GITZ, BREAK! #14

35 1 0
                                    

My name is Justin.

---

"Sige na, please, please, please!"

Ilang beses na akong nakikiusap dito kay Stell habang kinakain namin ang bake nila ni Sejun.

Tatawa-tawa lang si Josh habang si Sejun ay hindi na ako mapigilan. Alam naman n'ya kung paano ako patay na patay sa mga pusa!

"Sa isang kondisyon." Ngumunguyang sabi n'ya pa.

"Ano?" Nae-excite na tanong ko.

Hindi na ako makaupo dahil handang-handa na akong tumalon sa tuwa.

Hindi kasi ako makapag-alaga ng pusa sa bahay dahil isusumbat naman nila sa akin ay kaadikan ko sa PC. Ikaw ba naman papiliin, PC o pusa, s'yempre hindi ako nakapili agad-agad.

"Kapag nagdumi, ikaw maglilinis. Ang pagkain, ikaw ang hati. Responsibilidad mo 'yun kaya ikaw na bahala..."

"Pumapayag ka na?!" Napataas pa ang boses ko.

"Oo nga--uhkk!"

Walang pigil 'kong niyakap mula sa likod si Stell at niyugyog-yugyog pa s'ya.

Sa wakas!!!

"JUSTIN! NASASAKAL SI STELL, ANO BA?!"

Natigilan ako sa biglaang sigaw ni Sejun! Pilit n'ya pang inalis ang braso ko sa leeg nito habang nagaalalang tinignan si Stell.

"Ay, sorry! Sorry! Natuwa lang! Magaalaga na ako ng pusa!--"

Nilingon ko si Josh na nakasilip sa pinto papuntang kusina.

"---sabi sa'yo, Josh, eh! Papayag si Stell!" Natatawang sabi ko pa habang nagtatatalon-talon.

"Oo na!" Binigyan n'ya ang ng make face bago ngumuso.

"Hala? Bakit?" Nagbago ang tono ng boses ko.

"Ano? Gusto mo rin ng pusa?" tanong ni Stell na nanunuya.

"P-pusa?! Ano, hindi, ah!"

"Bakit gan'yan ang itsura mo? Nagpapaawa ka, eh!"

Nag-slice ako ng maliit sa banana cake mula sa platito ni Sejun.

"Bakit s'ya isang hiling lang, oo na agad?" mahinang sabi ni Josh.

"Pft! Hahahaha!" Malakas na tumawa si Stell at nabitawan pa ang tinidor sabay haplos sa tiyan.

Anong nakakatawa?!

"Nagseselos ka, ano?" Hindi pa rin humuhupa ang tawa n'ya.

"Oo," walang pakialam na sagot ng kausap.

"Edi, sige! Bumili ka! Hahahaha!"

"TALAGA!" Padabog n'yang ibinagsak ang tinidor at tumayo. Binelatan pa n'ya si Stell na natigil at nagulat sa ginawa ni Josh.

"An--- Josh! Hoy!"

Sinundan n'ya ito paakyat. Naiwan naman kami ni Sejun dito sa hapag. Nakaapron pa s'ya!

"Masarap," puna ko sa cake na ginawa nila.

"Oo nga, eh! First try pa lang 'yan ni Stell, perfect n'ya kaagad..."

"Ano-ano ba mga itinulong mo rito?" tanong ko. Nauubos na ang nasa platito n'ya. Kukuha na sana ako sa tin box nang tapikin n'ya ang kamay ko.

"Bakit?! Kaunti pa nga lang nakakain ko, eh!"

"Kay Ken 'yan. Mauubusan na s'ya."

"Eh?"

"Oo nga!"

Subside Everything (SB19)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon