Chapter 15

8.8K 199 6
                                    

Alas tres pa lang ng madaling araw ay gising na si Lauren. Ilang oras lang ang tulog niya. Actually halos 'di siya makatulog dahil sa kaiisip sa pagkikita nilang muli ni Sebastian at sa napipinto nitong pagkatuklas nito sa katotohanan na may anak sila. Hindi pa rin niya alam ang kanyang gagawin. Ang gulo ng isip niya. Ang natatanging pamilya niya ay pinipilit siyang ipakasal sa lalaking hindi niya gusto at ang ama naman ng anak niyang si Sieve ay posibleng kukunin sa kanya ang tanging kaligayahan niya, ang anak niya. Hindi na niya alam kung ano ang tamang gawin para mapanatili sa kanya ang anak niya. Natatakot siyang totohanin ni Sebastian na hindi na niya makikita ang anak niya kapag mapatunayan sa DNA test result na ito nga ang ama ni Sieve.

Tama kayang aaminin nalang niya rito na anak nga nito si Sieve at baka sakaling maawa ito sa kanya at hindi nito tuluyang ilayo ang anak niya sa kanya?

She needs to take the risk. Napabuntong hininga siya ng malalim saka lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina para kumuha ng tubig.

Pagkatapos uminom ng tubig ay bumalik na siya sa higaan katabi ang anak. Ginawaran niya ito ng halik saka pinilit ang sarili na makatulog uli.

Napabalikwas ng bangon si Lauren ng mahinang niyugyog ang balikat niya ni Selma. Ginigising siya nito.

"Lauren, alas otso y medya na." Sabi nito. Hindi siya nagpatawag ng ma'am dito dahil ayaw niya. Para na rin naman niya itong magulang. Madali niya itong nakagaanan ng loob.

Mabilis na napatingin naman si Lauren sa orasan sa dingding. Alas otso y medya na nga. Dali-dali siyang bumangon at pumasok sa banyo para maligo dahil baka malate siya sa trabaho. Napahinto siya ng maalala ang anak.

"Nasaan si Sieve, yaya Selma?"

"Nasa labas po nakipaglaro kay Martin."

"Andito si Martin? Ang aga naman yata." Nasabi nalang niya. Napapansin niya na halos araw-araw na itong nasa bahay nila. Hindi na nito inungkat ang usapin tungkol sa pagpapakasal. Kahit si Leon at Cecilia ay wala na ring nabanggit tungkol dito. Weird pero sana narealize na ng mga ito na mali ang pilitin siyang pakasal sa lalaking hindi niya gusto.

Iniwan na niya si Selma na nag-aayos ng higaan niya. Sinarado niya ang pintuan ng banyo at nag-umpisa ng maligo. Binilisan niya ang pagligo dahil baka malate na talaga siya. Kasalukuyan siyang naglalagay ng shampoo sa ulo ng napahinto siya ng maalala ang sinabi ni Sebastian. Meet me at Huangcho hospital at 9 in the morning.

Sisiputin ba niya ito? Paano kung hindi siya sisipot at totohanin nito ang banta sa kanya?

Bahala na. Makipagkita nalang siya rito.

Mag-aalas nuebe biente na ng palabas na ng bahay si Lauren. Makipagkita siya kay Sebastian.

Bumaba siya ng taxi sa harap ng hospital. Hinanap agad ng mata niya ang lalaki ngunit hindi niya ito nakita. Tumuloy siya sa loob. Sobrang kinakabahan siya sa magiging kahihinatnan ng pag-uusap nilang ito.

Nilibot niya ang paligid ngunit hindi niya nakita ang lalaki.

Umuwi na kaya siya? Sa isip niya ng may biglang humawak sa braso niya na nagpakislot sa kanya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng malingunan si Sebastian na nagsalubong ang mga kilay at galit ang mukha.

"What's this game Lauren? Bakit hindi mo dala ang anak mo? Where's my son?" Galit na tanong nito.

"Bitiwan mo nga ako." Pilit na ipiniksi ni Lauren ang braso at binitiwan naman siya nito.

"I'm here to talk to you...tungkol sa anak ko si Sieve." Umpisa niya na pinigilan ang pagnginig ng boses.

Don't Mess A BillionaireHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin