GITZ, BREAK! #1

43 5 0
                                    

Hi, I'm the most charismatic member of SB19, my name is Josh.

--

"....and Josh Cullen Santos. Congratulations!"

Isang dumadagundong tugtog na sinabayan ng masigabong palakpakan ang sumalubong sa amin habang papaakyat kami sa stage. Ang lawak ng ngiti ko dahil pinipigilan ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Thank you, thank you, thank you!" Sigaw ko sa hangin habang itinataas ko ang trophy namin. Wala akong maramdamang iba kundi kasiyahan at tagumpay. Parang noong isang gabi iniisip ko pa lang 'yung ganitong eksena tapos ngayon nangyayari na.

Matapos kong itaas ang trophy, ipinasa ko ito sa kagrupo ko at saka ako yumuko upang magpasalamat at pakawalan ang luha. Naramdaman ko ang hagod ng isang kamay sa likod ko at ilang beses na binabanggit ang salitang 'congrats'. Palihim kong pinunasan ang luha gamit ang likod ng aking kamay sabay hinga ng malalim.

Saglit na minuto lang ang binigay sa amin para makapag-picture kasama ang lahat ng bumubuo ng contest at mga staffs.

Nang magbabaan na, saka lang kami nagkayakap-yakap ng mga kagrupo ko.

"Congrats, brad! Lupet!" sabi no'ng isa sabay body bump sa isa pa naming kagrupo. Bali, lima kaming lahat.

Isa itong contest kung saan magcocover kami ng ilang mga sikat na sayaw tapos hahanap kami ng kukuha sa amin para makipaglaban. Minsan natatalo pero madalas ang panalo namin dahil nagiging constant ang pagpapractice namin kaya flawless na ang lahat ng nasasayaw namin. Ngayon lang talaga kami nag-champion.

Sayang nga, eh, hindi ko kasama si Stell.

"Oh? Tara! Celebrate tayo!" Aya no'ng isa nakaupo na sa sahig. Sunod-sunod silang tumango hanggang sa mapako ang tingin nila sa akin.

Umiling ako.

"Pass muna ako, brad. Hindi ako sa bahay umuuwi, eh. Baka pagalitan ako," honest kong sagot. Mabilis na nawala ang ngiti nila sa akin.

Lumapit ang isa at tinapik ang balikat ko, "Ayos lang, brad. Naiintindihan ka namin. Basta sa susunod, ha! Ikaw na manlilibre."

Nangiti na lang ako sa sambit nilang lahat. Para ko na rin silang mga kapatid dahil naiintindihan nila ang pinagdadaanan ko at sa kanila na rin ako humihingi ng payo at gabay gayo'ng wala na ako sa puder ng mga magulang ko.

Kung tutuusin, naging raket ko na ang pagsali rito sa cover group at ang parte ko sa napapalanunan ay pinambibili ko ulam namin ni Stell o 'di kaya'y pambayad sa bills. Sariling kayod lahat ng nagagastos ko at natutunan ko ito sa murang edad pa lamang.

Nasa iisang van pa rin kami magkakasama papunta sa studio para kunin ang gamit namin kanina na naiwan bago pa man ang contest. Dumaan muna kami sa drive-thru para makakain. Kinain namin habang bumabyahe.

"Alam n'yo ba kanina, naiiyak na ako kasi first time ko lang makasali sa cover group tapos panalo kaagad," sabi nung pangatlong lalaki na lumalantak ng fries.

Ipinasawalang-bahala ko na ang paguusap nila. Nakatulala lang ako ngayon sa labas dahil katabi ko ang bintana. Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Stell na panalo kami gayo'ng hindi maganda ang mood n'ya kanina noong umalis ako.

Nagaalala na rin ako sa kan'ya dahil hindi pa s'ya umuuwi sa bahay ng mga magulang n'ya, dalawang linggo na ang last na uwi n'ya. Hindi ko s'ya maiwanan dahil baka kung anong gawin at baka magutom. Lagi lang s'yang nakatulala at lutang pero sumasagot naman ng maayos. Hindi s'ya nagsasalita at magugulat na lang ako kapag bigla-bigla s'yang iiyak habang yakap ang unan.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now