GITZ, BREAK! #9

42 1 0
                                    

I'm the heavenly voice of SB19, I'm Stell.

--

Shoot!

Iba rin 'tong si John Paulo. Bakit gano'n s'ya makatitig? Bakit gano'n ang ginawa n'ya? Bakit hindi s'ya nagsalita?

"I'll use my card. It's not me."

Nabalik lang ako sa wisyo nang magsalita s'ya.  Nasa ere ang card na hawak n'ya at nakangisi na parang aso. Pinagti-tripan n'ya ba ako.

"Baba ka na lang kapag natapos ka na," bulong ko habang tumatayo. Nailang ako bigla. Naguunahan ang tibok ng puso ko simula pa no'ng manlaki ang mata n'ya dahil ang damit namin at parehas na parehas sa kulay. Inverted nga lang.

"Hindi pa rin tapos si Sejun?" Si Justin. Nakaupo silang dalawa sa sofa. Natanaw ko naman si Ken sa labas at may kausap sa cellphone.

"Oo, eh." Nag-iwas ako ng tingin.

"Gano'n talaga 'yun. Mabagal kumilos, hehe."

"Para bang babae?" Biro ni Josh na ikinatawa namin. Naupo na ako sa tapat nila at nilagay ang siko sa tuhod.

"'Di minamadali ang art. Masterpiece 'ata," gatong ko.

Pumasok si Ken suot ang pang-karaniwang button down polo shirt at maong pants. Nakababa ang mask n'ya at naka-sombrero rin. Nasa van siguro ang shades n'ya.

"Dre," tawag ni Josh dito.

"Oh?" Hindi n'ya ito nilingon.

Nag-impit muna s'ya ng tawa.

"Takot ka ba sa mga tao?"

"Ano?!" Binaba na nito ang cellphone at nilingon si Josh. Nagpipigil ng tawa ang kausap.

"Kasi naman. Ba't gan'yan? Black lahat? Black cap? Black mask? Tapos shades?!"

"Uy!" Siniko ni Justin si Josh, "Ano ka ba? Model 'yan! Baka pagkaguluhan tayo."

Mas lalong lumakas ang tawa ni Josh.

"Alam ko 'yon s'yempre! Ang OA lang talaga nitong si Ken!"

Kita ko ang pag-irap ng mga mata ni Ken at humarap ulit sa cellphone.

"Whatever." Watibir. Watibir. (Ken, June 12, 2020)

Napunta naman ang ulo ni Josh sa aming dalawa ni Justin.

"Oh? Matchy-matchy kayo, ah? Pinagusapan n'yo ba 'yan?"

"Hindi, ah!" Sabay na sagot namin ni Justin.

"Nagkataon lang. Ang malupit ay parehas sila ni Sejun ng kulay!" dugtong ni Justin.

Speaking of Sejun. Narinig ko ang yabag mula sa hagdan. Ipinihit ko ang katawan ko patalikod at nakita ko s'yang naghahawi pa rin ng buhok. Ang cardigan n'ya ay nasa braso na.

"Wow, yellow!" kantyaw ni Josh.

Sinundan ng mga mata ko ang pagbaba ni Sejun papunta sa tabi ni Ken. Parang walang nangyari sa taas kung makangiti sa harap ko, ah?

"Tara na!" Nauna nang tumayo si Josh.

Bago ko pa makalimutan, pumunta akong kusina para masiguradong naka-lock na ang backdoor, patay ang mga ilaw at kung naka-off ang stove. Sinarado na 'ata lahat ni Ken. Nilibot ko rin ang taas kanina at nakasarado na lahat.

Bumalik ako sa sala, wala na sila. Nasa labas at tinatawag ako.

"Wait!"

Sumulyap muna ako saglit sa salamin at tuluyan nang lumabas. Ni-lock ko ang pinto pati ang gate sa terrace. Binulsa ko naman ang susi.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now