Chapter 28

7 3 0
                                    

Like...

It is a peaceful day for everyone. Maganda ang sikat ng araw. Hindi masiyadong mainit at hindi rin naman makulimlim. Hindi rin masiyadong marami ang pinapagawa sa school. The day today is really nice for everyone but me. My mind is in chaos. As i am walking around the school, my mind is filled with so much confusion and i feel like any minute from now, i'm gonna lose it.

Kaninang umaga pa ako hindi kinikibo ni Dylan. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa hindi maganda ang gising niya or what. But one thing's for sure and this is bothering thd hell out of me! Hindi ako mapakali dahil parang iniiwasan niya talaga ako pero kahit na gano'n ay hindi ko rin naman siya sinubukan nilapitan.

I am afraid. I am really afraid that once i go to him, he will just push me away!

Sa paglalakad sa buong school ay hindi ko namalayang nakaabot na pa ako sa garden. Tatalikod na sana ako dahil wala naman akong gananv tumambay do'n today, pero napatigil ako nang makarinig ng ingay mula doon.

I wasn't planning to eavesdrop, but i was bored so i ended up finding where the voices are coming from. Napatakip ako ng bibig nang makita kung sino ang nakita ko. It was Denise and her friends! Or can i say her former friends? Basta tatlo sila. Denise, Chelsea, and Samantha and it looks like they are fighting.

"Can you just get lost? Ang papangit niyo!" Sigaw ni Denise sa kanila.

"Wow! So now you're acting like you're still the 'queen' ha?" Nang uuyam naman na sabi ni Chelsea so no wonder kung bakit asar na asar na agad si Denise.

"Why? You think you are the queen? What a bitch!"

Hindi ko alam kung bakit nag-aaway sila dahil sa tronong 'yon. Obviously, neither of them is a queen.

"You're a bitch too! Ang kaso lang mas maganda kami sa'yo!" Sigaw ni Samantha kaya naman itinulak siya ni Denise.

"Yeah, right! You are both a barbie girl! You're hella gorgeous but your brain is empty!" Pang aasar pa ni Denise kaya naman nag simula na silang magkasakitan.

Hindi ko sila maintindihan. Noon lang ay sobrang close nila sa isa't isa. Nagawa pa nga nila akong pagtulungan and now, they are fighting right in front of me.

Dahil nasa garden kami ay bihira lang talaga ang taong napapadpad dito. Usually nga ay ako lang dahil hindi nila trip ang ganitong lugar kaya rin siguro ito ang napiling place ng tatlo para mag-away.

Sigawan at sampalan ang napanood ko. They look like a mess now pero hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Mula sa pwesto ko ay nanatili lang akong nanonood. Sa totoo lang ay lugi si Denise dahil dalawang babae ang kalaban niya. As much as i want to help her, masaya rin kayang manood ng cat fight ng live! And besides, hindi ko ugali ang makisawsaw sa away ng may away.

Pero lahat sila ay natigilan nang napansin ako. Bahagya pa akong nagulat dahil sa lakas ng pakiramdam nila. Akala ko ay hindi na nila ako mapapansin.

"You want to join us? Para na rin makaganti ka sa babaeng 'to?" Alok ni Sam.

Umiling ako saka naglakad papalapit sa pwesto nila.

"No, thanks. I won't stoop down to your level." walang ganang sabi ko.

Mabilis na bumalatay ang inis sa mga mukha nila. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"What did you just say?!" Inis na sigaw ni Sam.

"Hindi ka naman siguro bingi para ulitin ko pa 'yung sinabi ko, 'di ba?"

"I see. So, you're feisty now. Dati rati lang ay umiiyak ka pa sa harapan namin." nang iinis na sabi ni Chelsea.

Found In The Wild WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon