GITZ, BREAK! #13

20 1 0
                                    

I'm the main dancer of SB19, my name is Ken.

---

"Ewan ko rin. Biglaan, eh. Ipaalam mo na lang ako kina Josh at doon sa dalawa. Magme-message na lang ako mamaya kapag dito ako uuwi."

"Sige, dre. Ingat ka."

Lumabas na ako ng bahay para hindi na madinig ang sagot ko rito sa tawag na nakuha ko mula sa studio.

"Felip, nasaan ka na? Kanina ka pa iniintay dito..." bungad kaagad sa akin.

"Yeah, I'm on my way. Malapit lang naman ako.

"Stell Ajero's house? Sigurado ka bang walang nakakita sa'yo na nand'yan ka?"

Napabuntong hininga ako.

"It doesn't matter. Ako na ang bahala. See you." At ibinaba ko na ang linya sabay dial ng number ni Kuya Gwuri.

"Pakisundo po ako rito..."

Ilang minuto lang ay dumating na s'ya kaagad. Mukhang galing sa carwash dahil nangingintab ang mga salamin.

Nasiguro kong tama ako noong pumasok na ako sa shotgun seat.

"Galing po akong carwash, Sir. Hindi ko po nasabi kaagad dahil hindi na po kayo nakasagaot kagabi," sabi n'ya.

"Okay lang. Diretso tayo sa studio."

Habang nasa byahe, binuksan ko ang twitter at nagscroll-scroll lang. Normal lang sigurong makita na 8M+ na ang notifications ko at punong-puno na rin ang DM box.

@jahsten is now following you.
      -@fjsuson

Oh.

He's following my main account. Siguro nakita na n'ya 'yung deleted IG story ko kaninang umaga.

"Kuya, nagt-twitter ka?" tanong ko bigla.

"Sir? Twitter? Hindi po, eh."

Napatango na lang ako at hindi naalis ang tingin ko sa profile ni Justin. May kung ano sa loob ko na pinindot ang DM icon.

@fjsuson: Justin

Aalis na sana ako sa display nang makita kong nag-seen s'ya.

@jahsten: Hi, Ken! Umalis ka ba?

@fjsuson: Oo, hindi ba sinabi ni Stell? Nagpaalam ako.

@jahsten: ahh, oo. Sinabi sa amin. Nagbabake sila ngayon, eh.

@fjsuson: Dumating na rin yung oven?

@jahsten: pagkaalis mo, dumating.

@jahsten: btw, saan ka papunta? studio lang?

"Miss na agad ako. Pft!"

"Nino, sir?" sagot bigla ni Kuya Gwuri.

Did I said that out loud?

"Nothing, sa kalsada ka tumingin," pagsusungit ko kunwari.

@fjsuson: hindi ko pa alam. but im omw to studio. bakit?

@jahsten: wala naman

@fjsuson: hmm, okay?

Bigla s'yang nawala. Pinatay ko ang phone at tumingin na lang sa kalsada. Nahihilo na ako.

"Sir..." tawag sa akin, ilang segundo lang.

"Lagi pong nagtatanong 'yung nga staff sa studio kung saan ka raw po pumupunta---"

"Sinasabi mo ba ang totoo?" Pagpuputol ko.

"Ayun na nga po, eh..." Napakamot s'ya sa batok.

Kumunot ang noo ko.

Subside Everything (SB19)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant