GITZ, BREAK! #28

16 1 0
                                    

SB19 × A'TIN FOREVER

---

I'm the leader of SB19, my name is Sejun.

"Kuya?"

Bagsak ang balikat, may hawak na bata, buhat-buhat ang duffel bag, malungkot na sinalubong ni Sejun ang bahay n'ya. Bumungad sa kanyang kapatid at agad-agad na kinuha ang dalang gamit.

"Okay ka lang ba, Kuya? May nangyari ba?"

Nakatungo lang si Sejun at hindi sinasalubong ng tingin ang kapatid. Dahil sa oras na makita n'ya ito, bubuhos na naman ang kan'yang luha.

"Sino 'yang baby... s'ya ba 'yung anak mo, Kuya?" tanong ulit ng kapatid.

Tahimik na tahimik si Aracelli sa bisig ni Sejun, hindi gumagawa ng ingay. Marahil pagod o gutom. Hindi n'ya alam. Dalawang oras makalipas noong umalis s'ya sa bahay ni Stell.

Mapait s'yang napangiti at buong lakas na inangat ang ulo para tignan ang kapatid. Inilahad n'ya ang bisig para maibigay dito.

"Aracelli Taryn, that's her name..."

Kinuha ito ni Alex at mangilid-ngilid ang luha sa mata sa sobrang tuwa na nadarama.

'Andito na ang Tita, baby!' aniya sa isip.

Naistatwa si Sejun sa sunod na ginawa ng kapatid. Niyakap n'ya ito at doon bumuhos ang luha kahit na nasa gitna si Aracelli. Hindi na napigilan ni Sejun ang luha kaya't s'ya rin at nanginginig na ang balikat.

Naputol lang ito nang marinig nila ang pagtikhim ng tao sa isang gilid.

"S-Sejun?" Tila nagulat pang usal nito.

Nagpunas ng luha si Sejun bago pumunta sa kan'yang kuya at yumakap. Kagaya ng ginawa ni Alex, hinagod din nito ang likod tanda ng pagpaparamdam ng comfort.

Kinuha n'ya ang bata kay Alex at marahang sinusundot ang matabang pisngi.

"Ano pangalan n'ya?"

"Aracelli Taryn daw, Kuya. Tara! Pasok na muna tayo," sagot sa kan'ya ni Alex.

Sumunod sa likod si Sejun. Kinakain na s'ya ng kaba sa takot na baka nasa loob ang mga magulang n'ya. Natatakot pa rin s'yang pagbuhatan ng kamay noong naglayas s'ya dahil sa pagkakamaling nabuo si Aracelli.

Sumalubong sa kan'ya ang pamilyar na amoy at kulay pero kailanman walang hihigit sa bahay ni Stell na s'yang naging tirahan sa nakalipas na walong buwan.

Hindi binigo ng utak n'ya ang paulit-ulit na pagpasok ni Stell. Sinisisi n'ya ang sarili sa nangyari pero walang may alam na sa ganito hahantong ang pagkakaibigan nila. Tanging  magagawa lang n'ya ngayon ay mag-intay at kung may pagkakataon, itatama ang lahat at pagtatagpiin-tagpiin lahat ng nasira. Baka bukas, baka sa susunod na linggo, baka sa susunod na buwan, baka sa susunod na mga taon at kahit pa sa susunod na habang buhay.

"Sorry."

---

I'm the youngest member of SB19, my name is Justin.

"Aracelli Taryn daw, Kuya. Tara. Pasok muna tayo."

Tulad ng sinabi ni Justin, hindi n'ya iniwan si Sejun hanggang sa pagpasok ng bahay nila. Masakit man tignan na magiging malayo na sila sa isa't isa dala ng galit at hinanakit, alam n'yang balang araw matatapos din ito at babalik sila katulad ng dati. 'Yun ang pangako nila sa isa't isa. Walang iwanan, kahit anong mangyari.

Hila-hila ang dalawang maleta sa magkabilang kamay, sa ilalim ng tirik na araw, hindi na n'ya mapigilan ang pagluha sa ilalim ng shades na sinamahan ng facemask. Naglalakad hanggang sa makarating sa sakayan ng taxi at umuwi.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now