GITZ, BREAK! #25

9 1 0
                                    

Hi, I'm the most charismatic member of SB19, my name is Josh.

----

"Josh Cullen!!!"

Hindi ko na mapigilan ang tawa ko habang pababa ng hagdan. Agad namang natigil dahil nakita kong nakapikit si Baby Ara at nakahiga na sa pinagdugtong na single sofa.

"Bakit hindi n'yo na lang iakyat si baby? Para naman komportable," sabi ko.

"Aayusin ko muna 'yung k'warto at lilinisin. Para ilalagay na lang mamaya 'yung crib," sagot sa akin ni Stell. Nilingon n'ya si Sejun na ngayo'y nakatulala ulit. Seryoso, ano bang nangyayari sa kan'ya?

"Jah, Josh! Tara na!" sigaw ni Ken na nakasilip sa pintuan. Sabay naming nilingon si Justin na pababa. Kinakabahan pa rin s'ya, napangisi ako. Pinanlisikan n'ya ako ng mata bago pingutin ang tainga ko.

"Masakit!" angal ko.

"Mas masakit pa d'yan ang gagawin ko kapag inunahan mo ako!" Naninilisik na banta n'ya.

Lumawak lalo ang ngiti ko. "May balak ka nga..."

Hindi ko na hinintay ang sagot n'ya dahil nauna kong buksan ang pinto ng shotgun seat at doon naupo. Magkatabi sila sa likod buong byahe.

"M-may listahan ka ba ng bibilhin?" Nauutal na tanong ni Justin. Napa-impit ako ng tawa at hindi maiwasang mapalingon.

Nasa cellphone ulit ang tingin ni Ken habang si Justin ay inaayos ang mga nakakalat na damit at gamit sa paligid nila.

"Ikaw, Josh? Wala ka bang sched ngayon?" tanong n'ya sa akin, napansin n'ya akong nakalingon sa kanila.

Nagtaas baba lang ang kilay ko dahilan para sumama ang tingin n'ya sa akin. Mga ganitong byahe, mabilis nakakatulog si Justin pero mukhang matibay ang talukap n'ya ngayon, binabantayan n'ya baka may masabi pa ako.

Bumalik na ako sa maayos na upo. Nilabas ko ang cellphone ko at nag-open ng Twitter. Napunta kaagad ang DM box ko sa kan'ya.

@jashkalen: tatanungin mo sya o ako na magtatanong?

Narinig ko ang pagtunog ng notifications s'ya at napatigil sa ginagawa. Ilang segundo pa, nag-vibrate ang cellphone ko.

@jahsten: ikaw ba ang may gusto?

"Sungit," mariing bulong ko.

@jahsten: narinig ko yun!

Napangisi ako.

@jashkalen: eh ito...

"Felip Suson," bulong kong muli.

"What?"

Natawa ako nang biglang sumagot si Ken! Nasundan naman ito ng pagsinghap ni Justin.

@jahsten: nangiistorbo ka

@jashkalen: walang busy busy sa kaibigan. well except kung....

@jahsten: kung???

@jashkalen: wala hehe

Narinig ko ulit ang singhap n'ya sa kaliwang tainga ko.

@jahsten: bwisit ka!!! sasakalin talaga kita kapag nakababa tayo

@jashkalen: kung bababa ako ;)

Hindi na ako nakatanggap ng reply. Sinulyapan ko s'ya, nakatingin s'ya sa labas at nakahilig ang ulo sa bintana.

Napunta naman ang DM box ko kay Ken.

@jashkalen: pst, tampo ata si jah. tignan mo

Malakas na tumunog ang notifications ni Ken sa likod ko. Sobrang tahimik ng sasakyan, nag-iingay lang talaga ang mga cellphone naming panay ang tunog.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now