GITZ, BREAK! #11

21 1 0
                                    

SB19 × A'Tin, forever na 'yan!

--

Isang panibagong umaga na naman ang sumalubong sa limang lalaki mula sa kani-kanilang mga kwarto. Tanghali na nagising si Josh kaya gano'n na rin ang pagmamadali n'ya sa pagbangon para magluto.

Nang makababa, nakita n'ya ang patong-patong na grocery box sa sala, dining table at sa kusina.

"Nakng...Nasaan nakalagay ang pang-agahan nito?"

Napakamot s'ya sa ulo at naiiling na lang na pumunta sa island counter at binuksan ang coffee maker.

"Good morning." Napalingon s'ya kaagad sa tinig na mula sa hagdan ni Stell. Nanghihina ang boses nito at mukhang mamalatin pa.

"Morning! Sakto, tulungan mo 'kong iayos 'yan, ha?" Ininguso n'ya ang mga box sa table. Tango lang ang naibigay ni Stell at dumiretso na sa CR.

Naglabas naman si Josh ng limang tasa mula sa cabinet sa ibaba. Mabuti na lang at malinis ang mga ito.

Habang iniintay na magawa ang kape, tinungo n'ya ang sala. Binuhat n'ya ang mga boxes na binili kagabi sa mall.

Napangiti s'ya nang maalala n'ya ang mga nangyari kagabi. Simula sa pamimili ng damit, pagmemeryenda, pag-gogrocery, ang karaoke session ni Stell at ang hapunan nilang napuno ng tawanan.

"Sa akin 'yang mga iyan. 'Yung binili mo, nasa kitchen na."

"Sino ba ang nag-ayos?"

"'Yung driver ni Ken. Si Kuya Gwuri."

Naglakad na si Josh pabalik sa kitchen, palapit sa mga tinutukoy na box ni Stell.

Inabot n'ya ang gunting at binuksan ang unang kahon. Nangiti s'ya nang makita ang mga pang-ulam.

"Ako na magluluto?" tanong sa kan'ya ni Stell.

Nailing s'ya. "Hindi na. Ayusin mo na lang 'yung mga pinamili."

Sinunod naman s'ya ni Stell. Inuna n'ya ang mga nakalagay sa dining table. Mga binili no'ng natirang tatlo. Puro sitsirya, naglalakihang nachos bag at mga mani. Mga kutkutin kapag nagbo-bored.

"Kapag natapos ko na 'to, akyatin mo sila ulit para makakain na," utos sa kan'ya ni Josh na nagsasalin na ng kape sa mga tasa.

Nanlaki ang mata n'ya dahil limang tasa ang nakaibabaw dito.

"Bakit mo sinalin agad?!"

"OA! Dalawa lang lalagyan ko." Natatawang sagot sa kan'ya nito.

Hindi na lang n'ya ito pinansin. Hinakot na lang ang mga sitsirya at binuksan ang malaking mega box sa ilalim ng island counter.

Naroon pa rin si Josh na inaayos din ang mga ulam.

"Binili lahat 'yan nina Sejun?!"

"Oo."

"Lifetime supply 'ata ang gusto."

Tumawa si Stell sa tono ng pananalita ni Josh. Pumasok na s'ya sa kitchen para magsimulang magluto.

Tinapos naman n'ya ang paglalagay ng mga pinamili sa mega box.

Sumimsim s'ya ng kape bago pumunta sa sala.

Kitang-kita sa mga mata nito ang kasiyahan at ang malapad na ngiti nito. Isa ang pagba-bake sa mga nakahiligan n'ya noong high school pa lamang s'ya at itinuturing itong hobby.

Pang-katuwaan lang. Kapag gutom, s'ya na rin ang nagbabake ng kan'yang meryenda. Basta sinisigurado lang n'ya na s'ya lang ang kakain nito.

Sa kabilang banda, si Justin ay kagigising lang at nagiingit-ingit pa. Si Sejun ay mulat na ang mga mata at nakatitig sa kisame.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now