0018

257 23 6
                                    

✥ 0018 // ARE

// JOYURI's

Kakatapos lang ng first day ng exam namin, agad kong inayos ang mga gamit ko. I need to go to the music room, may meeting daw for the performance para sa foundation day ng school madali lang naman daw para makareview pa kami sa mga subjects for tomorrow.

Kasabay ko ngayon ang kasama at naging kaibigan ko sa glee club, Na Go Eun. Naging magkaibigan na kami pagpasok ko palang dito sa Produce High, she's my roommate mapagkakatiwalaan sya.

"How's the exam?" She asked me.

"Hmm, okay lang naman" Sagot ko, I really worked hard for this examination. I was in rank 18 last exam sana tumaas rank ko ngayon.

"Makakapasok ka sa Top 12, feel ko" Sabi nya saakin habang naglalakad parin, I just smiled at her. She's always supportive to me, she's a good person.

"Parang di rin" Sabi ko sakanya, I'm usually a negative thinker pinipilit ko naman na isiping makakapasok ako sa high rank pero di ko ma-imagine eh.

"Baka ikaw makapasok ka" Pabalik kong sabi sakanya umiling lang din sya at natawa.

Napagdesisyonan namin na dumaan muna sa cafeteria at bumili ng maiinom, nauhaw din ata kami dahil sa exams.

While walking, napadaan kami sa computer room. I saw Yujin talking to someone in her phone, nagulat ako nang bigla syang nawalan ng malay, lalapit na sana ako nang biglang dumating ang mga kaibigan nya. What happened?

"Kilala mo? Parang alalang-alala ka huh?" Tanong ni Goeun eonnie saakin, umiling lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. I want to know what happened, maybe mamaya pagkatapos ng meeting.

Pagdating namin sa music room agad kaming nagbow dalawa at umupo na sa bakanteng upuan. The atmosphere here inside is gloomy, dahil siguro marami nang nawala sa club namin.

I'm still bothered about Yujin, itetext ko na ba ang iba?

Hindi ako mapakali dito, ni hindi ko nga napansin na nagsimula na pala meeting.

"Okay ka lang Yuri?" Natauhan ako nang tawagin ako ni Goeun eonnie, agad akong tumango sakanya.

I tried to focus on the meeting, we're talking about the positions in the performance.

"Yuri, gusto mo maging main vocal?" Our club adviser asked me, lumingon ako kay Goeun eonnie na nakangiti saakin. It's my dream since I was a kid, being a main vocal in a performance.

I'm ready to accept it pero napaisip ako bigla, should I accept this? Bakit ako nagdadalawang isip sa isang bagay na matagal ko nang pangarap.

"Pwede po bang pag-isipan ko pa po?" I asked him, nag-isip sya at tumango.

"Okay, tomorrow may sagot ka na dapat huh" Sabi nya tumango naman ako.

"Bakit hindi mo agad tinanggap, I know you want it." Bulong saakin ni Goeun eonnie, nagkibit-balikat lang ako. I also don't understand what's with me, bakit hindi ko agad tinanngap but something's bothering me.

"Sir can I excuse myself, magc-cr lang" I even raised my hand para mapansin nya 'ko. He smiled and nod at me, nagpaalam ako kay Goeun eonnie.

kirai┇izone ff ✅Where stories live. Discover now