GITZ, BREAK! #27

24 1 0
                                    

warning: language

Hi, I'm the SB19's bunso, my name is Justin.

---

"Fuck..."

Wala sa sariling napatakbo na lang ako kahit nanginginig na ang kamay at balikat. Ngayon lang ako nasasaktan ng ganito. Pati ang loob ko, parang tinutusok. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

'Sapat na 'yun. Wala nang lalagpas.'

Anong ibig mong sabihin, Ken? Na wala na? Na hanggang doon na lang? Puro pakita na lang?

Dinala ako ng mga paa sa tapat ng bahay ni Stell. Napaluhod na lang ako nang 'di makayanan ang bigat hanggang sa bumigay na ang mga namumuong luha sa mata ko.

Gusto kong sumigaw! Ang sakit! Bakit gano'n na lang 'yung sakit na sinabi n'ya!?

Ako lang ba talaga umaasa sa bawat galaw n'ya tuwing magkasama kami? Hindi ko s'ya masisi dahil tama nga ako! Umaasa lang ako at hindi s'ya paasa. S-sana nga mas nauna kong pigilan kaysa itago, wala namang kasiguraduhan.

Pilit kong pinunasan 'yung mga umagos na luha sa pisngi ko gamit ang likod ng kamay bago ilagay sa tuhod para buong lakas na tumayo. Nagmamadali akong pumasok sa bahay at napaupo na lang sa tabi ng pintuan.

Pumaulit-ulit sa ulo ko lahat ng sinabi ni Ken. Mula sa unang pagkikita namin, hanggang sa kanina. Hindi pa rin tumitigil ang luha ko. Naramdaman ko ang pag-igkis ni Kira sa paanan ko.

Malungkot ka rin ba, Kira? Ako kasi nasasaktan, eh.

King ina! Kung p'wede ko lang ibalik lahat ng nangyayari, ginawa ko na. Balik sa simula. 'Yung walang ibang kahulugan lahat. Wala lahat. Plain at boring lang.

Kusang bumalik sa ulo ko lahat ng galit at kaba nang makarinig ako ng humahangos na tao mula sa labas. Si Ken.

"Jah?! Justin! Justin?! Jus---"

Tumigil s'ya nang maharangan ko ang daan. Napatitig s'ya sa akin at gulat na napatingin dahil basang-basa ang mukha ko. Napangisi ako.

"Ano masaya ka na? Masaya ka na kasi nakikita mo akong nasasaktan?"

Tumayo ako at inilayo si Kira sa aming dalawa at matalim s'yang tinignan.

"Bakit parang lahat na lang balewala lang sa'yo? Manhid ka ba talaga o nakasaksak na d'yan sa loob mo na nananakit ka ng tao?"

"Anong ibig mong sab---"

"Oo, Ken! Nakikita ko lahat ng articles natin! Lahat ng balita! Lahat ng pinag-uusapan sa social media! Lahat ng bagay! Lahat ng oras! Tayo isinisigaw no'n? Ikaw nakikita mo ba?!"

"Justin, 'wag kang sumigaw." Bakas sa mukha n'ya ang buong pagtataka. Napaismir ako at napaiwas ng tingin bago nagpunas ng luha.

"Anong gusto mo? Na nasa loob ko lang 'to? Na pilit ko lang tinatago? Na bawal kahit na sa'yo lang sabihin? Ha? Ken! Ano bang gagawin ko para hindi na ako masaktan?!" Mahabang sigaw ko sa kan'ya.

Napaatras pa s'ya sa sigaw ko hanggang sa nakitang kong lumapat na ang noo n'ya. Naglinga-linga s'ya sa paligid.

"Justin, si Ara? Nasaan?"

Nanlaki ang mata ko. Si Aracelli? Nasa--- Naiwan ko sa park. Tanga, Justin! Tanga mo!

"Naiwan ko---"

"Iniwan mo si Ara mag-isa sa park?!"

Napapikit ako sa sigaw n'ya. Hindi ako makagalaw. Bakit ang sigaw n'yang 'yun, gano'n na lang ang epekto sa akin?

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now