GITZ, BREAK! #19

12 1 0
                                    

I'm the most charismatic member of SB19, my name is Josh.

---

Huling linggo ng Agosto. Halos tatlong buwan na noong magsama-sama kaming lima rito sa iisang bahay. Si Stell, hindi ko na nakikitang nakabusangot. Hindi ko na rin napapansin ang takaw na tingin n'ya sa mga alak. Natutuwa ako kapag iniisip kong lagi n'yang nakakasama si Sejun. Palaging nakangiti, parang nakikiliti. Tumatawa at hindi na ngumangawa. Si Ken, lagi kasama na ni Justin sa bawat shoots, events, bookings at sa lahat.

Lagi nilang binabanggit sa akin ang pagkukulong ko sa kwarto at buong araw na naglalaro. Totoo naman kaya hindi ako nakaangal, dinidistract ko ang sarili para hindi magselos sa kanilang apat.

Noong isang linggo, hindi pa nakakauwi sina Ken, nakatanggap ako ng e-mail. Galing sa mga sponsor sa sinalihan naming contest nitong June. Nag-offer sila ng training para sa aming grupo. Korea. Sa Korea ang lugar na 'yun. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagbabasa, ilang beses na akong napailing. Ayokong pumayag.

March to April ang binigay na buwan para makapag-isip. Kung titignan, opportunity ito pero nangunguna na ang isip ko na hindi ako sasali. Hindi ako sasama. Hindi ko kayang iwanan ang tao rito.

Dahil kaya kong itong ipagpalit, makasama lang sila.

Ang pagsasayaw ko ang kinahiligan ko hanggang sa namulat ako sa mundo. Minsan, naaaya ko silang sabayan akong sumayaw bilang ehersisyo.

Ipinagsawalang bahala ko na ang e-mail na 'yun. Babalikan ko na lang kapag nagbago ang isip ko....kung magbabago man.

Nasa harapan na naman ako ngayon ng computer nang marinig ko ang katok sa pintuan. Hindi pa man nahuhubad and headphones, biglang pumasok si Ken at naupo sa stool sa tabi ko.

"Bakit?" tanong ko. Nasa computer pa rin ang tingin ko.

"Hotel tayo mamaya, maghanda ka na," maikling sagot n'ya at tumayo na.

Nanlaki ang mata ko na biglang naningkit din. Nagtatanong kung bakit n'ya sinabi 'yun.

"Hoy, Ken!" Hinubad ko ang headphones at iniwan ang computer para mahabol s'ya. Lumabas ako ng kwarto at napansin si Justin na nasa hagdan, nakasandal at nakatitig sa kwarto namin.

"B-bakit?"

"Narinig mo ba sinabi ni Ken? Sundin mo na. Maiiwan ka," sagot n'ya sa akin. Hinila n'ya ang maleta at pumasok sa kwarto. Nahagip ng mga mata ko si Ken na papasok sa sariling kwarto.

"Ken! Ken!" Habol ko sa kan'ya. Nanatiling bukas ang pinto n'ya kaya napasilip na lang ako.

"Bakit tayo pupuntang hotel? Mamaya na talaga?"

Bigla ko namang narinig ang yabag mula sa likod. Si Sejun, tuwang-tuwa habang hinahagis sa ere ang duffel bag.

"We are going to a hotel! Staycation, sa wakas!"

Hindi n'ya ako nakita dahil dire-diretso s'yang pumasok sa kwarto nila ni Stell.

"May nagbigay ng reservation. Staycation. Kayo ang naisip kong isama. Mamaya na ang alis, bilisan mo na."

"TALAGA?!" Napataas na ang tono boses ko.

Naglabas na s'ya ng dalawang maleta at pinadausdos papunta sa akin ang isang kulay puti.

"Ilang araw tayo roon?"

"Isang linggo?"

"Talaga?!" Ulit ko sa nauna kong reaction.

"Kulit mo, Josh Cullen. Bilisan mo na!"

Halos mapunit ang mukha ko sa lapad ng ngiti ko. Sa wakas! Hotel naman kami ngayon! Sana malayo at payapa! Gustong-gusto namin ito nina Stell at Sejun. Tatalon-talon akong bumalik sa kwarto. Maski si Justin, nakangiti rin habang naglalabas ng damit.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now