GITZ, BREAK! #22

32 1 0
                                    

Hi, I'm the most charismatic and sexiest member of SB19, my name is Josh. (Ken is shaking. Congratulations, ssob!) With respect.

---

"Ready ka na sa outdoors?"

Isang linggo matapos ang nakatutunaw ng katawan na photoshoot...Ito si Justin, nangungulit na naman sa akin habang naglalaro ako ng computer. Nagche-check s'ya ng schedule ni Ken sa sariling cellphone at nakahilata sa kama.

"Hanggang ilang beses mo ba ako tatanungin n'yan?" tanong ko na nakaharap pa rin sa computer.

"Hanggang sa pumayag ka."

"Eh, ilang beses ko rin bang sasagutin na maulan sa labas at hindi ako komportable?"

"Hanggang sa pumayag ka," pag-uulit n'ya.

"Ikaw ba model?" sarkastikong tanong ko.

"Hindi pero ako ang manager mo."

Napaharap na ako habang pinanlilisikan s'ya ng tingin. "Feelingero."

"Trabaho lang."

"Tss."

Bumalik na ako sa pagkakaharap ng computer at nagsuot na lang ng headphones. Pero kahit gano'n na, naririnig ko pa rin ang pangungulit  n'ya.

Ang daldal talaga!

"Shh! Ang ingay mo!"

"LALALALALALA SANA PUMAYAG SI JOSH. SANA. SANA. SANA. SANA. SANA."

"Argh! Ano ba?!" sigaw ko ulit.

Inis kong tinanggal ang headphones at nakipaglaban ng titigan. Hindi s'ya nagpatalo, ako lang din ang nailang. Matibay.

"Tss. Kapag umaraw na, mag-set up tayo."

Hindi s'ya nakasagot sa halip nagtatatalon-talon at napasuntok pa sa hangin.

Abno.

Hanggang sa lumabas na s'ya ng kwarto at kinalampag ang kwarto ni Ken. Sus, chancing.

Hindi na tuloy ako nakapag-focus sa paglalaro ko kaya pinatay ko na lang at bumaba na. Nang nasa sala na ako, nahagip ako ang salamin.

Iba talaga ang alaga nina Ken at Justin sa akin. Sa nakalipas na linggo, doble-doble na ang nagagastos ko sa mga shampoo, sabon, at gamit sa mukha. Mas nakakagwapo raw kasi ang hygienic. Parang sinabi nilang ang dumi-dumi ko, tss.

Naririnig ko naman sina Stell at Sejun sa hapag, naguusap at hindi ko maintindihan. Buti na lang at hindi sila magkaigkis ngayon, sasakit na nanaman ang ulo ko sa ka-sweetan nila.

"Alam ko lang 'Annyeonghaseyo' 'yun lang." Si Stell.

"It's common. Hello lang 'yan," sagot naman sa kan'ya ni Sejun.

"Annyeonghaseyo!" bati ko sa kanila.

Sabay naman silang napalingon sa akin at ngumiti. Katatapos lang nila mag-bake at nakaligpit na rin ang gamit.

"Ano pa? Ano pa?" Bumalik kaagad ang tingin ni Stell kay Sejun.

Narinig ko ang kalampag ng yabag nina Justin sa taas at maya-maya lang, pababa na sila sa hagdan. Si Ken, may suot na salamin.

"Maaraw na Josh! Tara na!"

Hinila n'ya ako gamit ang kanang kamay habang si Ken naman ang nasa kaliwa. Walang  s'yang kibo at nagpapahila lang kay Justin. Nakalayo kami sa dalawa at napunta sa terrace.

"Saan maganda? D'yan na lang o sa park?" tanong n'ya habang nakatanaw sa tapat naming ma-damo at may iilang puno. May kalayuan din ang kalsada kaya walang ingay.

Subside Everything (SB19)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora