GITZ, BREAK! #18

18 1 0
                                    

I'm the heavenly voice of SB19, my name is Stell.

---

Tumama na sa mukha ko ang mainit na sinag ng araw. Isang bagong umaga na naman pero ito ako nakapikit pa rin habang pinapakiramdaman ang katabi ko. Sa araw-araw na paggising, ganito ako. Tinitignan kung anong magiging galaw n'ya lalo na't magkatabi kami sa kama.

Napapangiti ako kapag ginigising n'ya ako, nakikiliti kapag sisiksik sa braso para makahanap ng init, napapaigtad kapag ngingiti s'ya bigla nang walang dahilan. Lahat ng 'yan, napansin ko sa kan'ya sa loob ng dalawang buwan.

Kaming dalawa ang laging magkasama at parang magkakasundo na kami. Laging magkasama sina Ken at Justin, si Josh ay minsan nagkukulong sa kwarto para sa maglaro. Nasa baba lang kami at paulit-ulit na nagbabake ng cake para sa meryenda. Masaya. Masaya ako kapag nakakasama ko s'ya.

"Stell..."

Narinig ko ang mahinang ungol n'ya bago pumihit papaharap sa akin. Naidilat ko na ang mga mata ko pero nasa kisame pa rin ako nakatingin. Iintayin ko pa s'yang magising ng tuluyan.

"Gising ka na ba?"

Nakiliti ang tainga ko sa bulong n'ya. 'Yung mga salitang 'yan ang nagbibigay sa akin ng kung anong epekto sa katawan ko na gustong-gusto kong maramdaman maya't maya.

"G-good morning..." mahinang bulong ko.

Nanatili kami sa gano'ng posisyon ng ilang minuto. Halos nakadapa na si Sejun habang ang pihit ng ulo n'ya at nasa bandang leeg ko at doon ko nararamdaman ang mainit na hininga n'ya. Gising na s'ya nang bumulagta s'ya patihaya at dumilat na.

"Good morning!" Nangingiti n'yang sabi na nakatakip pa sa bibig, takot baka maamoy ko.

Ang tagal na nating magkasama, sanay na ako d'yan, Sejun.

S'ya ay isa sa mga taong gusto laging presentable sa harap ng ibang tao. Siguro dahil sa trabahong iniwan n'ya.

"Anong oras na?" tanong n'ya. Sabay kaming nagkukusot ng mata at nagtatanggal ng muta

"Seven 'ata....may laway ka."

Kumunot ang noo n'ya sa huling sinabi ko. Itinuro ko ito gamit ang dila ko para lawayan ang gilid ng labi ko. Ginaya naman n'ya habang nakatingin sa akin.

'Yan na naman ang goosebumps na nararamdaman ko.

"Bababa ka na ba?" tanong n'ya matapos mag-iwas ng tingin.

"Oo, sasabay ka ba?"

"Hindi na."

Bumangon na ako at lumabas na. Habang pababa, naririnig ko ang kilos ni Ken sa sala. Naghahanda ng gamit para sa trabaho. Paniguradong maaga silang nagising ni Justin. Basa pa ang buhok n'ya.

Naghahanda ako ng kape habang kinakausap s'ya nang biglang bumaba si Justin yakap-yakap ang sweaters. Malamig na ngayon dahil August na at maulan. Natonohan ko bigla ang inis sa boses ni Justin kaya nagulat ako sa sunod n'yang iniasal. Umakyat s'ya ulit at nakasalubong pa si Sejun.

"Sundan mo 'yun, hoy! Bawal maging masama loob no'n," saway ko sa kan'ya at sabay-sabay kaming natawa.

Nadagdagan pa ng dalawang tasa ang tinitimpla ko ng kape. Nag-usap saglit ang dalawa sa itaas habang ang dalawa rito sa baba ay naghilamos muna't nagsepilyo. Nagluto pa ako ng pancake para may laman ang tiyan ng dalawang aalis. Nag-kwentuhan muna kami at umalis na sila.

Naiwan na naman kaming tatlo. Naglinis ako ng sala at terrace. Sabay-sabay kaming kumilos para malinis ang buong bahay bago ako bumalik sa kusina para magluto ng lunch.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now