GITZ, BREAK! #26

20 1 0
                                    

I'm SB19's maknae, my name is Justin.

---

"Jah... si Aracelli, umiiyak."

Kasabay ng pag-ungol ko ang malakas na palahaw ni Aracelli sa kabilang kwarto. Nagkusot-kusot ako ng mata at ginalaw pa ang binti ni Josh dahil nakadagan sa akin. Kalagitnaan na ng madaling araw at hindi pa rin natitigil ang iyak ni baby.

Nakabukas ang pinto namin kaya rinig na rinig ang ingay. Tumayo ako at pikit matang naglakad papunta sa kwarto nina Stell.

"Shh, baby. Tahan na..." rinig kong sabi ni Stell.

Sa aming lahat si Stell ang may pinakamahirap na pag-aalaga kay Ara, s'ya kasi ang magpapatulog dito kasi sa kan'ya naman nakakatulog ang bata.

Kung kay Sejun naman, sa kan'ya s'ya tuwang-tuwa at nakikipaglaro. Si Ken at Josh ang nagpapalit ng diaper n'ya sa araw at ako lang mag-isa kapag gabi hanggang sa madaling araw. Ang mga gatas at bote, nagsasalitan na lang din kami kasama ang pags-sterilize.

"Papalitan ko ba ng diaper?" tanong ko kay Stell. Patuloy pa rin n'yang inaalo si Ara. Pumunta ako sa cabinet at kumuha ng diaper. Nakalatag na ang changing mat at nasa tabi lang wipes.

"Siguro nga. Teka, saglit."

Tumigil s'ya bigla sa iyak nang mailapag s'ya at matanggal ang sticker ng diaper. Maingat kaming kumilos, buti na lang at malalim ang tulog ni Sejun.

"Sino ang gumising sa'yo?"

"Si Josh, kinalabit ako."

Mabilis kong pinunasan ang puwitan ni Aracelli at naglagay pa ng petroluem jelly bago isuot ang diaper nang maging komportable, ibinalik namin ang pajama n'ya. Binuhat s'ya ni Stell at sandaling isinayaw, hanggang sa nakatulog s'ya at binalik na sa crib.

Nawala bigla ang antok ko nang titigan ko ang mala-anghel n'yang mukha. Nahagip ng mata ko na nakatingin sa akin si Stell.

"Baba tayo?" Aya n'ya.

Tumango na lang ako at naunang maglakad pababa. Binuksan ko ang maliit na ilaw sa counter. Naglabas ako ng tinapay mula sa malaking megabox.

"Hindi ka ba napapagod?" sabay na tanong namin sa isa't isa. Mahina kaming natawa.

Sinagot ko ang tanong n'ya, "Hindi ako nakakaramdam ng pangmatagalan na pagod."

"Hindi ko nga alam kung anong mararamdaman ko, eh," sagot n'ya.

"Bakit?"

"Noong dumating kayo rito, nalungkot ako bigla. Hindi ko alam kung anong dahilan. Lagi ko kasing iniisip noon na kapag may dumating na tao sa buhay mo, may ginawa kang pupunan nila ng buo. Para bang, nand'yan lang kayo para ayusin ako, tanggalin mga problema ko at mga bagay na hindi ko magawa..."

"Habang tumatagal, napapansin ko sa sarili ko na nagbabago nga ako. Hindi na ako umiinom kagaya noon na halos araw-araw akong may hawak na beer. Ang sakit sa atay at sa bulsa," dugtong n'ya pa.

Kumagat kami sa tig-isang tinapay na may palamang cheese spread. Naupo ako sa tabi n'ya at nanatiling nakikinig.

"Naiinggit ako kapag nakikita ko kayong natutulog, nakikita ko kayong nagpapahinga kasi nga sa akin nakakatulog si Eyti, pero nababawi kaagad 'yun kapag naririnig ko s'yang tumatawa at humahagikhik kasama si Sejun."

Eyti? Ahh, Aracelli Taryn. AT.

Bigla s'yang ngumiti, 'yung ngiting malalim 'yung kahulugan. Kitang-kita ko sa mga mata n'ya. Masaya s'ya pero may kasamang...lungkot.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now