Chapter 8

33 2 0
                                    

Fair Vs. Unfair...

Mabilis na lumipas ang linggo at monday na naman ngayon pero ramdam ko ang pagiging walang gana ko sa araw na 'to. Hindi dahil sa tinatamad akong pumasok pero dahil ramdam kong wala akong gustong gawin ngayong araw. Gustuhin ko mang pumasok ay hindi ko magawang kumilos dahil para bang tutol ang buong pagkatao ko. Naramdaman ko ang bigat sa dibdib ko. I feel like there's a knife that's stabbed directly in my heart.

Lumandas ang butil ng luha sa pisngi ko pero hindi ko 'yon pinansin. Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak ng tahimik hanggang sa unti-unting lumakas ang mga hikbi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na naman akong nakaramdam ng ganito. Nitong mga nakaraang araw naman ay okay lang ako. Ngumingiti at natawa ako. Pakiramdam ko naman ay masaya talaga ako pero bakit ngayon ay iba na naman. I feel really empty right now.

Hindo ko na namalayan pa ang oras hanggang sa nakatulog na pala ako habang umiiyak. Nagising na lang ako nang marinig ang cell phone ko. I sighed. Kahit na nakapagpahinga na ako ay wala pa ring nagbago. Mabigat pa rin ang dibdib ko. Nanghihina ako.

Nang tignan ko ang notifications sa phone ko ay bumungad sa'kin ang tadtad na mga text ng mga kaibigan ko. Hindi na ako nag-abalang basahin pa ang mga 'yon dahil alam kong puro tanong lang sila kung bakit hindi ako pumasok ngayon. Ayaw ko namang magsabi sa kanila dahil ayaw kong maging alalahanin pa nila. Kahit naman nga loko ang mga 'yon ay alam kong totoo sila kung mag-alala at ayaw kong intindihin pa nila ako dahil ayos lang ako. Magiging ayos din ako.

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Namumugto na ang mga mata ko. Mas lalo namang ayaw kong pumasok ng ganito ang itsura. Mag-aalala talaga sila lalo na si Rhyss. Baka halughugin niya pa ang buong lugar kung nasaan ang nagpaiyak sa'kin.

Pumasok na lang ako sa cr para maligo. It's not good for me to stay at home today. I have to go out and i don't have any idea on where shpuld i go pero ang mahalaga ay makaalis ako. I have to escape. I have to breathe.

It's almost lunch time. Siguro ay sa mall na lang muna ako pupunta para kumain. I don't feel like eating today, but i have to. Kahit na wala talaga akong gustong gawin para sa araw na 'to ay mas mabuting madistract na lang ako. I habe to take good care of myself.

Hindi naman ako mabigo dahil matapos kong pilitin ang sarili na kumain ay naglibot ako at nalibang naman ako kahit papaano. I don't like crowded places that's why minsan lang akong napunta ng mall. Dahil oras ng klase ngayon ay kaunti lang ang tao dito kaya naman mas kumportable akong mag libot today.

When i finally felt bored while roaming around, i decided to leave the mall. Wala naman akong mapiling bilhin at sumasakit na ang paa ko kakaikot. Nang makarating sa exit ng mall ay napalingon ako sa gilid ng mall dahil sa malakas na sigaw ng babae.

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako! Wala sabi akong ibibigay sa'yo!" Sigaw ng isang mukhang may kaya na babae.

Tinignan ko kung sino ang sinisigawan noya at nakita ang isang matandang ginang kasama ang isang bata. Ang suot nila ay sobrang dumi at puro punit na. Base sa nakikita ko ay namamalimos sila sa babaeng sumisigaw ngayon.

"Ma'am, kahit pangkain lang po ng apo ko. Dalawang araw na siyang walang kain." Pagmamakaawa ng matanda.

"Hindi ka ba nakakaintindi? Sinabi ng wala! Magtrabaho ka para may pera kang pamabili hindi 'yung nanlilimos ka!" Itinulak ng babae ag matanda dahilan para mapadapa ito sa sahig.

Nakaramdam ako ng labis na awa para sa matanda at sa apo nito. Itsura pa lag nila ay nakakaawa na at ngayong ganito pa ang trato sa kanila ay mas masakit na panoorin lang 'to. Hindi ko alam kung paanong natitis ng mga taong nanonood ngayon ang sitwasyon ng matanda at apo nito. Wala ni isa man lang ang nag-abalang tumulong o umawat!

Found In The Wild WavesWhere stories live. Discover now