Chapter 44

23 2 0
                                    

Happiness...

Since Tyler's birthday, talagang hindi na kami nagpansinan pa ni Rhyss and because of that, my relationship with Klare is affected as well pero naiintindihan ko naman siya. Alam kong naiipit lang siya sa'ming dalawa ni Rhyss kaya mas maiintindihan ko at ayos lang naman sa'kin kung sakaling pipiliin niyang nasa tabi siya ni Rhyss. Bukod naman kasi sa magkaklase sila ay mas malapit naman talaga sila sa isa't isa. Kaya ko rin namang mag-isa at if ever na kailangan ko naman ng kaibigan, kasama ko pa rin naman si Denise.

Nalaman ni Dylan ang nangyari sa pagitan namin ni Rhyss. Of course he was so worried that's why he did everything to make me feel better. He didn't leave my side. He let me cry until i can't anymore. Just like me, hindi rin siya makapaniwala na humantong kami ni Rhyss sa ganito.

Even Jace and Lance were both shocked by the news. They tried to do something para magkaayos pa kami ni Rhyss, but nothing ever happened. Rhyss was too mad at me and it looks like she has no intention to make up with me.

In my case, i don't mind kung maaayos pa ang samahan namin, pero sa tingin ko ay hindi na namin maibabalik pa ang dati. Enough na 'yung naiintindihan ko ang nararamdaman niya, but i think it's too much kung babalik pa kami sa dati. Mukhang kahit ano rin namang gawin ay never ng maibabalik ang dati.

Ryle was heartbroken too. Of course he was. Saksi siya sa pagkakaibigan namin ni Rhyss all this time. He wanted to do something for us as well pero kilala niya rin ako. Alam niyang sa oras na magdesisyon akong tapusin ang pagkakaibigan namin ni Rhyss ay mananatili na lang na kakilala ko si Rhyss at hindi na kaibigan pa.

I still wanted to cry. Nasakit pa rin naman para sa'kin ang nangyari, but life must go on lalo na't bawal din kay Ryle ang mastress. I know that he will just worry about me so i just forcefull forget the issue between me and Rhyss.

Up until now, Denise is still upset about me and Rhyss. Hindi niya matanggap na hinayaan ko lang na sampalin ako ni Rhyss. Sa tuwing magkakasalubong nga kami ay pinipigilan ko na lang siyang 'wag sugurin si Rhyss.

Medyo naiintindihan ko ang pinagmumulan ng inis ni Denise dahil ang sabi niya ay ako lang ang nag-iisa niyang totoong kaibigan kaya hindi niya matanggap ang ginawa sa'kin ni Rhyss lalo pa't wala naman daw akong mali. Gustuhin ko mang gumawa ng paraan ay hindi ko naman alam kung paano kaya wala na lang akong ibang ginawa maliban sa umawat sa tuwing magwawala 'tong si Denise.

I woke up when i heard the ringtone of my phone. Inis kong sinagot 'yon. Mainit na ang ulo ko dahil puyat ako at sa pagkakaalam ko ay wala akong pasok ngayon.

"Oh?" Badtrip na sagot ko.

"Oh, did i woke you up?" Natatawang tanong niya.

"What do you think?!"

"Alright! I'm sorry. Now, can you open your door? Kanina pa ko katok nang katok e."

Inis kong ginulo ang buhok ko saka padabog ba binabaan siya ng tawag at pinagbuksan ng pinto.

"What now?!"

"Good morning, my love!"

Malaki ang ngiti niya sa labi saka hinalikan ang pisngi ko.

"Walang good sa morning." badtrip na sabi ko.

"Agang-aga, ang cute mo talaga!"

Pinisil niya pa ang pisngi ko na parang gigil na gigil. Pumasok siya sa loob at dumiretso sa kusina.

"Anong trip mo?" Tanong ko sa kaniya.

"I'm cooking breakfast for my baby!"

Napatitig na lang ako likod niya. He seems excited. He's humming a song while experimenting. I don't know what's with him today, but i just saw myself smiling while looking at him without his knowing.

Found In The Wild WavesWhere stories live. Discover now