Chapter 8

9.1K 194 1
                                    

Nagising si Lauren dahil sa naramdamang pangangalay ng kanyang kanang kamay na naipit dahil sa kanyang posisyon na nakayakap sa katabing lalaki. Naalala niya ang nangyari ng nagdaang gabi. Biglang nag-init ang pisngi niya sa naalala. Wala na yata siyang mukhang maihaharap sa lalaking ito dahil pinatunayan niya ang bintang nitong gusto niya ito ngunit napangiti naman siya ng maalala ang sinabi nitong hindi siya type na ikama nito ay naipasingungalingan rin nito.

Hindi type ha. Sarap na sarap ka naman. Sa isip-isip ni Lauren na napangiti.

Siguro dahil pareho silang nalasing kagabi kaya nagawa nila ang 'di dapat gawin pero hindi siya nagsisisi sa nangyari. She will keep that memories forever.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nitong nakayakap sa kanya at saka dahan-dahang inilayo ang katawan rito. Ayaw niya itong magising at makita siya sa pag-alis niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito. Parang awkward naman kung sasabihin niyang "dapat panagutan mo ako dahil ikaw nakakuha ng virginity ko or hey thanks for night, I did enjoy it so much" Baka pagtawanan lang siya nito pag narinig iyon. Kahit nga siya natatawa sa naisip.

Hinanap ng mga mata niya ang kanyang maliit na bag. Nakita niya itong nakapatong sa ibabaw ng mesa. Kinuha niya iyon at tiningnan ang loob saka isinukbit sa balikat. Bago lumabas ng kwarto ay tinitigan muna niya for the last time ang mukha ng lalaki na mahimbing pa rin na natutulog. Nadalangin nalang niya bigla na sanay magising ito at pigilan siyang umalis. It's just a hope but she knows it won't happen.

Dahan-dahan siyang tumalikod at lumabas na ng kwarto. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob ng main door at mabilis na lumabas na parang magnanakaw. Tahimik sa labas, alas tres ng madaling araw pa pala. Nasa loob siya ng malaking hotel and resort na may iilang villa na nakapaligid. Siguradong malayo-layo pa ang lalakarin niya bago siya makarating sa main gate ng naturang hotel. Tahimik na ang paligid. Tulog na lahat ng guest. Ang gising nalang ay siya, ang security guards at receptionist.

"Taxi mam?" Tanong ng security guard sa kanya pagkatapos bumati ng madandang umaga.

Tumango naman siya at nagpasalamat pagkasakay niya.

Inihatid siya nito sa tinutuluyan niyang hostel.

Dahan-dahan niyang pinihit ang siradura ng kwarto pagkarating niya. Tulog na tulog na ang mga roommates niya. Inaaninag niya ang hagdan at diritsong inakyat ang bed niya sa itaas at humiga. Hindi niya pwedeng buksan ang ilaw, magagalit ang mga natutulog roon. Rule iyon. Respect those who are still sleeping. Kaya kung sino man ang maunang gumising ay hindi talaga nagbubukas ng ilaw hanggat may natutulog pa.

Ipinikit niya ang mga mata at sinubukang matulog. Inaantok pa siya ngunit hindi mawala sa isip niya ang nangyari kagabi. Napakasarap ng unang karanasan niya. Hindi niya makakalimutan iyon at hindi niya makakalimutan ang lalaking iyon for the rest of her life. She feels wet down there at the middle of her thigh again upon thinking about what they did.

She smiled. Ito nalang ang iisipin niya kapag hahalikan siya ng nerd na Martin na iyon. Eww.. bakit ba sumagi sa isip niya ang lalaking iyon.

Pinilit na ipinikit ni Lauren ang kanyang mga mata at natulog.

Alas alas otso na ng umaga nagising si Lauren. Nagising siya sa mahinang ingay ng mga kasama niya sa kwarto na nagbukas sara ng zipper ng bag nito. Pilit nitong inaaninga ang laman ng locker nito. Tiningnan naman ni Lauren ang ibang higaan. Gising na silang lahat at siya nalang ang kagigising lang.

"You can turn on the light if you want." Mahinang sabi niya sa lalaking nangangapa sa dilim. Tumayo naman ito at binuksan ang ilaw.

"Thanks!" Sabi nitong nakangiti. It's a westerner guy.

