GITZ, BREAK! #5

30 2 0
                                    

Hi, I'm the main dancer of SB19. My name is Ken.

--

Napaka-init!

Sinong hindi mag-rereklamo kung nasa ilalim ka ng arawan at suot-suot ang higanteng leather jacket. Kung hindi lang para sa magazine ito, matagal na akong umayaw.

"Felip! Fierce! Sexier!" sigaw muli ng Director na ilang dipa lang ang layo sa akin kaya nakakabingi ang sigaw n'ya. Lalaki pa kaya mas lalo akong narindi.

Binigay ko na ang nakatutunaw na yelong fierce ko kahit na hindi naman kaaya-aya sa cover dahil tumatagaktak na ang pawis sa loob ko. Sinabayan pa ng malakas na flash mula sa naglalakihang ring light sa gilid ko.

Gustong-gusto ko na tanungin kung bakit kailangan sa gitna pa kami ng arawan 'gayong p'wede naman kami sa studio at green screen.

Umirap ako sa hangin nang magtayuan silang lahat para lapitan ko. Tinanggal na ang leather jacket ko. Agad akong tumakbo papuntang tent na surrounded ng aircon para malamigan ako.

Nasa loob ang hair and make-up artist ko na nagliligpit na dahil tapos na ang photoshoot.

Hanggang dito, naririnig ko ang mga hiyawan ng mga fans ko na kaninang nakapalibot sa shooting place.

"Aren't you going home yet, Diem? Bakit hindi ka pa nagliligpit?" tanong ng isang make-up artist sa babaeng nakahiga sa bean bag at chill na chill lang.

"Hanggang mamaya pa ako. Ako pa rin assigned para sa susunod na model."

Kumunot bigla ang noo ko.

"Who?" tanong ko sa kanila.

Agad na suminghap ang isa pa nilang kasamahan sa turan ko. Nasanay silang hindi sumasabat sa kanila at itinuturing akong hangin kapag nandito ako at nagliligpit ng gamit.

"Si Mr. Suarez po, Sir."

Napatango na lang ako at hindi na sumagot hanggang sa nagpalit na ako ng damit sa potable CR nila rito. Pagkatapos, umupo na lang ako sa stool at kumuha ng pica-pica sa nakalatag na pagkain sa hapag.

Nagutom ako ro'n, ah?

Dadakutin ko na sana ang nachos nang biglang bumukas ang pinto.

"Where's Felip Suson?" bungad nito. Ipinagpag ko ang kamay ko at nagpunas pa rin sa tissue paper.

"Yes?" Taas kilay kong tanong. S'ya ang director na sinigawan ako kanina.

"We need your signature para authorized na lahat at para sa kontrata."

Nanliit ang mga mata ko bago ko s'ya titigan mula ulo hanggang paa.

"I don't wanna sign a contract to your clothing brand." Maikling kong sagot sabay hablot sa kan'ya ng ballpen at ng papel.

Habang binabasa ko ang content at sinisiguradong hindi kontrata ang pipirmahan ko, naririnig ko ang ilang bulong sa paligid at may ilan-ilang din ang sumisinghap.

Nagkaroon ng ingay ang papel at ballpen na nagkiskisan bago ko inilahad pabalik sa kan'ya.

"Thanks for the shoot today pero I didn't found comfortability with the clothes I wear kanina." Punong-puno ng kasersoyohan ang boses ko.

"And let my manager handle this things. Kailangan ko nang mauna."

Kinuha ko ang maliit na bag na nakapatong sa maliit na mesa at dire-direstong lumabas ng tent para iwanan sila.

Tumungo ako sa van ko at sumampa rito. Lahat ng gamit ko ay narito na kaya wala na akong aalalahanin.

"Uwi na po tayo, Sir?" tanong sa akin ni Kuya Gwuri, driver ko.

Subside Everything (SB19)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن