Chapter 46

24 2 0
                                    

First...

I can't accept what happened to Ryle. Everything went so fast. I cannot take it. Pilit akong nagmakaawa na ibalik siya, but no one heard me. No one helped me.

Isang linggo na simula nang mawala si Ryle. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak araw-araw. Tinatanong kung bakit nga ba nagkaganito ang lahat sa buhay ko. First, my messed up family. Second, losing my friend. Third, losing the only person who was there with me from the start.

Sa loob ng isang linggo ay hindi ko malaman kung ano ba talaga ang dapat kong gawin sa buhay ko. Pakiramdam ko pati ako ay sumama na sa kaniya. Ni hindi ko na nga alam kung papaano haharapin ang panibagong bukas knowing that he's already gone.

I slowly opened the door of my house. Ito ang unang beses na lalabas ulit ako dahil nagkulong lang ako nitong mga nakaraang araw. Kahit nga ang pag kain ko at pag ligo ay sapilitan ko na lang gawin. Ilang beses na rin naman akog dinalaw ng pamilya ko matapos nilang marinig ang nangyari pero hindi ko sila kinikibo. Pakiramdam ko talaga ay pati ako ay nawalan ng buhay.

Wala sa sariling naglakad ako papunta sa kawalan hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na naglalakad papunta sa puntod niya. Medyo madumi na agad 'to dahil sa mga naglalagasang dahon kaya namab agad kong inalis ang mga 'yon at saka naupo. Tumungala ako sa langit dahilan para muling mangilid ang mga luha ko.

"N-nakikita mo ba 'ko diyan? Maganda ba ako sa angle na 'yan? Baka kasi panget e." Mapagbiro kong saad.

"M-masaya ka na ba diyan ngayon? For sure hindi ka na nahihirapan kasi wala ng sakit. Masaya ka ba talaga diyan? Kasi kung hindi, pwede ka namang bumalik dito."

Pinunasan ko ang mga luha ko pero wala din namang epekto 'yon. Tuloy-tuloy lang aila sa pag-agos pababa.

"A-ang daya mo, Ryle..." gumagaralgal ang boses na sabi ko.

"S-sa dinami-rami ng pangako mo, ni isa do'n ay wala kang tinupad. Napakatalkshit mo, alam mo 'yon? Sabi mo mag ro-roadtrip pa tayo? Mag ta-travel pa? Sabi mo papanoodin mo pa akong makagraduate? Sabi mo hihintayin mo akong maging masaya? Pa'no 'yon eh wala ka na?"

Hinampas ko ang puntod niya na para bang siya 'yon. Naiinis ako at nasasaktan.

"R-ryle, bakit mo naman kasi ako iniwan agad? Alam mo namang hindi ko kaya di ba? Ayaw na nga nila sa'kin, iniwan mo pa ako. Sino na lang ang kakampi ko? Ang saki-sakit kasi, Ryle, e. Hindi ko matanggap at ayaw kong tanggapin na kahit umiyak pa ako ng dugo ngayon ay hinding hindi ka na babalik dito."

Sunod kong hinampas ang dibdib ko. Kahit gaano kasakit ang suntok ko sa sarili ko ay hindi nito magawamg tapatan ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko.

"H-hindi ko na alam ang gagawin ko, Ryle. Hinang-hina na ako. Pwede bang sumunod na lang ako sa'yo? Pakiramdam ko kasama mo ako diyan sa ilalim kasi ang lungkot-lungkot ko ngayon. Hindi mo ba ako pupuntahan ngayon? Nakakapag tampo ka na ah!"

Huminga ako ng malalim ang tumungo. Ayaw kong kinaaawaan ako, pero kung sakaling may makakita sa'kin dito ngayon, 'di ko sila masisisi kung awa ang mararamdaman nila para sa'kin.

"A-alam kong nalulungkot ka kapag malungkot ako kaya sorry. Hindi ko kasi mapigilan e. Ikaw 'yung nandiyan noong walang wala ako kaya ngayon nahihirapan ako. Masiyadong masakit pero kahit papaano ay masaya ako. At least ngayon, hindi ka na makakaramdam ng hirap at sakit. Malaya ka na kaya masaya ako para sa'yo."

Deep inside me, alam kong masaya rin ako para kay Ryle. I've seen him hurting. Suffering most of the times kaya naman kahut 'di ko talaga matanggap, masaya pa rin ako na malaya na siya sa lahat.

Tahimik akong umiiyak nang biglang maalala ang ibinigay ni Ryle na sulat sa'kin. Mabilis kong hinanap sa wallet ko 'yon dahil doon ko 'yon nilagay noong nakaraan.

Found In The Wild WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon