Chapter 40

20 2 0
                                    

Feelings...

A week had passed since Ryle have been admitted in the hospital. In that whole one week, i always go straight to him after school. Gusto ko siyang bantayan hanggat may oras ako dahil kailangan din talaga siyang i-monitor pa.

Alam na rin ng mga kaibigan namin ang kondisyon niya kaya naman lahat sila ay talagang nag-aalala. Tuwing matapos ang klase ay binibisita rin nila si Ryle pero madalas ay ako talaga ang bantay niya.

Isang linggo na rin simula nang huli kong makausap si Dylan. Sinasadya kong hindi na muna siya pansinin hanggat maaari dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko sa kaniya. Ayaw ko mang magtampo ay hindi ko naman maiwasan. Palagi na lang si Tyler ang nasa tabi ko samantalang siya naman ay nasa tabi ng iba. Hindi ko na nagugustuhan pa ang sitwasyon namin.

Ngayon ay pwede ng umuwi si Ryle. Lahat kami ay nandito at talaga namang masaya kaming makakalabas na sa ospital si Ryle pero 'yung sayang nararamdaman ko ay napalitan ng gulat dahil nandito si Dylan. Nakakatawang naninibago ako dahil may oras siya para samahan ako ngayon.

Hindi ko pinansin si Dylan katulad ng ginagawa ko sa mga nakaraang araw. Alam kong nahahalata na ni Ryle ang ikinikilos ko lalo na't maayos naman ang pakikitungo ko sa iba pero kapag nandiyan si Dylan ay talagang nananahimik ako.

Maraming paalala amg doctor kay Ryle kaya naman nakinig akomg mabuti. Isa sa pagkakaparehas namin ni Ryle ay ang katigasan ng ulo naming dalawa. Nang matapos ang mga paalala sa kaniya ay inihatid na namin sila sa sasakyan nila hanggang sa kami na lang ni Dylan ang mahuli.

"I know how worried you are to Ryle right now." Rinig kong bulong niya.

He tried to reach my hand, pero mabilis kong inilayo ang kamay ko.

"Talaga? Alam mo?" Halata na ang inis sa boses ko.

"Oo naman."

Mapait akong napangiti. He do not know. Wala siyang alam dahil hindi naman siya ang nasa tabi ko noong sandaling hinang-hina na ako dahil sa sobrang takot. Hindi niya alam dahil ang kasama niya ay iba at hindi ako.

Nang makalapit kaming dalawa sa kotse niya ay pinagbuksan niya ako ng pintuan pero umiling ako.

"You should go now. Baka busy ka e. I can go home alone."

Mabilis niyang hinuli ang kamay ko. Ramdam ko kaagad ang lamig nito kaya naman natakot ako. Pakiramdam ko ay nawawala na talaga 'yung init na mero'n noon.

"Baby naman. I miss you already. Ngayon na lang ulit kita makakasama e. Let's have a date!"

I coldly stared at him.

"Ngayon mo lang naman talaga ako makakasama dahil iba ang lagi mong kasama."

"Baby?" Malambing niyang sabi.

"Stop calling me baby. Malaki na ako."

"But you are my baby!"

"Hindi kita magulang, Dylan."

"Please?"

I hate how unfair he is. Hindi ba siya nakakahalata na masama ang loob ko sa kaniya? Na ayaw ko muna siyang makasama dahil sa takot kong baka iwanan na naman niya ako sa ere mag-isa. But i hate myself more for loving him this much ma kahit anong hilingin niya au gusto kong pagbigyan.

"Alright..."

Nauna na akong pumasok sa sasakyan. Siya naman ay nakita kong malaki ang ngiti kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Where do you want to go?" Tanong niya sa'kin

"Kahit saan."

Sa labas ko ipinukol ang tingin ko. Masaya naman akong makakasama ko siya ngayon, pero nandito na 'yung pangamba na bigla na naman siyang tatakbo palayo sa'kin at wala akomg magawa para mapanatili siya sa tabi ko.

Found In The Wild WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon