GITZ, BREAK! #16

24 1 0
                                    

I'm the pureboy hardworking maknae, my name is Justin.

---

Kaninang umaga, halos hindi ako mapakali sa ginagawa ko dahil lahat ng nasa paligid ko, nagkakadauga-ugaga. Isabay mo pa itong si Ken na nakakainis, sobra! Kahit wala s'yang kibo sa lahat, mararamdaman mong iniinis ka n'ya.

Pero ang hindi ko inaasahan ang pagiging bulong-bulungan ng pangalan naming dalawa kapag lumalapit ako sa kan'ya. Hindi ko na pinakinggan pero ayaw maalis sa isip ko, eh. Nasa utak ko na talaga ang boses ng ibang tao na binabanggit ng pangalan ko.

At nabura lahat nang 'yun sa matamis na ngiti ni Ken sabay bati sa akin nang mag-tanghalian. Naging magic na lang lahat ng stress at inis dahil sa ngiti n'ya. Isang buwan ko pa lang s'yang nakakasama at makakabisado ko na ang body language n'ya.

Idagdag mo pa ang suprise ng tatlo na ang may pakana pala ay si Ken. Hindi ako makapagsalita ng maayos ngayon sa sobrang tuwa ng nararamdaman ko.

Alas-otso y media na kami natapos kumain at magkwentuhan. Umuwi na si Kuya matapos n'ya akong kausapin at kumustahin. Dala n'ya ang iba ko pang gamit. Si Kuya Gwuri naman ay pinauwi na ni Ken kaya kaming lima na lang ulit kami rito sa bahay. Sa sala kami nagtipon-tipon para ituloy ang celebration.

Nakapalibot kami sa center table at nakaupo kami sa lapag. Katabi ko si Sejun na sinundan ni Stell, Josh at Ken. Ang mahinang tugtog lang na nagmumula sa speaker ang iba oang ingay.

"Kumusta naman ang shoot n'yo kanina?" tanong ni Stell.

Si Ken ang tinatanong n'ya kaya hindi na ako nagsalita.

"Okay naman, gano'n pa rin. Wala na rin akong nararamdamang issue."

Eh? Anong wala?

Kumunot ang noo ko sa usal n'ya. Hindi ba n'ya naririnig?

"Anong wala? Meron kaya," tutol ko nang hindi s'ya tinitignan.

"Kung meron, bakit wala akong alam?" pagbabara n'ya.

"Hindi mo ba naririnig?"

"'Yung?"

"Bulungan ng tao," mahinang sagot ko.

"Hindi issue 'yun."

"Naririndi ako, eh!"

"Ano ba sinasabi nila?" sabat ni Josh.

Nagkibit balikat ako, "Ewan ko, hindi naman ako nakikinig."

"Tss. Pa'no mo nalaman na issue 'yun tungkol sa akin, eh, hindi ka naman pala nakikinig?"

Ayan na naman s'ya sa tono n'ya. Kanina pa 'yan!

"Ooohhh!" kantyaw nila. Parang sinasabi nilang barang-bara ako sa sagot ni Ken....totoo naman. Psh!

"Basta naririnig ko ang pangalan mo karugtong ng pangalan ko!" inis na sagot ko at natigilan sila. Maya-maya lang, sabay-sabay silang tumawa.

Natutuluyan na 'ata ang pagiging abnormal nila, ah?

Wala pa ngang nakakadalawa sa amin ng in-can beer. Nilabas ni Josh kanina lahat ng laman ng ref. Tig-tatlo kaming lahat. Nag-kwenta ako sa isip ng maaring gastos nila rito at alam kong mahal 'yun.

"Wala pang lasing n'yan, ha? Gan'yan na kayo makatawa?" sarkastikong sabi ko.

"Asar talo ka kasi! Hahaha!" Patuloy pa rin sa pagtawang sabi ni Josh.

Nang humupa ang tawanan nila, bigla akong nilingon ni Sejun.

"Okay na, tama na. Sorry na. Birthday na birthday, ginaganiyan n'yo si Justin," malambing na sabi n'ya.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now