Chapter 30

8.5K 171 0
                                    

Naghihina na si Lauren. Naubusan na siya ng lakas sa pagpupumiglas pero hindi siya nakawala sa mahigpit na  pagkatali ng mga kamay niya. Nangngalay na ang mga braso niya. Napahikbi siya. She feels hopeless. Wala ng pag-asa na makaalis siya sa lugar na iyon. Hindi na niya makikita pa ang anak.

Mas lalo siyang napahagulhol ng maalala ang anak. Ngayon niya pinagsisihan kung bakit umalis sa poder ni Sebastian. Desinsanay kasama pa niya ang dalawang taong mahal niya. Sana ay tiniis nalang niya ang masakit na pagtrato nito sa kanya.

Sana.

Sana dumating si Sebastian at ililigtas siya. Ngunit imposible iyon. Hindi nga siya hinanap kahapon ng umalis siya ngayon pa kaya? Kung hanapin man siya nito ay baka huli na ang lahat. Baka pinagpyestahan na ng mga uod ang katawan.

Nanginig ang buong katawan niya sa sobrang takot.

"Maawa kayo sa akin. Pakawalan ninyo ako. Ibibigay ko sa inyo lahat ng kayaman na iniwan sa akin,pakawalan lang ninyo lang ako. Hindi ko kayo isusumbong sa mga police. Kakalimutan ko ang lahat ng ito" Pagmamakaawa niya sa dalawa na hilam sa luha ang mga mata sa pag-iyak.

Tumatawa lang ang dalawa sa narinig na parang mga demonyo.

"My dear Lauren, makukuha pa rin naman namin ng buo ang kayamanan mo kung mamamatay ka na. Wala pa kaming aalahanin na traydorin mo kami at isuplong sa mga police." Sabi ni Cecilia na nakangiti habang si Martin ay lumabas ng kubo at mukhang may tinawagan dahil narinig pa niya na tinanong nito ang taong nasa kabilang linya kung nasaan na ito.

"Mabubulok kayo sa bilanggoan kapag nalaman ng mga police na kayo ang pumatay sa akin." Singhal niya sa mukha ni Cecilia.

"Hindi mangyayari iyon Lauren dahil susunugin namin ang kubong sa lupang pag-aari mo at palalabasin naman na aksidente ang nangyari. Naglayas ka sa bahay at hindi namin alam na nandito ka. Habang tulog ka ay hindi mo namalayan na natumba pala ang lampara sa tabi mo at kumalat agad ang apoy bago mo namalayan ay hindi kana makalabas dahil nag-aapoy na ang katawan. Nice story di ba? Perfect." Sabi nitong tumatawa pa.

"Mga walang hiya kayo." Nanghihina na niyang sabi.

May naulinigan siyang dumating.

"Pasensya na sir, nagkaaberya ang ginamit kung motor sa daan kaya natagalan ako. Ito na ho iyong isang galong gasolina." Paumanhin nito.

"Sige na, umpisahan mo nang ibuhos ang paikot sa kubo ang laman niyan." Utos ni Martin sa lalaki.

"I'm sorry Lauren kung hanggang dito nalang ang buhay mo." Nakangiting sabi nito at lumabas.

Naamoy niya ang gasolinang ibinuhos nito sa kubo.

Nanginig ang buong katawan niya sa takot. Katapusan na niya. Mamamatay na siya. Ipinikit nalang niya ang mga mata at hintayin ang kamatayan niya.

"Sebastian,tulungan mo ako." Bulong niya kahit alam niyang imposibleng marinig siya nito.

Nag-umpisa ng uminit ang loob ng kubo ng kumalat na ang apoy sa labas. Napaubo siya dahil masusuffocate siya sa usok ng apoy. Bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay narinig pa niya ang putok ng baril sa labas.

Dahan-dahang pumikit ang mga mata niya ng may maramdaman siyang mga kamay na nag-aalis ng lubid sa nakatali sa kanya at mabilis siyang pinangko nito at inilabas sa nag-aapoy na kubo.

Tuluyan na siyang nawalan ng malay.

*****
"Lauren, gumising ka. Lauren." Nanginginig ang kamay ni Sebastian habang niyuyugyog ang balikat ni Lauren na walang malay na nakahiga sa damuhan.

Umaapoy na ang kubo ng dumating sila ng mga tauhan niya. Nakita niya ang isang babae at dalawang lalaki na nakatingin sa umaapoy na kubo. Hindi nagdalawang isip ang mga tauhan niya na binaril ang tatlo at bumulagta sa lupa habang siya ay walang pakialam at dumiritso siya sa loob ng kubo. Alam niyang nandoon si Lauren.

Pigilan sana siya ni Romero pero hindi siya nahawakan  ito ng mabilis siyang pumasok sa loob na halos hindi wala na siyang makita dahil sa kapal ng usok. Dahil maliit lang ang kubo ay naaninag agad niya ang sadya. Nakatali ang kamay at paa nito kaya dali-dali siyang tinanggal ang tali. Nahirahapan siya sa pagtanggal niyon buti nalang ay sumunod sa kanya si Romero at mabilis na pinutol nito ang tali sa paa at kamay ni Lauren. Agad naman niyang pinangko ang babae at lumabas sa kubo. Ang mga tauhan niya ay pilit tinanggal ang pintuan na nag-aapoy para mas madali silang makalabas.

Inilapag niya ito sa damuhan.

"Lauren, gising Lauren. Tawag niya rito ngunit hindi na ito gumalaw. Nanginig at nataranta na siya. Pinulsuhan niya ito at nakahinga siya ng maluwag  g may pulso pa ito.

Pumwesto siya ng maayos at isi-CPR nila ang babae. May alam siya sa first aid dahil sumasali siya ng training minsan. Pero iba pala kung ang taong mahal niya ang kailangan niyang iligtas mismo. Natataranta siya.

Napaubo si Lauren sa ginawa niya. Napaupo siya at nakahiga ng maluwag. Hindi na niyq namalayan na may luhang tumulo sa mga mata niya sa sobrang saya. Tumingin ito sa kanya sa pagod na mga mata. Hindi na niya napigilan ang sarili at niyakap ito ng mahigpit.

Napahagulhol naman ito at napayakap sa kanya ng mahigpit. Walang namutawing mga salita sa kanila pero sapat na ang mahigpit na yakap nila para iparamdam ang sayang naramdaman.

Kumalas siya at pinangko si Lauren. Kailangan pa rin nitong madala sa pinakamalapit na hospital.

Si Romero na ang nagdrive. Iniwan ang ibang tauhan sa lugar na iyon para iligpit ang mga bangkay ng tatlong salarin.

Kinuha niya ang bote ng tubig at pinainom si Lauren ng tubig. Sumunod naman ang babae at halos maubos ang laman niyon.

Kinabig niya ito at iniyakap ang bisig kay Lauren. Sa nangyari kanina ay napatunayan niya kung gaano na pala niya kamahal ang babae. Handa niyang ibuwis ang sariling buhay mailigtas lang ito. Hindi niya alam kung mapapatawad ba ang sarili kung napatay ito.

Nahigpit niya ang pagyakap dito at hinagkan sa noo.

Ngayon niya naramdaman na medyo mahapdi ang balat niya. Siguro dahil sa init ng apoy na niragasa niya kanina pero hindi naman masyadong malala iyon kaya niyang tiisin iyon ang importante ay ligtas na si Lauren.

Dumating sila sa emergency room at mabilis unasikaso ng mga nurse si Lauren. Sumunod naman siya sa mga ito.

Don't Mess A BillionaireWhere stories live. Discover now