Chapter 39

16 2 0
                                    

Cry...

Since the day that i went to suprise him ay hindi na ako masiyadong nagparamdam kay Dylan. Sinasagot ko pa rin naman ang mga tawag niya at hindi naman sa iniiwasan ko siya. Hindi rin naman ako galit pero pinili kong hindi na muna siya abalahin pa.

Iniwasan ko ang pag-iisip sa kaniya lalo na kung kasama niya si Diana. It's not good for my mental health at tulad ng sinabi ko dati sa sarili ko ay may mas mga importanteng bagay pa akong dapat na unahin. Hindi lang naman kasi kay Dylan naikot ang mundo ko. Mayroon pa akong sarili na dapat buuin at pamilyang dapat ayusin.

Pero kahit na ganito naman ay hindi ko pa rin talaga maiiwasang hindi siya isipin sa loob ng isang araw. Minsan nga ay naiisip kong imaginary boyfriend ko na lang siya dahil mas madalas ko pang makita si Ryle kaysa sa kaniya. Magkaklase lang naman sila pero mas puno talaga ang schedule ni Dylan pero ipinaliwanag naman niya na sa'kin 'yun una pa lang kaya naman bilib na talaga ako sa lawak ng pang-unawa at haba ng pasensiya ko.

Tuwing magkasama kami ni Ryle ay nababanggit naman niya ang tungkol kay Dylan at Diana. Magkaibigan lang naman daw talaga 'yung dalawa at parehas na busy pero naiinis din daw talaga siya dahil mukhang mas may oras pa raw si Dylan kay Diana kaysa sa'kin. Minsan nga ay tinatawanan ko na lang siya dahil daig pa niya ang girlfriend sa mga reklamo niya.

Dahil do'n ay medyo napapadalas ang pag-aaya ko kay Ryle na samahan akong maglibang sa labas. He knows me too well kaya naman kapag sinabi kong gusto kong gumala ay alam niyang hindi ako okay. Mabuti na lang din at hindi niya ako tinatanong at basta na lang akong sinasamahan.

I still can't forget what happened between me and Ryle. Masakit pa rin 'yon at alam kong hindi ko makakalimutan ang ginawa niya pero ang pakikitungo ko sa kaniya ngayon ay walang halong kaplastican. Talagang pinatawad ko na siya una pa lang kahit na hindi pa siya humihingi ng tawad. Lahat ng mero'n kami ngayon ay simula ng mas maayos naming pagkakaibigan kaya sa kabila ng nangyari sa pagitan naming dalawa ay pinili kong magpatuloy na lamang.

Nakarinig ako ng ilang marahang katok mula sa pintuan ng bahay ko kaya naman agad kong pimagbuksan ang nasa labas. Isang tao lang naman ang inaasahan kong pupunta ngayon.

"Let's go?" Nakangiting anyaya niya sa'kin.

Tumango ako saka naglakad papasok sa kotse niya. I acty don't have any idea where we're going right now kahit ako pa ang nag-ayang lumabas kami ngayon. Wala naman din kasi akong alam na pwedeng puntahan maliban sa mall and sawa na ako ro'n.

"You can always tell me what's wrong, Angel." Aniya habang nagmamaneho.

Itinuon ko sa labas mg bintana any tingin ko. At ako itong nag-akalang hindi na siya magtatanong pa.

"Just the same old shit." walang buhay na sabi ko.

Wala naman talagang nagbago. Hindi nabawasan ang mga iniisip ko at parang mas lalo lang 'tong nadaragdagan.

"I'm glad that you asked me to take you out."

Hindi ko man silipin ang mukha niya ay naiimagine ko na ang malaking ngiti niya. Isa nga naman kasing himala na ako ang nag-ayang gumala.

"Nabuburyo na ako sa bahay..."

My eyes are hurting upon seeing the white walls of my house.

"Nakakapagod mag-isip... lalo na't kahit anong isip ko ay hindi ko mahanap-hanap ang sagot."

"There is an answer in everything."

"I didn't say na wala. I'm just saying na hindi ko mahanap ang sagot." Inirapan ko pa siya.

"Then maybe you have to look deeper?"

Is he giving me advice right now?

"Masiyado ng malalim ang narating ko. Sa lalim nga ay puwede ko na doon ilibing ang sarili ko."

Found In The Wild WavesWhere stories live. Discover now