Chapter 4

71 3 0
                                    

Thoughts...

It's the second day of school today and unlike yesterday, ramdam ko na ang tinginan at rinig ang bulungan ng mga students habang paakyat ako sa classroom namin. I'm already expecting it. After what happened yesterday, there's no doubt that i will be the talk of the town.

When i entered the classroom, i just felt like i am lucky today dahil wala 'yung lalaki kahapon sa upuang kinauupuan niya kahapon. Kahit na naiilang sa tinginan at bulungan ng mga tao sa paligid ay mas pinili ko na lang na manahimik sa sariling pwesto habang hinihintay ang ibang kaklase at pati na rin teacher.

When the time for lunch break has come, i feel hesitant if i'm going to go out or if i'm just going to stay here inside. Now that i am the talk of the town because of what happened to me yesterday, it made me afraid of showing myself outside the four corners of this room.

After a couple of minutes of hesitating, i just decided to swallow the embarassment because i am already hungry. I just chose the way on how i am going to die. I went straight to the cafeteria and bought some snacks. Instead of sitting on one of the tables there, i just wnet to the garden since there are also tables there where i can peacefully eat my lunch.

Mabuti na lang rin at walang masiyadog tao sa hallway dahil na rin siguro halos lahat ay nasa cafeteria. At least kahit papaano ay matitiis ko pa ang mangilan-ngilang titig sa'kin ng ibang nakakasalubong ko.

Malaki at maganda ang garden ng school dahil sa iba't ibang bulaklak at mangilan-ngilang puno. Mainit ang panahon pero dahil sa mga puno eh hindi masyadong masakit sa balat ang init. Masarap langhapin ang hangin dahil para kang nasa isang probinsya at masarap sa pakiramdam ang mapalibutan ng iba't ibang klase ng halaman kaso kaunti lang ang nakakakita ng ganda nito dahil iilan lang din naman ang taong nandito ngayon at kahit na rin naman kahapon.

Naupo ako sa isang bench at do'n sinimulan kumain habang nakatitig sa kawalan. I'm just wondering what's the purpose of this plants here. Maybe some people will say that it's meant to give oxygen for us to breathe and food for us to eat, but for me, it's purpose is not just to let our physical body to live.

"Can i sit in here?" Ani ng isang baritonong boses.

Bumalik ang isip ko sa kasalukuyan. I am spacing out on my thoughts again.

Napalingon ako sa nagsalita at hindi na nagulat nang makita ko ulit 'yung lalaki. Naupo siya sa tabi ko at nando'n na naman 'yung nakakalokong ngiti niya na para bang anumang oras eh magsisimula na siyang pagtripan ako. Hindi na lang ako nagsalita at magpapalamon na sana sa mga katanungan ko kanina nang bigla siyang magsalita.

"Mukhang palaging malalim ang iniisip mo." Puna niya.

Nagulat ako dahil hindi ko inakalang napansin niya 'yon. Maybe he's looking at me also?

"Transferee ka, 'di ba?" Tanong niya.

Tumango ako bilang sagot saka tipid na ngumiti.

"You should not be here." seryosong ani niya kaya naman nawala ang ngiti ko. 'Di ko maiwasang makaramdam ng inis dahil sa sinabi niya.

"Why? Am i not allowed here?" Hindi na naitago ang pagkairita sa boses ko.

Napataas naman ang sulok ng labi niya na tila natuwa sa biglaang pagtaas ng boses ko.

"I'm just saying that instead of isolating yourself here, why don't you join the other students... Perhaps your classmates to make friends so you don't seem lonely." seryosong ani niya.

Umawang ang labi ko dahil sa gulat. I wasn't expecting that. Akala ko ay sasabihin niyang hindi ako bagay sa lugar na 'to. Na hindi talaga ako para dito.

Found In The Wild WavesWhere stories live. Discover now