Chapter 11

17 2 0
                                    

Visitors...

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang isipin lahat ng nangyari kahapon. Ipinagtanggol ako ni Dylan kay Denise. Magkaibigan kami ni Dylan at naiintindihan ko naman na ginawa niya 'yon dahil nag-aalala lang siya pero hindi ko lang kasi magawang isipin na siya pa talaga ang gagawa ng gano'n para sa'kin. Mapang-asar si Dylan. Masiyadong maloko at kahit na mabait siyang kaibigan, hindi ko lang talaga inaasahan na darating ang panahon na iisipin niya talaga ang kapakanan ko.

Since the first time that we actually talked, i already knew that he's a kind person. Despite his annoying traits, no one can't deny the fact that being his friend is such a blessing. I guarantee it because in just a short time, it was always Dylan who was there for me whenever i am dealing with myself. On the times that i just want to be alone, he will suddenly appear and without me noticing it, i am becoming more fond of him.

Kahapon habang tinitignan ko siya, habang pinapakimggan siyang magsalita, kahit na nakaramdam ako ng takot dahil sa galit na version niya, mas lamang 'yung pakiramdam na magiging safe rin ako. Nagawa niyang iparamdam sa'kin na i can always share my burden to him. I found a person to rely on when the time comes that i am already giving up.

Sa mga oras na 'yon ay naramdaman kong may halaga rin ako. Na hindi lang ako basta kung sino na pwedeng maliitin ng iba. He made me feel that i am just nothing and i will neber be like that. He made feel that i have a place here. For the first time in my life, someone saw my worth. That someone looked at me and silently told me that i am still worth it as a person.

Habang naglilinis ng bahay ay napatigil ako nang marinig ang ilang katok mula sa pintuan. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayong araw. Gayunpaman ay pinagbuksan ko na lang ang kung sino man ang nasa labas dahil gigil na gigil na yata 'yon sa pintuan ko.

"Ano ba 'yo-"

Naiwan sa ere ang sasabihin ko dahil sa gulat nang makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"Goodmorning!" Masayang bati niya.

Saglit pa akong tumunganga dahil hindi naman siya nagsabing pupunta siya. Nang makabawi sa gulat ay ngumiti na lang din ako dahil baka isipin na naman niyang hindi ako masayang makita siya.

"Morning... I didn't expect you to come here today. Sana nagtext ka man lang para nakapag handa ako."

Agad naman siyang sumimangot kaya bumuntong hininga ako at hinampas siya sa braso.

"'Wag mo akong artehan ng ganiyan. Masiyado pang maaga." Inis na sabi ko.

"It sounds like you don't want me to be here. You didn't even let me in first." Parang batang reklamo niya.

Inirapan ko na lang siya saka mas binuksan ang pintuan para makapasok siya. Hinayaan ko na muna siyang maupo sa salas habang ako naman ay dumiretso sa kusina. Mabuti na lang at nakapaglinis na ako bago pa siya dumating.

"What do you want for-" nagulat ako nang may biglang yumakap sa'kin mula sa likod ko.

"I miss you." bulong niya.

Kahit ako naman ay namiss siya pero hindi ako sanay at hindi ko gusto na niyayakap niya ako lalo na't walang permiso ko. Hindi rin magandang tignan na ganito ang posisyon naming dalawa lalo na't wala kaming ibang kasama ngayon. Mamaya ay may makakita pa at sabihing kaladkarin akong babae or what.

Mabilis kong kinalas ang yakap niya saka naglagay ng distansiya sa pagitan naming dalawa. Halatang nagulat siya pero matagal naman niya ng alam na hindi ko talaga gusto 'to pero paulit-ulit pa rin niyang ginagawa.

"I miss you too pero alam mo namang ayaw kong sobra kang malapit sa'kin, 'di ba? Alam mong ayaw kong niyayakap mo ako ng hindi ko sinasabi. Hindi ako kumportable sa ganito." Diretsong sabi ko.

Found In The Wild WavesWhere stories live. Discover now