"Where are you from?" Tanong ng isang lalaking puti rin sa kanya. Mga mid 20s yata ang edad nito. Nasa ganoong mga edad ang mga kasama niya ng kwarto.

"Philippines. How about you?" Balik tanong niya.

"I'm from Brazil. I'm Peter by the way. What's your name?" Tanong nito.

"Call me Lauren." Maiksing sagot niya na nakangiti. Nakaupo na siya ngayon sa ibabaw ng bed. Magulo ang buhok at walang hilamos.

"This is Dave from USA, Lesly from Norway." Pagpapakilala nito. Naghello naman sila sa kanya. Napag-alaman niyamg doon lang din kagabi sila nagkakilalang apat. Noong nakaraang gabi pagdating niya ay wala ito doon kaya hindi niya ito nakilala at nang pagbalik niya ay wala parin ang mga ito at mga alas dyes na ito pumasok sa kwarto. Siya naman ay maagang gumising at umalis para tumungo sa Machu Picchu. Galing na pala ang mga ito doon noong isang araw.

Napakafriendly naman ng mga ito at niyaya pa siyamg mamasyal pero tinanggihan niya dahil maaga siyang aalis pabalik ng Cusco dahil flight niya mamayang alas dos papuntang Lima then flight naman niya mamayang alas dose ng hating gabi pabalik ng Pilipinas.

Bumaba na siya at kinuha ang tuwalya, damit na susuotin at gamit pangligo at dinala sa shower room. Walang sariling shower room at rest room ang naturang hostel. Most hostel ay ganito ang set up. Common ang restroom at kitchen.

Hinubad niya ang damit bago siya maligo. Ayaw niyang magbitbit ng basang damit dahil dagdag bigat lang ito. Napansin niyang may dugo ang kanyang panty. Palatandaan lamang ito ng una niyang karanasan sa pakikipagtalik. Nakaramdam naman siya bigla ng pag-iinit ng katawan ng maalala ang mainit na pagtatalik nila ni Sebastian. "Sebastian" napatawa siya ng pagak. Iyon lang ang alam niya rito. Totoo naman kaya ang pangalang ipinakilala nito sa kanya? Totoo man o hindi, hindi na siguro iyon importante dahil hindi naman sila magkikita ulit. Kahit pupunta pa ito ng Pilipinas ay imposibleng magkrus uli ang landas nila.

Nakaramdam siya ng paghihinayang. Suguro kung nagkakakilala sila sa tamang panahon at tamang lugar ay baka hindi ganito ang kinahantungan nila. Siguro hindi iisipin ng lalaking iyon na easy to get siya or a whore dahil bumigay agad siya sa bawat haplos nito. Siguro makikita pa niya ito uli kung hindi lang sila nagkita sa maling pagkakataon.

Dali-daling tinapos ni Lauren ang pagligo at nagbihis saka bumalik na sa kwarto. Niready na niya ang kanyang bagahe at backpack pero mamaya pa siya pupunta sa airport. Lalabas muna siya para kumain ng almusal. Medyo late na for breakfast so ang kakainin nalang niya brunch. Breakfast and lunch at the same time. May nirecommend ang kasama niya sa kwarto na si Lesly na magandang kainan sa may 'di kalayuan sa hostel na tinutuluyan nila kaya iyon ang pupuntahan niya ngayon.

Medyo gutom na siya ng marating ang nasabing kainan. Hindi naman masyadong maraming tao dahil siguro almost ten o'clock na ng umaga.

Habang hinihintay niya ang inorder ay tinitingnan niya ang mga larawang kuha niya sa Machu Picchu. Nakangiti siya habang inisa-isang tiningnan ang mga iyon.

Ang ganda halos ng mga larawan niya. Salamat na rin kay Benjamin, ang tourguide niya, dahil ang galing nitong kumuha ng picture. Lahat nagustuhan niya. May biglang kislot naman sa sikmura niya ng makita sa larawan ang mukha ni Sebastian. Ito iyong sa may intihuatana na carved stone. Nakaupo ito at nakatingin sa malayo habang nakatingin naman siya dito na halos magsalubong ang kilay.

Napangiti naman siya ng maalala iyon.

Thanks to Benjamin. Atleast may remembrance siya sa lalaki.

Nakangiting siya habang tinititigan ang larawan nilang iyon.

Don't Mess A BillionaireWhere stories live. Discover now