahiga habang hinihimas ang ulo. Bakit ang sakit ng ulo niya? Pilit niyang inaalala ang nangyari ng nagdaang gabi. Nagkakatuwaan sila. Nagkakantahan at nag-iinuman. Nalasing yata siya kagabi kaya ang nararamdaman niya ngayon ay hangover.

"Mommy,look." Pukaw ni Sieve sa kanya. Ipinapakita nito ang isang toy. Nagpapansin sa kanya. Dumilat siya at tiningnan ito. Nakangiti itong nakatanghod sa kanya. Napangiti naman siya at hinalikan ito.

Si yaya Selma ay nakaupo habang hawak hawak nito ang pagkain ng anak.

"Pasensya na Lauren. Ang kulit kasi nitong anak mo. Pinapakain ko sa labas mayamaya pumunta talaga rito sa kwarto."

"Okay lang ho iyon ante Selma."

"Go to yaya Selma and eat." Utos niya sa anak. Tumalima naman ito. Lumabas ang dalawa at doon sa sala tinapos ang pagkain. Ang likot kasi ng anak niya.

Nag-inat siya ng mga braso ng makabangon at pumunta sa banyo para umihi at maghilamos.

Kumuha siya ng sabon at sinabonan ang mukha habang nakaharap sa salamin. Nagulat siya ng mapansin ang kaliwang kamay na may may bagong singsing na nakasuot sa palasingsingan niya. Napatigil siya sa ginagawa at tiningnan ang singsing. Kanino 'to? Wala siyang naalala na may singsing siyang ganito. Mukha itong isang wedding ring. Pero paano ito napunta sa daliri niya? Pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi ngunit wala siyang maalala. Sobrang nalasing siguro siya kaya wala siyang maalala. Ngunit wine lang ang ininom niya imposibleng malasing siya ng ganon.

Dali-dali niyang tinapos ang paghihilamos at pinunasan ang basang mukha ng tuwalya.

Bigla siyang kinabahan. Hindi maari. Imposible.

Lumabas siya ng kwarto at naabutan niya sina Cecilia at Martin sa may kusina na nagkakape.

"Good morning Lauren." Sabay na bati nina Martin at Cecilia sa kanya na nakangiti.

Hindi siya sumagot. Humugot muna siya ng malalim bago nag-umpisang magsalita.

"Paggising ko kanina ay may suot na akong wedding ring. Kayo ba ang naglagay nito sa daliri ko?" Mahina ngunit may diin niyang tanong at seryosong tinitigan ang mga ito.

"Oh dear, wala ka bang naalala sa nangyari kagabi?" Umpisa ni Cecilia. Tumindi naman ang kabang naramdaman niya.

"Ang naalala ko ay nagkakantahan lang tayo."

"Well, enjoy na enjoy ka kagabi. Halos hindi mo na nga ibigay sa amin ang mic. Siguro dahil medyo lasing ka na."

"Diritsohin ninyo ako. Bakit may singsing sa daliri ko?" Naiinis ng sabi niya.

"Dahil sa kalasingan mo pinipilit mo na si Martin na magpakasal sa iyo."

"Ano? Hindi totoo iyan. Imposibleng mangyari iyon at imposibleng makakalimutan ko ang nangyari lasing ako." Tumaas na ang boses niya.

"Iyon din ang paniniwala namin na maalala mo parin ang mga ginawa mo. Imposibleng makalimutan mong pinilit mo siyang pakasalan ka. Hindi siya pumayag dahil alam mo na tanggap na niyang hindi kayo at isa pa may iba naman siyang gusto ngunit hindi mo siya tinantanan. At nagkataon naman na isa sa mga bisita natin ay ang judge ng bayan kaya napilitan nalang si Martin na pumayag. Pumayag na rin kami total gusto naman namin si Martin para sa iyo." Mahabang paliwanag nito na nakangiti.

"No, hindi totoo ang lahat ng mga sinasabi mo. Nagsisinungaling lang kayo. Pinaglalaruan niyo lang ako." Nagsisigaw na siya sa galit.

"Totoo lahat ng sinasabi ko kahit tanungin mo pa ang ibang andito."

Don't Mess A BillionaireWhere stories live. Discover now