Chapter 43

17 2 0
                                    

It's over...

Simula nang magkaayos kami ni Dylan ay napansin kong hindi na sila magkasama palagi ni Diana na para bang iniiwasan na niya 'to. I actually don't want him to avoid her dahil alam ko naman na magkaibigan sila, but i can't stop myself to feel relieve.

Simula rin nang maging ayos kami ni Dylan ay ilag na sa'kin si Tyler. Sa tuwing magkakasalubong kami at babatiin ko siya ay nilalagpasan niya lang ako pero mas madalas na sa tuwing makikita niya pa lang ako sa malayo ay iiwas na kaagad siya.

Muli na naman tuloy akong nag-alala kung may nagawa o nasabi ba akong hindi niya nagustuhan para iwasan niya na lang ako basta, pero noong huli naman kaming nagkita ay maayos naman kaming dalawa kaya hinayaan ko na lang muna siya. Maybe, may pinoproblema lang siya ngayon.

Si Rhyss namab ay kapansin-pansin din ang pagiging tahimik sa tuwing magkasama kami. Knowing her, mas gusto niya ang nagsasalita kaysa sa tahimik lang. Siya 'yung tipo ng tao na kayang makisabay sa kahit na sino dahil sa friendly aura niya pero in the past few days, talagang tahimik lang siya lalo na kapag kasama ako. Hindi ko rin alam kung bakit biglang naging ganito at kahit naman tanungin ko siya ay 'di din naman siya nagsasabi.

Si Jace at Klare din ay may problema. Isang linggo na simula nang mag cool off muna sila. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kaya pinili muna nilang maging ganito dahil labas na ako do'n pero sa tingin ko ay tama lang muna ang ginawa nila. Normal lang naman sa isang relasyon ang magpahinga kaya naman naiintindihan ko sila. Kahit kami naman ni Dylan ay pwedeng humantong sa gano'n.

Si Lance naman ay maayos pa rin ang takbo ng buhay. Palagi niya pa rin akong kinukumusta pati na rin ang relasyon namin ni Dylan. I'm actually really grateful to him dahil malaki rin ang naitulong niya sa'ki. Kay Ryle naman ay halos bantay sarado ko na siya. Palagi kong ipinapaalala ang mga gamot niya at mabuti na lang din dahil magkaklase lang sila ni Dylan. At least Dylan can always look after him.

Sa totoo lang kasi talaga ay hindi ko kakayaning mawala si Ryle. Pamilya na talaga ang turing ko sa kaniya at hindi ko talaga alam ang mangyayari sa'kin sa oras na iwanan niya ako. He has been with me since the start, i don't think i can make it till the end if he's going to leave me behind.

"Denise..." tawag ko sa kaharap kong panay ang pacute sa salamin.

"Yes?" Maarteng sabi niya.

"Do you have any idea why Rhyss seems mad at me?"

Hindi ko na napigilan pa ang magtanong dahil talagang ilang araw ko ng napapansin ang ikinikilos ni Rhyss sa tuwing nasa paligid lang ako.

"I don't care about her, so no. I don't have any idea." pairap pa niyang sabi.

I glared at her, but she doesn't care at all. I just sighed dahil mukhang mainit pa rin talaga ang ulo niya kay Rhyss and the same way goes with Rhyss also. Parehas na mainit ang dugo nila sa isa't isa.

"Nevermind." nawawalan ng pag-asang sabi ko.

Dumaan pa ulit ang ilang araw at talagang nakumpirma ko na ang kakaibang kilos ni Rhyss sa tuwing magkasama kaming dalawa. While staring at the ceiling of my room, i can't help but to worry about Rhyss. She acted like that out of the blue. I have no idea why dahil sa tingin ko naman ay wala namang rason para maging ganito siya towards me.

Dylan has class today so i can't bother him kaya kahit ma-bored na ako ay hindi ko siya tinawagan. I just decided to clean the house para maiwasan ko ang pag-iisip ng kung anu-ano. It's amazing how i can read books while listening to music and cleaning. I think i have the sort of skill.

Natigil na lang ako sa ginagawa ko nang may tumawag sa'kin. I thought it's Dylan pero napairap na lang ako nang malamang si Denise 'yon.

"What?" Sagot ko.

Found In The Wild WavesWhere stories live. Discover now