0007

299 28 13
                                    

0007 // IT

// MIYAWAKISAKURA's

"Hey Sakura it's 3 in the afternoon, hindi ka pa nakakapag-breakfast and lunch" Nagising ako sa boses ng roommate ko.

Lee Gaeun, also in 4-A, our classroom president.

Pagkatapos nya akong gisingin lumabas sya sa kwarto.

Nag unat-unat ako sa higaan, ang sarap ng tulog ko.

My eyes were half-open when I got out from my bed, nakita ko sya na may ginagawa sa mesa ng living room namin.

Today is Saturday kaya walang pasok, I slept late last night I played at the secret room in library. Buti di ako nahuli ni Gaeun nung lumabas ako.

Binuksan ko sa refrigerator  namin at kumuha ng tubig, I need to be refreshed.

"Eonnie, wala bang ramen?" I ask her habang naghahanap pa rin ako sa ref ng makakain.

"Meron but I suggest you eat proper meal puro ka na ramen masama yun, go to the cafeteria" Sabi nya habang nagta-type ng kung ano sa laptop nya.

Tumango ako at bumalik sa kwarto namin, I got my jacket.

"Eonnie, labas lang ako" Pagpapaalam ko sakanya, inaantok pa rin akong naglalakad sa hallway ng dorm building.

Sobrang ingay dito tuwing weekend but today's different, ang tahimik nakakapanibago.

Nang makalabas na ako nakaramdam ako ng lamig, dapag pala di ako nag-shorts ang lamig tuloy. Nagmadali akong pumunta sa cafeteria, dahil nga 1 na kakaunti lang ang mga student dito.

Dito kasi sa school namin kahit walang klase open lahat ng buildings for the students, nasa school compound lang din kasi dorm buildings kaya yun.

I greeted the cafeteria workers, they always serve high quality food kaya mas prefer ng mga student na dito kumain kesa sa mga dorms nila.

Pumili na ako ng makakakain ko at tsaka naghanap ng table, it's not hard to pick tho marami namang vacant pero gusto ko yung hindi agad makikita pag pumasok ka.

Naupo ako sa napili ko na seat, I prayed to thank god for the food infront of me before I ate.

Ang sarap ng pagkain, nagutom nga ako nang sobra buti ginising ako ni Gaeun eonnie.

Gaeun eonnie was my roommate ever since I studied here, she always take care of me. A mother material, kaya medyo mahirap lumabas pag gabi ang dali nya magising eh.

While I'm enjoying the taste of the food I'm eating, may nakita akong babae na naka-cap at kakapasok lang ng cafeteria. She's wearing a thick jacket and she's wearing her favorite pants. Hindi ko nalang yun pinansin at nagpatuloy sa pagkain ko.

After eating dinala ko yung pinagkainan ko sa isang table kung saan nilalagay yung mga gamit na utensils para hugasan. I thanked the cafeteria staffs bago lumabas, I smiled awkwardly to the girl earlier she also smiled at me like she missed me.

Paglabas ko ng cafeteria, I'm having a mental fight whether I'll go back to our dorm or not yet. I decided not to, mamaya nalang maglalakad-lakad lang muna ako.

While walking naisip ko na hindi ko alam kung saan ako pupunta, ayoko na muna sa library wala naman din sila doon ngayon nakakatamad lang.

I went to the computer room of our school, may mga student dito na gumagamit ng computer. I went to the computer that was assigned to me, every student kasi may computer na dapat i-maintain. You use it you take care of it, that's the policy. Every computer dalawang user ang naka-save, and roommate ko ang pangalawang user nito.

kirai┇izone ff ✅Donde viven las historias. Descúbrelo ahora