GITZ, BREAK! #7

31 1 0
                                    

I'm SB19's bunso, my name is Justin.

--

Ganito pala ang feeling kapag gumising ka mula sa ibang kwarto o 'di pamilyar sa akin. Seryoso ba talaga 'to? I spent my whole night sa ibang bahay? 'Di bale na, para naman kay Sejun.

Speaking of Sejun, mukhang nasa dreamland pa s'ya dahil naririnig ko pa rin ang hilik n'ya at hindi ko s'ya maistorbo kahit na ilang galaw na ang nagawa ko. Nagbalik-baliktad na ako sa higaan, hindi pa rin s'ya nagigising.

Bakit nga ba nandito pa rin ako ngayon sa higaan? P'wede namang bumangon 'di ba? Naisip ko na 'yan kaso...

'Eto na naman ako sa 'kaso'

Hindi ko 'to bahay para kumilos ng maluwag. Nakitulog lang ako at medyo mahihiya pa ako kay Kuya Stell. Baka kasi ako ang unang bumaba tapos wala pang pagkain. Hindi pa ako marunong kumilos sa kusina. Wait, hindi talaga. Hindi ako marunong kumilos sa kusina.

"Sejun..." Tinapik ko ang likod nito pampagising.

"Hmm?" sagot n'ya pero punong-puno pa rin ng katamaran.

"Sejun, gising na.." Inuga-uga ko ang katawan n'ya para magising. Gumagalaw na ang kama sa lakas ng yugyog ko.

"5 minutes, Jah..5 min---zzzz!"

Bumagsak muli ang balikat ko nang marinig ko ang hilik n'ya. Bababa na ba akong mag-isa? Napahilamos ako ng mukha.

Hinahanap ng mata ko ang relo sa dingding, kaso wala. Inabot ko na lang ang cellphone ko na nakapatong sa side table para tignan ang oras.

8:38 AM

Napangiti ako dahil nabilang kaagad ng utak ko kung ilang oras akong nakatulog. Mahigit walong oras din. Kaya pala ang sigla-sigla ko.

Napahilamos ako sa mukha at tumayo na lang. Basag trip 'tong si Sejun. Ayaw magising, ayaw akong samahan.

Pero 'eto ako ngayon, inaayos ang buhok at tinatanggal ang muta para presentableng makababa sa kung sino mang tao sa baba.

"Sejun, bababa na ako, ah? Sunod ka na lang kapag nagising ka na."

Bago ko marating ang pintuan, hinampas ko ng malakas ang binti n'ya para magising lalo. Napahagikhik ako nang mamilipit s'ya sa sakit.

Kumaripas na ako palabas para hindi na ako mahabol. Pumirme naman ako kaagad nang biglang bumukas ang pintuan sa tapat ko.

"K-ken," utal kong sabi.

Ang gulo ng buhok n'ya at nagkakamot pa ng mga mata. Naka-brown shorts s'ya at nakasandong black na hindi masyadong fitted sa kan'ya. Sorry, pero mukha s'yang manok sa kulay na suot n'ya.

"Good morning!" Nakangiting bati ko taliwas sa iniisip.

"Hmm, morning," mahinang tugon n'ya at napatango na lang. Hindi ba napapagod ang ulo n'ya katatango?

Nauna na akong bumaba sa kan'ya. Nasa huling baitang na ako nang makita ko si Stell sa mesa habang hawak ang tinidor na may tusok na pancake.

"Good morning."  Malayo pa lang ay bumati na ako. Nakarating na ako sa cabinet na tabi ng CR bago s'ya makasagot.

"Good morning din. Si Sejun? Gising na ba?" tanong n'ya.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam kung nakabangon na pero nagising ko na bago ako bumaba."

At pumasok na ako sa CR. Inunahan ko na si Ken kasi umupo s'ya kaagad sa tabi ni Stell. Wala pang mumog-mumog 'yun.

Nagsipilyo na ako at naghilamos. Pinagmasdan ko rin ang kabuuan ng CR nila.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now