GITZ, BREAK! #4

28 3 0
                                    

Hi, everyone! I'm the SB19's maknae, my name is Justin.

--

"12..12 hours, John Paulo Nase. Nasaan ka na?" Kanina pa ako nanlulumo, nagaalala at nag-iintay ng tawag ni Sejun. Ngayon lang s'ya naging ganito kaya gano'n na rin ang pagaalala ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harapan ng computer at tumungo sa kwarto ni Kuya.

"Kuya." Tawag ko sa kan'ya bago ako kumatok. Narinig ko ang mga yapak n'ya sa sobrang tahimik ng bahay.

"Bakit?" Hindi pa nabubuksan ang pinto ay nagsalita na s'ya. Nang bumukas ito, humarap sa akin ang matikas kong kapatid na may salamin pa na nakasabit sa collar ng damit. Mukhang nag-aaral.

"Tumawag ba sa'yo si Sejun?" Alinlangang tanong ko pa dahil mukhang naistorbo ko s'ya.

Umalis s'ya sa harapan ko at iniwang bukas ang pinto. Bumalik muli s'ya sa study table na katabi lang ng kama n'ya. Kinuha ang cellphone at may kung anong tinignan.

"Justin, wala. Walang tumawag sa akin." sagot n'ya nang hindi pa rin humaharap sa akin.

Napakamot ako sa ulo. "Sige, Kuya. Pakisabihan na lang ako kapag tumawag, ah? Salamat."

Hindi na n'ya ako sinagot kaya marahan ko na lang isinarado ang pinto at bumalik na sa kwarto ko.

Bigo akong umupo ulit sa harapan ng computer at nakatitig lang sa naka-display na messenger dito.

"Ang bilin n'ya sa akin. Huwag akong mag-memessage sa kan'ya nang first move. S'ya dapat ang mauna. Tandaan mo 'yan, Justin." sarili kong pangaral na agad ko namang tinutulan.

"Kilala mo si Sejun, Jah. Hindi gan'yang matagal mag-message."

"Eh, paano nga kung busy?"

"Kahit busy naman 'yun mag-memessage 'yun."

Napahilamos ako sa mukha at dinabog ang mouse. Wala na akong ibang magawa kundi pumunta sa bahay nila at tignan kung ano nang nangyayari sa kan'ya.

Tinignan ko ang orasan. 8:00 in the evening at maya-maya lang ay dinner na.

Nilisan ko ang computer set ko at nagbihis. Simpleng damit lang. Gray jogging pants at white v-neck shirt at hoodie. Bumaba ako at naabutan ko si Mama na naghahanda ng hapag.

"Oh? Where are you going? Kakain na," turan n'ya kasabay ang maingay na kalansing ng kubyertos.

Nilingon ko s'ya.

"Kila Sejun na ako kakain ng hapunan, Ma. Pinapapunta ako."

Buti na lang hindi s'ya nakatingin dahil mahuhuli n'yang nagsisinungaling ako.

Bigla namang pumasok si Dad na may hawak pang mangkok na ulam ang laman. Paborito ko 'yung ulam!

"Pupunta ka kila Paulo? Sayang naman, paborito mo pa naman 'tong ulam." Inilapit pa n'ya sa ang Tinolang Manok bago ilapag sa gitna ng mesa.

Hilaw akong ngumiti.

"Sige, sige. Ingat ka, ah?--"

Natigil s'ya nang marinig namin ang tawanan ng dalawa ko pang kuya.

"HAHAHA! Talo ka pa rin!" Pang-aasar ni Kuya Yani sa kausap n'ya.

Sabay naman silang napatigil nang mapansin ang pwesto namin. Malayo ako sa hapag at ang magulang namin ay nakatayo pa rin. Siguro inaasahan nilang kumakain na kami.

"Saan ka pupunta?" tanong kaagad ni Kuya CJ.

"Kila Sejun." Maikling sagot ko. Humakbang na ako patalikod para makatakas na nang bigla akong pigilan ni Kuya Yani.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now