GITZ, BREAK! #30

27 1 0
                                    

I'm the heavenly voice of SB19, my name is Stell.

---

"Sementeryo?! Bakit ka pupunta ro'n?"

Sabay-sabay kaming napaatras sa pamilyar na ngiti ni Justin sa harapan namin. Nagtataka ako dahil sa akin pa rin s'ya nakatingin, hindi ba n'ya nakikilala ang mga kasama ko?

Itinaas n'ya ang kamay bilang senyas na mag-intay kami. "Teka, 'yung order ko." At tumalikod.

Natawa ako nang sabay-sabay kaming napaupo at nagkatinginan pa. Doon ko pa lang napansin na nakabalik na ang mask nilang dalawa at naka-cap pa. Tapos na pala kaming kumain.

"Alam n'yo, tanggalin n'yo kaya 'yang mga mask n'yo para makilala kayo ni Jah! Mukha kayong mga spy!" Natatawang sabi ko.

Sabay silang nagtanggal ng mask at sumbrero. Napatingin agad ako sa paligid, buti naman ay walang nakakapansin. Kasama ko ang dalawang supermodel, ano!

Nagkatinginan kami ni Ken. Napataas ang kilay ko. "Anong balak mo?"

"Bakit? Sasama ka sa sementeryo? Malayo ro'n  dito 'di ba?" tanong ni Josh.

Nakunot ang noo ko at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Nagpapalitan ng taas ng kilay. Hanggang sa tumayo silang dalawa. Pambihira! Magkaibigan talaga 'tong mga ito.

"Tara, Stell. Sama tayo kay Justin..." Inilapit ni Josh ang ulo n'ya sa tainga ko at bumulong. "Para makapag-usap silang dalawa." Sabay ngising nakakapang-asar.

Tumawag ako ng tauhan para ligpitin ang pinagkainan namin at nagpaalam dahil aalis ako. Sila muna ang magbabantay nito habang wala ako.

Tinungo nilang dalawa ng p'westo ni Justin at hinawakan ang kaliwang kamay para kunin ang bulaklak. Nagulat pa ito dahil si Josh ang gumalaw sa kan'ya. Hindi naman naiwasan ng mga mata n'ya ang salubungin ang titig ni Ken. Natahimik s'ya.

"Tara, Stell."

Naalala ko bigla ang bahay.

"T-teka!" Pigil ko sa kanila.

Sabay-sabay silang lumingon sa akin. "Hindi n'yo ba titignan ang bahay?" tanong ko.

Agad na umiling si Justin. "Mamaya na lang, pagkabalik."

Habang iniintay dumating ang binook na kotse ni Ken, naririnig ko ang kwentuhan ng dalawa sa likod. Kumustahan din at palatanong naman si Justin tungkol sa Korea. Kinantyawan naman n'ya ito dahil wala s'yang dalang pasalubong.

"May dala ako, noh! May excited lang talaga d'yan at atat na atat umalis. Nalimutang magdala. Nando'n pa naman 'yung mga pagkain!" Pagpaparinig ni Josh.

Natawa naman ako sa pagkamot ng ulo ni Ken. Saktong may pumaradang sasakyan sa harapan namin. Paano nalaman ni Ken ang location ng sinasabing sementeryo ni Justin?

Naupo s'ya sa shotgun seat. Ginitna naming dalawa ni Josh si Justin. Napanganga na lang ako nang sabihin ng driver na halos isang oras lang byahe. May malapit pa lang sementeryo rito.

"Paano ka naman naging 'regular costumer' ni Stell, Justin?" Pagsisimula ni Josh. Kagaya pa rin noon.

"Tuwing linggo, pagkatapos ng misa, sa bakeshop sila pumupunta para makabili ng meryenda. Ang bakeshop ko lang kasi ang pinakamalapit sa simbahan na p'wedeng dine in," ako na ang sumagot.

"Pero tago ang bahay 'di ba?"

"Oo nga, eh." Nagkibit balikat ako. "Hindi ko rin alam. Simula noong nagbukas 'yun, dagsa na talaga ang tao."

"Aba, malamang! Masarap kaya ang cakes mo!" puri n'ya.

Kaming dalawa lang ang nag-uusap. Napanguso ako.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now