GITZ, BREAK! #20

24 1 0
                                    

AN: You can play Tilaluha (Instrumental) from Get In The Zone album...and stream.

Hi, I'm the heavenly voice of SB19. I'm Stell.

---

Nagising akong wala na sa tabi ko si Sejun.

Panglimang araw na namin dito sa hotel. Hindi pa naman kami nabo-bored dahil maraming p'wedeng gawin dito sa kwarto hanggang sa labas.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Nasanay akong nagigising igkis-igkis n'ya ang braso ko. Nauna s'yang nagising at bumangon, hindi man n'ya ako maantay.

Dismayado, nakabusangot akong tumayo at pumuntang banyo. Wala rin s'ya at sarado pa ang kwarto ng tatlo. Nasaan 'yun?

Hindi ko na ginising pa ang iba dahil nakaramdam na ako ng gutom. Bumaba ako at umaasang ando'n s'ya sa buffet room...pero wala. Pumunta rin akong swimming pool sa may rooftop, wala pa rin. Hanggang sa naikot ko na ang buong hotel, wala s'ya.

Hindi naman p'wedeng isa-isahin ko ang mga banyo. Tch.

Malaki na si Sejun pero bakit ganito ako magaalala. Kahapon, naglaro lang kami sa PS4 na bagong bili para hindi mag-amok si Josh tapos ngayon biglang nawala?

Speaking of Josh. Nang makabalik ako sa kwarto, mukhang kagagaling nila sa buffet. Napansin n'ya ang salubong kong kilay.

"Oh, Stell? Bakit? Kasabay mo ba si Sej? Kumain na kami, eh."

"Hindi ko s'ya nakasabay."

"Nasa'n s'ya?"

"Hindi ko alam."

"Hayaan n'yo lang 'yun. Nagpapahangin lang," sabat ni Justin.

Napangiwi ako. Kabisado n'ya talaga si Sejun dahil nga mas matagal na silang magkakilala. Samantalang ako na ilang buwan pa lang s'yang kasama, grabe na magkandaugaga kahahanap sa kan'ya.

"Ba't gan'yan mukha mo?" tanong ulit ni Josh.

Saka ako napangiti, isang pilit na ngiti.

"Sorry."

At tinigilan na n'ya ako. Hindi na nagtanong pa ulit. Hindi na rin ako pinansin dahil nagsimula na silang maglaro. Umalis ako sa kwarto at nagkulong sa amin.

Tch. Kung magpapakita man si Sejun ngayon, kailangan n'ya magpaliwanag. Nakakapagod mag-ikot sa buong hotel kahahanap sa kan'ya na hindi man lang nagtatanong sa ibang tao.

"Stell?" Narinig ko ang boses ni Justin mula sa labas.

"Pasok..."

Dahan-dahan pa n'yang binuksan ang pinto at marahan ding isinara. Naabutan n'ya akong nakahilata sa kamang higaan ni Sejun. Umupo s'ya sa tabi ko.

"May k'wento ako." Nangingiting sabi n'ya.

Hindi ko s'ya sinagot para magbigay ng daan para magpatuloy.

"Naalala mo kung paano napunta sa bahay natin si Sejun? Umaga 'di ba? Sinabi rin n'ya ang totoong naglayas s'ya sa bahay nila, naglakad-lakad, nagtingin-tingin. Pero alam kong hindi s'ya masaya noong gabing 'yun..."

Nanliit na mata ko s'yang tinignan, nagtataka kung bakit n'ya sinasabi ito.

"Labing-dalawang oras nang walang chat sa akin si Sejun at ang bilin n'ya sa akin na s'ya lagi ang unang magchachat dahil kapag nauna ako, baka naiistorbo ko s'ya sa trabaho."

Napabuntong hininga ako, napangiti naman s'ya.

"Nagalala ako ng sobra hanggang umabot sa puntong nakatulog na ako sa sasakyan kaiintay sa kan'ya." Mahina s'yang natawa at bakas sa mukha n'ya ang pagalala sa nangyari.

Subside Everything (SB19)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon