Chapter 6

52 4 0
                                    

Building Friendship...

Being with friends is such a nice feeling. It can make you forget your problems even just for the mean time. It can make you feel good in less than a minute because of the laughter that you will share altogether and that's what i felt since we got to know Klare and the boys. However, there's really no circle of friends that doesn't have that one person, or more than one, who will annoy and tease almost everyone in every minute of the day.

Nakakatuwang isipin na kahit na hindi pa naman matagal simula noong nagkakilala kaming anim ay mabilis kaming naging kumportable sa isa't isa. Well, at first, medyo awkward talaga lalo na para sa'kin dahil hindi talaga ako sanay sa mga ganitong bagay pero mabilis din namang nawala 'yon dahil na rin kay Klare at sa ugali no'ng tatlong lalaki. Their presence will literally make you think that there's no way that you're going to be awkward being with them. And also, nakatulong na rin siguro sa mabilis na adjustment ko ang pagiging mas comfortable ko na maging friends ang mga lalaki kaysa sa mga babae.

Sa loob ng tatlong linggo simula nu'ng magkakilala kami ay mas naging malapit kaming tatlo nila Klare. Nawala na rin ang pagkailang ko sa kaniya dahil na rin sa personality niya. I think we will really got along pretty well. Si Dylan, Jace, and Lance naman ay nakakasama lang naming tuwing lunch time or kapag may free time kami dahil grade 12 na sila.

Within those three weeks also, mas nakilala ko na ang ugali nu'ng tatlo. While observing them, masasabi kong maloko talaga sila, but they habe their own levels of kalokohan. If i were to rank them, si Dylan ang nangunguna na susundan naman ni Jace at Lance. Dylan really loves to tease and to maoe it worst, sometimes Rhyss and Klare would even join him and i would be the target just like last week!

I was walking in the hallway while busy scrolling on my phone when Jace suddenly appeared in front of me. "Good morning, Angel!"

I smiled at him although i'm wondering where the hell did he came from.

"Morning! Ang aga mo, ah?"

"Ah, wala lang. Ikaw din naman maagag pumasok, ah?"

"Wala naman akong sinabi na hindi ako maagang napasok." Medyo pabalang na sagot ko dahil wala pa sa kondisyon ang utak ko nang ganito kaaga.

Tinignan naman niya ko na parang nagulat. He's right hand is placed on his left chest, particularly where his heart is located. I can really tell that he's starting to be dramatic now.

"Nowl you know how to talk back?"

"Nakakahiya naman kasi kung 'di kita sasagutin, 'di ba?" Natatawang tanong ko.

"Hoy, kayong dalawa! What are you doing there?" Sigaw ni Lance na kararating lang kasabay ni Dylan.

"Pre, nakatayo kami. Obvious naman, 'di ba? Nag-uusap pa at kung gusto mo ng mas detailed na sagot, humihinga rin kami." pabalang na sagot ni Jace sa dalawang bagong dating.

Sumama ang tingin ng dalawa sa kaniya habang ako naman ay hindi napigilan ang matawa. Agang aga ay nagsisimula na naman sila.

"Oo nga naman, Lance. Grabe ka naman kasi kung makatanong, pre! By the way, Angel, 'yung sintas mo nga pala hindi nakatali ng ayos." Seryosong sabi ni Dylan.

Alam ko naman na walang sintas ang sapatos ko dahil nakasuot ako ng black shoes pero hindi ko alam kung bakit nakinig ako sa sinabi ni Dylan at tinignan ang sapatos ko.

Dahil medyo napatungo ako ay hindi ko napansin ang biglang paglapit ni Dylan at paghablot niya ng cellphone ko. "Hoy! Bakit mo kinuha 'yung phone ko?" Sigaw ko sa kaniya.

"Let's see kung anong interesting sa tinitignan mo at hindi mo kami narinig nu'ng tinatawag ka namin." Nakangiting saad niya habang nakatingin na ngayon sa phone ko.

Found In The Wild WavesWhere stories live. Discover now